-Jewel- Nang araw na malaman ko ang nangyaring pagsunog sa aming lupain ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o maramdaman naguguluhan din ako sa kung ano ang dapat kong isipin ng mga sandaling yon. Alam ko kasing lalabas ang tunay na pag-uugali ni Papa at maraming tao ang maaaring madamay oras na mangyari yon kilala ko si Papa kapag galit s’ya. Nakita ko na rin kung paano ito magparusa sa kanyang mga tauhan kapag nagkakaroon ang mga ito ng kapalpakan sa kanyang o maging sa mga negosyo nito, malaking problema ang naganap na pagsunog kaya natitiyak kong may masasaktan sa mga tauhan nito dahil tiyak na isa sa kanila ang pwdeng pagbintangan ng aking ama. Mas importante kay Papa ang lupa kaysa sa amin ni Mama kaya madalas ay naririnig kong sinasabi ni Mama kay Papa kung ano ang mero

