"SIGURADO ka ba na okay ka lang dito wife?" tanong ni Hector kay Pipay habang nilalaro nito ang kanilang anak na nasa ibabaw ng kanilang kama. "Mahal ko, nandito naman si Nanay Ester e! `Tsaka saglit ka lang naman sa opisina mo." anang Pipay matapos iligpit ang mga pinagliguan sa baby nila. "Para ka namang mawawala ng ilang taon." natatawa pang panunudyo niya sa asawa. "I'm just making sure na okay lang kayo ni baby Dullah natin." anito. Napapangiti na lamang si Pipay na lumapit sa tabi nang kaniyang asawa. "Okay lang kami rito, mahal ko! Huwag ka na mag-alala." aniya. "Nasanay lang kasi ako na parati akong nandito sa bahay at kasama kayo ng baby natin. Kung hindi lang dahil sa importanteng meeting na ito, hindi ako aalis." anang Hector at kinabig niya sa baywang ang asawa. "Saglit lan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


