"WHAT are you doing son?" bungad na tanong ng matandang PenaVega sa kaniyang anak. "Are you drinking again? Nakakatulong ba `yan sa `yo para bumalik sa `yo ang asawa mo?" kunot ang noo na tanong pa nito pagkuwa'y pumuwesto sa single couch habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa anak. Inisang lagok ni Hector ang laman ng kaniyang baso `tsaka muling sinalinan iyon. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga. "Sa kirot at sa sakit sa puso ko... I assure you that this alcoholic drink helped me a lot para kahit saglit lang ay makalimot ako." aniya. "I see! Pero hindi ba't mas mainam kung mag iisip ka na lang ng ibang paraan para mapadali ang pagbabalik ni Pipay dito sa bahay ninyo?" saad nito. "Hector anak, mabilis na lumilipas ang mga araw. Hindi ka ba natatakot na baka habang tuma

