"WIFE, are you okay?" tanong ni Hector sa asawa habang akay-akay niya itong naglalakad sa pasilyo ng kaniyang building. Muli niya itong isinama sa kaniyang opisina para may inspirasyon ulit siya habang nagtatrabaho. Nakatungo si Pipay nang balingan niya ito ng tingin. Simula kanina, pagkababa palang nila ng asawa sa sasakyan niya ay pansin niya na ang pananahimik nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. Just like the other day nang isama niya rin ito sa kaniyang trabaho, bigla na lamang nanahimik. Isang tango naman ang naging sagot ni Pipay habang hindi pa rin ito nag aangat ng mukha upang tingnan ang asawa. Hindi na sana siya sasama kay Hector sa pagpasok nito sa trabaho dahil ayaw niya nang maulit uli ang nangyari sa kaniya noong nakaraan, sa loob ng banyo at sa dalawang tauha

