CHAPTER 5

2304 Words
Amoy ko ang usok mula sa sigarilyo. Nakatitig ako sa kisame. Ramdam ang lamig mula sa aircon na gumagapang sa aking balat. Kumurap ako at tumagilid ng higa. Gustuhin ko man matulog sa mga oras na ito ay siya naman na gising pa ang aking diwa. Kahit na nakatalukbong ako ng kumot ay niyakap ko pa rin ang aking sarili. Kinagat ko ang aking labi dahil sa pagsisisi. Hindi rin dahil sa labag sa aking kalooban na pagbigyan ang kagustuhan ni Edwin. Ginagawa ko lang ito para umiwas nalang sa maaaring gulo o away. Sa tuwing nagkakaroon kami ng argumento, napapagod na ako. Physically o mentally. Tingin ko ay epekto na din ng aking sakit. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay lumalala na naman ang sakit ko. Nagiging mainit na naman ang aking hininga, maski ang aking katawan. Dagdag pa na pinagpapawisan na ako. Para akong hinahabol ng hininga. Ang mas malala pa ay sumasakit na naman ang aking sikmura, dahil d'yan ay binaluktot ko ang aking sarili dahil sa pamimilipit sa sakit at hindi ko na din mapigilan ang sarili kong mapaungol. Mukhang napansin 'yon ni Edwin. "Charlize?" Gustuhin ko man itago ang sitwasyon ngayon ay hindi ko magawa dahil na din sa paghihina. Pero dahil walang pinipili ang oras ang sakit na ito ay nagsuka na naman ako ng dugo. Sumisigaw na ang isang bahagi ng aking isipan na linisin ko ang sarili ko bago man niya makita ang katotohanan ay bigo ako. Ayaw makisama ang aking katawan sa utos ng aking isipan. Mas lalo ako nanghihina, naghahabol ng hininga. Kahit na nakapikit ako ay ramdam ko na bahagyang umuga ang kutson ng kama hanggang sa may dumapong palad sa aking pisngi. RInig ko ang mahina niyang mura. Lumipat ang palad niya sa aking noo na tila humihingi ng kompirmasyon. Sunod niyang ginawa ay marahas niyang inalis ang kumot. Isang dumadagundong at malutong na mura ang narinig ko. I hardly shut my eyes. Natatakot ako makita sa oras na makita niya ang totoo. Kung ano talaga ang kalagayan ko. Bahagya niya binuhat ang upper body ko. "Anong nangyayari sa iyo, Charlize? Dadalhin kita sa Ospital!" may halong kaba at takot nang tanungin niya 'yon. Bubuhatin niya sana ako pero agad ko siya pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang damit. Dahan-dahan akong umiling, tanda ng pagtatanggi ko. Nakakainis. Kahit ang pagsagot ko ay ipinagkakait na sa akin ng sakit. Taas-baba ang aking dibdib. Muli siyang gumalaw, may bakas 'yon ng pagkataranta. May inaabot siya pero hindi pa rin niya ako magawang bitawan. Narinig ko ulit ang sunud-sunod niyang mura saka tumahimik siya nang panandalian. "Hello, may duty ka ba ngayon? I need your help., please. This is emergency." Mukhang kilala ko na kung sino ang kausap niya. "Okay, okay. We will wait. Thank you." Doon ako nagkaroon ng naglakas-loob na tingnan siya. Sinilip ko ang kaniyag reaksyon sa mga oras na ito. Matagal ko nang hindi nakikita ang ganyang mukha na nakaukit sa kaniyang mukha. Mukha na bakas na may pag-aalala sa akin. Na parang natatakot siya na tuluyan akong mawala sa piling niya na dahilan para pigain ang puso ko sa mga nakikita ko. May kumawala na butil ng luha mula sa aking mata at doon ko ay muli akong pumikit. ** "Kamusta na ang lagay niya?" rinig ko ang boses ni Edwin sa kausap niya. Ah, mukhang dumating na nga siya. "Hindi ko alam na sadista ka pala, kuya." mariing sagot sa kaniya ng kausap. Boses 'yon ng babae. Boses palang ay kilala ko na kung sino 'yon. Base pa sa tono nito ay pinapagalitan siya. Si Issa, isa sa mga pinsan niya. Nakilala ko na siya noong bago palang kami ni Edwin bilang magkarelasyon. Mas bata ito sa amin at naging kasundo ko ito buhat na ipinakilala ako sa kanilang kamag-anakan. Hindi mo aakalain na isa na itong registered nurse. "She has multiple injuries in her oral cavity... Lalo na sa ibabang bahagi ng katawan niya. Aware ka ba doon, ha? Talagang ipinagpatuloy mo pa ang gawain mo na 'yan, papaano kapag natuluyan siya, ha?!" "Hindi ko sinasadya..." Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Issa. "Alam ko kung anong mga pinanggagawa mo, para sa iyo parang lalo lang. Parang wala lang sa iyo pero hindi ko na masasabi kung may pakialam ka pa kay ate Charlize. Matagal na nang huli ko siyang nakita pero ngayon, masyado nang payat at hindi na tulad ng dati, siguro naman narerealize mo naman kahit papaano." "I will cut it off with everyone else..." I heard she clicked her tongue with irritation. "Ewan ko sa iyo, kumukulo dugo ko sa kabobohan mo. Habang natanda ka, siya naman isipan mo paurong." That's what she treat Edwin. Mas matanda kami sa kaniya pero sa oras na magagalit ito wala itong sinasanto. Talagang nagsasabi siya nang totoo, wala siyang pakialam kung may naooffend ba siya o hindi. Mas gugustuhin daw niyang magsabi nang totoo dahil hindi daw siya plastik na tao. Siguro 'yon ang gustuhan ko sa personality ni Issa. "Ang bilin ko sa iyo, painumin mo siya ng gamot na dinala ko. Kapag bumaba na ang lagat niya, mas mabutiing dalhin mo na siya sa Ospital para sa proper examination. Sa tingin ko kasi, hindi na talaga maganda ang kondisyon niya. Siya, aalis na ako." "Salamat." "Hindi ko ito ginagawa para sa iyo. Ginagawa ko ito para kay ate Charlize." saka inirapan niya ito at umalis na sila sa kuwarto. Kahit na nakaalis na sila sa kuwarto na ito nanatili paring nakapikit ang aking mga mata. Nanatili lang 'yon hanggang sa narinig ko ang pagbukas-sarado nang pinto. Rinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Ramdam ko na umupo si Edwin. Marahan niyang hinawakan ang isa kong kamay. "Kung alam ko lang sana..." namamaos niyang sambit. "Sorry, Chalize... Hindi ko alam... Sana mapatawad mo ako... Hindi ko na uulitin." saka dinampian ng halik ang likod ng aking palad. "Hindi na kita sasaktan pa, pangako." Hindi ko alam pero piniga na naman ang puso ko sa aking narinig. I clenched my other fist. Sa gayon ay mapigilan ko ang sarili ko na hindi maiyak o magkaroon ng palatandaan na gising pa ako. After all these years, you hurt me more than what I deserve because I loved you more than what you deserve. Iyan ang gusto kong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawa dahil unti-unti na ako hinila ng antok. ** Sa pagdilat ng aking mga mata ay kisame ng Master's Room ang bumungad sa akin. Sinubukan kong bumangon. Good thing, maibsan na ang sakit ng aking sikmura. Malungkot na may halong pagkakabahala ang umukit sa aking mukha nang tuluyan na akong nakabangon. Napansin ko na iba na din ang aking suot. Dumako ang tingin ko sa bintana. Naagaw ng aking pansin ang halaman na ipinahiram sa akin ni Dr. Zalanueva. Naputol lang ang pagtingin ko sa halaman nang biglang nagbukas ang pinto. Tumambad sa akin si Edwin na nakacoporate attire at nakaayos na pero medyo masopresa ako nang may hawak siyang tray table na may mga pagkain. Kita ko na medyo nagulat siya nang makita niya ako. Humakbang siya palapit sa akin . Nilapag niya muna ang tray sa side table at tuluyan na niya ako nilapitan. I'm lil bit flinched when he's trying to reach me until his palm were gently landed on my forehead. I stiffed. "How's your feeling?" malumanay niyang tanong sa akin. Hindi ko magawang magsalita. Umiwas ako ng tingin. Bumaba 'yon sa aking mga kamay. Pero halos matalon na naman ako sa gulat nang lumitaw ang isang kamay niya at ang kamay ko naman ang hinawakan niya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya na bakas sa aking mukha ang pagkagulat, nalilito at hindi makapaniwala. "May masakit pa rin ba sa iyo?" nanatiling marahan pa rin ang kaniyang boses nang muli siyang nagtanong. Lumunok ako habang nakatitig sa kaniya. "A-ayos na ako." Kumawala siya nang buntong-hininga. "Glad to know. By the way, nakapagluto na ako ng breakfast para sa iyo. Kailangan mong kumain para makainom ka na ng gamot." tumayo siya para bawin na ang tray table na nakapatong sa side table. Inilapag niya iyon sa aking harap. Napatingin ako sa pagkain na kaniyang inihanda para sa akin. Nagustuhan ko man pero hindi ko maiwasan na maging malungkot. Alam ko sa sarili ko na hindi ko maeenjoy ang mga ito . Tila may tumusok na karayom sa parte ng aking puso nang sumagi sa isipan ko na kaya niya ginawa ang bagay na ito dahil may sakit ako. Pero hindi pa niya nalalaman na maikling panahon nalang ang ilalagi ko sa mundong ito. Kinagat ko ang aking labi. Ginalaw ko ang kurbyertos. Bago ko tuluyang galawin ang pagkain ay bumaling ako sa kaniya. "K-kumain ka na ba?" Tumango siya. "Yeah, kumain na ako dahil maya-maya papasok na ako sa Opisina." tugon niya. Muli na naman niya akong inabot, sa pagkakataon na ito, ang buhok ko naman ang kaniyang hinawakan. Marahan niya itong hinahaplos. Natigilan ako sa ikinikilos niya. Parang tumigil ang mundo ko nang gawin niya ang bagay na 'yon. "E-Edwin..." "Hmm?" "Bakit..." mahina kong sambit. Ganoon pa rin ang nakaukit sa aking mukha. "Because I promise to myself that I won't hurt you anymore." aniya. But you already broke your promise. "Nga pala," segunda pa niya. "May business trip pala ako ngayon. Gusto ko sanang sabihin sa iyo pero nauna ang away natin." Bahagyang ibinuka ko ang aking bibig. Muli siyang gumalaw saka dinampian niya ng halik ang noo ko. "Sa oras na bumalik ako, sabay tayo pupunta ng Ospital para ipatingin ka, okay?" Awtomatiko akong tumango. Malungkot kong tiningnan ang pagkain. Ano pa bang aasahan ko? Not all the time, he's willing to stay with me. How ridiculous you are, Charlize. You create your own heartbreak through your expectations. A likes of Edwin will always leave you. Money over love. Busines over commitment, that's his mindset. You're not his priority, that I am not worth of his time anyway. Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay tinulungan ko pa siya mag-ayos ng bagahe niya. Napag-alam ko sa ibang bansa ang kaniyang business trip. Ayaw pa niyang tulungan ko siya at sinasabi niyang magpahinga nalang daw ako. Pero nagpupumilit ako. Kinukumbinsi ko na maayos na ako kahit papaano. I just doing this because this is my duty as his wife, atleast. In the end, he can't help but he let me. He handed me the money for what would be my budget while he was away. It's a same routine. Pero hindi ko ginagalaw 'yon kung para sa pagpapagamot ko. Ang tanging pinanggagastos ko ay ang sarili kong pera. Lingid sa kaalaman niya, isa ako sa mga investor sa kompanya ng malapait kong pinsan kaya madali para sa akin na makakuha ng pera. That was my best decision and selfishness that I've done so far. Good thing is, hindi sasabihin ng pinsan ko kay Edwin tungkol sa bagay na ito dahil sa hindi nga gusto ng kamag-anakan ko si Edwin. Hinatid ko ang asawa ko hanggang sa pinto ng unit. Nagpaalam siya sa akin. Isang ngiti ang iginawad ko. Hinatid ko lang siya nang tingin habang papalayo. Nang tuuyan na siyang nawala sa aking paningin ay kusang nawala ang ngiti sa aking mga labi. Pagkasara ko ng pinto ay agad kong tinungo ang kitchen sink at nagsuka. Pagkatapos ay aligaga kong hinila ang drawer para ilabas ang gamot. Kumuha ako ng ilang tableta mula doon saka marahas ko itong isinubo. Uminom na din ako ng tubig. Kumawala ako nang malalim na buntong-hininga. Biglang tumunog ang aking cellphone. Sunod ko naman iyon dinaluhan. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Dr. Zalanueva. DR. ZALANUEVA: Good day, Mrs. Manimtim! Your treatment in chemotheraphy is already prepared. You can visit my office anytime to discuss regarding about the schedule. Thank you. Nang mabasa ko ang mensahe ay mariin kong hinawakan ang aking telepono. Kinagat ko ang aking labi. So, I got a chance... ** Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Naligo at nagbihis ako. Nagpasya akong pumunta ng Ospital para mapag-usapan na namin ni Dr. Zalanueva tungkol sa chemotheraphy habang wala si Edwin. Ito nalang ang nakuha kong pagkakataon para magpagamot dahil mas mahihirapan ako makuha pa ng oras kung naririto siya sa Pilipinas. Sa pagtapak ko sa kaniyang Opisina ay agad bumaling sa aking gawi ang doktor. Isang ngiti ang sinalubong niya sa akin na akala mo ay inaasahan niya ang pagdating ko. Agad siyang tumayo mula sa swivel chair. Dinaluhan niya ako. "Good afternoon, doc..." mapait na ngiti ang isinukli ko nang nasa mismong harap ko na siya. "How are you, Mrs. Manimtim?" magiliw niyang tanong. Sinabi ko sa kaniya na inatake na naman ako kagabi. Sinabi ko rin sa kaniya na desidido na ako sa chemotheraphy. Nabanggit ko din sa kaniya na sinabi sa akin ni Issa na may sugat na daw ang aking oral cavity ko. Marahan niya akong ihatid sa patient's bed. Hinila niya ang kurtina para isara ito. Kinuha niya ang pen torch mula sa bulsa ng kaniyang white coat. Mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin na medyo ikinawindang ko. Awtomatiko akong tumingala sa kaniya. "Let me see." aniya. Kalamado pero nababasa ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Kusa kong ibinuka ang aking bibig. Itinutok niya ang ilaw sa aking bibig. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam pero gusto ko lang pagmasdan ang reaksyon niya. Kita ko kung paano kumunot ang noo niya. Pero nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha parang may nakita siyang hindi niya talaga nagustuhan but still, he manage to console himself. Lumayo siya mula sa akin. Pinatay niya ang pen torch saka ibinalik na niya ito sa bulsa ng kaniyang coat. Isang seryosong tingin ang ipinakita niya sa akin. "You got Coagulopathy," aniya. "It's a bleeding disorder, to clot is impaired." Napasapo ako sa aking bibig. Sa likod n'on ay napakagat ako sa aking labi. "Tell me, what happend." Nag-aalangan akong tumingin sa kaniya. "We got a fight last night... And he h-hit me..." "Fuck." matigas at galit niyang bulalas. "Seriously?!" Napaatras ako dahil sa pagkagulat, halos humiwalay na ang puso ko. Hindi ko sukat-akalain na isang tulad niya ay magmumura sa harap ko. O dahil nasanay lang ako na sa tuwing nakakaharap ko siya ay iang masiyahin at mabait pero hindi ko aakalain na may ganito pala siyang side... Muli niya akong tiningnan, tila sinusuri pa niya ako sa mga tingin niyang 'yon. He looked stiff when his eyes landed on my neck. "Love... Bites?" Ako naman ang natigilan. Napakapa ako sa aking leeg at nataranta kong takpan 'yon ng aking kamay. Pero muli siyang lumapit sa akin at inalis niya ang aking kamay mula sa aking leeg. Tumitig siya doon, nababasa ko sa kaniya ang lungkot at pighati na akala mo ay inagawan siya ng paborito niyang laruan. Nagtama ang aming mga mata. Halos kakapusin na ako ng hininga dahil masyado siyang malapit sa akin. "Doc...?" Tila natauhan siya nang tawagin ko siya. Pero nanatili pa rin siya sa ganitong posisyon. "That bastard... I never thought he could do these terrible things to you..." wika na may matalim na tingin. Mapait akong ngumiti. "Maswerte siguro ang asawa mo, doc..." pagbabago ko ng usapan. "I'm still single, Mrs. Manimtim." I stunned when I heard his statement. Hindi ko magawang magsalita dahil akala ko ay may asawa na siya. "If you're wondering why I'm still single, well, I'm telling you a short story... Over a decade ago, I would have gotten married but it didn't work because my bride-to-be likes someone else." "H-ha..." wala na akong makapang salita. "And accidentally I found her again. It looks like she's not happily married.... And the thing is, she's one of my patient. She's my special patient." "Eh... Anong plano mo, doc?" "If she will allow me to enter and walk in her life, if she will allow me to replace his husband..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD