ZERO’S POV
PASADO ala-una na ng madaling araw ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Zero, halos mangalahati na niya ang isang bote ng whiskey. Akmang sasalinan sana niya ang kaniyang hawak na baso ay bigla siyang may narinig na kakaibang tunog.
Parang tunog ng kabayo pero nang narinig niya ulit ang kakaibang tunog napagtanto niyang imposibleng kabayo iyon.
Masyadong malayo ang kuwadra ng mga kabayo sa mansyon at ng iba pang alagang hayop na naroon sa rancho Esmeralda, na pagmamnamay-ari ng namayapang lola niya na ipinaman naman sa kaniya nito.
Nasa terasa siya ng kaniyang kuwarto, naka-open view ito at mula sa kinatatayuan niya tanaw na tanaw niya ang malawak na bakuran ng mansyon. Nasa humigit kumulang dalawampung ektarya ang naturang rancho.
Napapaligiran ng iba't ibang klase ng punong kahoy ang mansyon. Sa kaliwang bahgi mula sa kaniyang kinaroroonan ay may antigong fountain at sa kanag bahagi naman ay may medyo kalakihang man-made lake.
Inilapag ni Zero ang hawak na baso at bote ng alak at hinanap kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Parang kabayong namimilipit sa sakit at parang tao na may iniindang matinding sakit, hindi siya sigurado kung alin sa dalawang hinala niy ang kaniyang narinig kanina.
Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa unang palapag ng mansyon, tanging ang kaniyng silid lamang ang may nakabukas na ilaw. nang walang napansin na kakaiba sa paligid mula sa kaniyang kinatatayuan ay nagpasya siyang pumasok sa kaniyang silid at bumaba sa unang palapag.
Pagkababa niya ng hagdanan ay otomatik na umilaw ang mga ilaw malapit sa kinaroroonan niya. Kahit luma at antigo na ang naturang bahay ay may iilan siyag pinalitan tulad na lang ng mga ilaw at iba pang high-tech na gamit sa loob.
Binuksan ni Zero ang sliding door patungo sa swimming pool, naka-dim ang ilaw sa pool area. Kung hindi siya nagkakamali ay roon niya kanina narinig ang kakaibang tunog.
May hindi kalakihang bahay kubo malapit sa pool area, inisa-isa niya itong pinuntahan at tiningnan, wala anmang kakaibang napansin si Zero.
Bumaik si Zero sa loob ng mansyon habang paakyat ng hagdan ay napahikab pa siya bigla at parang dinuduyan siya ng antok, muntikan pa siyang natuma kung hindi lang kaagad siya nakahawak sa barandilya ng hagdanan.
Hinihingal na binuksan niya ang pinto ng kaniyang kuwarto pakiramdam ni Zero ay ilang milya ang inakyat niya kanina at pinagpapawisan rin siya. Noong una ay naisip niya baka umepekti na ang tama ng whiskey sa kaniya.
Nang nakaasok siya sa loob ng kaniyang kuwarto ay kaagad na dumeretso siya sa banyo. Dumeretso si Zero sa ilalim ng dutsa ng shower nang bigla siyang napatigil nang may na-realize at nahagip ng kaniyang mga mata sa malaking salamin sa loob ng kaniyang banyo.
Umatras siya para tingnan ang kaniyang sarili sa malaking salamin, ang kulay itim niyang buhok na may kahabaan ay nag-iba ang kulay, naging ulay abo na ito pati na rin ang kaniyang balbas at bigote.
Nakauwang ang bibig ni Zero dahil sa nakita, kumura-kurap pa siya para masiguradong tama ang nakikita niya. Napasabunot pa siya sa kaniyang buhok. Mabilis na tinungo niya ang lababo at binuksan ang gripo para maghilamos. Tiningnan ni Zero muli ang kaniyang sarili sa salamin, na-shock siya nang nakitang bumalik na sa totoong kulay ang kaniyang buhok pati na rin ang kaniyang bigote at balbas.
Embes maligo sana siya hindi na lang natuloy dahil sa misteryosong nangyari at nakita niya.
Nagpasya na lang siyang matulog, pagkahiga niya sa malambot niyang kama ay napasigaw su Zero dahil sa sobrang sakit na tila pinapaso ang kaniyang kaliwang bahagi ng leeg niya, napahawak pa siya roon.
Halos nandidilim na ang paningin ni Zero, napapikit na siya sa sobrang sakit habang sumisigaw. Halos panawan na siya ng ulirat.
Hinang-hina na siya at nandidilim na ang kaniyang paningin halos wala na rin siyang nakikita.
"Kamahalan, isa itong babala para ikaw ay makapaghanda... malapit ka na nilang makilala at mahanap."
Pinilit ni Zero na idilat ang kaniyang mga mata para makita ang nagsasalita. Nararamdaman niya ang presensiya nito, alam at ramdam niyang may kasama siya sa kaniyang kuwarto.
"S-sino ka?" nanghihinang tanong ni Zero, sa nagsalita kanina.
"Ako ay isa sa nagbabantay at nagbibigay proteksiyon sa iyo, Kamahalan, habang hindi pa nanunumbalik ang iyong kakayahan," magalang na sagot nito sa kaniya.
"Hindi na mahalaga na malaman mo kung sino ako, Kamahalan, sa takdang panahon ako ay iyong makikilala, sa takdang panahon," makahulugang dagdag pa nito.
Tuluyang nawalan ng malay si Zero.
NAGISING si Zero dahil sa pagtunog ng kaniyang alarm clock, alas-otso na ng umaga. Masakit ang kaniyang ulo, nakahawak ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang gilid ng kaniyang ulo. Sumandal muna siya sa headboard ng kaniyang kama.
Nang humapa ang sakit ay napaisip si Zero kung panaginip lang ba ang nangyari kagabi o hindi. Isang palaisipan sa kaniya ang pagtawag ng misteryosong boses na 'Kamahalan'.
Nitong nakaraang buwan ay maraming misteryosong nangyayari sa kaniya. May mga naririnig siyang kakaiba at nakikita, noong una ay ang hinala niya bunga lang ng kaniyang malikot na imahinasyon pero ang nangyari kagabi ay nagpagulo sa kaniyang isip.
Hindi siya ang tipo ng tao na susundin niya ang idinidikta sa kaniya. Embes na isipin at bigyan ng oras ang mga bagay na walang makasagot sa kaniyang tanong ay bumangon si Zero at nag-ayos. Bibisitahin niya ngayon ang kaniyang Ate Era sa Maynila at ang dalawa niyang pamangkin na sina Ara at Erin, tumawag siya kahapon sa kaniyang kapatid na dadalaw siya sa mga ito.
Nang natuyo ang may kahabaang buhok niya ay itinali niya ito, simpleng white cotton shirt at denim pants ang kaniyang suot na pinaresan niya ng rubber shoes.
Nasa unang palapag na ng mansyon si Zero nang sinalubong siya ni Manang Ester ang mayordoma nila.
"Señorito, mag-almusal muna kayo bago umalis," magalang na mungkahi ni Manang Ester, sa kaniya.
Tinanggal niya ang suot na itim na sombrero. "Huwag na Manang Ester, tatanghaliin na ako."
Tumango lang si Manang Ester sa kaniya.
Ipinagpatuloy ni Zero ang paglabas ng mansyon.
Sa garahe pinili niyang gamitin ang kaniyang itim na sasakyan hindi pa naman ito masyadong luma at maganda pa ang takbo at maayos pa ang makina.
Papalabas na siya ng rancho nang nakatanggap siya ng tawag galing sa kaniyang kaibigan na si Victor.
"Napatawag ka?" bungad na sagot ni Zero, sa kaibigan.
"Ang seryoso mo naman..." natatawang turan ni Victor, sa kaniya.
"I'm driving," imporma niya kay Victor.
Tumikhim naman ito... alam ni Victor na kapag nagmamaneho siya ay ayaw niyang binibiro siya o nakipaglokohan.
His grandfather died because of car accident kagaya rin sa nangyari sa bayaw niya na ikinasawi rin nito.
"Napatawag ako to inform you na may taong nagpapainbestiga sa personal na buhay ng lolo mo," pagbibigay alam ni Victor, sa kaniya.
Humigpit ang pagkahawak niya sa kaniyang cell phone at napatiimbagang siya sa nalaman.
"Name?" seryosong usisa niya kay Victor.
"One of the journalist of STK TV Station," sagot ni Victor, sa kaniya.
"I need a specific name, Victor," ulit niya sa kaibigan.
Natahimik ang sa kabilang linya ng ilang segundo bago nagsalita. "Nickie Villaflor."
Naunang nagpaalam si Victor sa kaniya.
Victor is a private investigator at may-ari din ng private agency sa bansa.
Ayaw ng Lolo Razino niya na isapubliko ang pribadong buhay nito, kahit na malabong mangyari dahil isa itong senador, but because of his lolo connection and wealth nagawa nitong itago sa publiko ang pribadong buhay.
Nakapagtataka naman na limang taon na ang nakalipas nang namatay ang kaniyang lolo saka pa may lakas-loob na imbestigahan ang personal at pribadong buhay nito. Isa lang ang ibig sabihin nito may malaking dahilan kung bakit hinuhukay o inaalam ang pribadong buhay ng kaniyang namayapang lolo.
Umaandar na naman ang pagiging protective niya sa kaniyang pamilya, kahit na ang totoo ay wala siyang masyadong naalala na mga alaala sa mga ito.
Fifteen years ago ay na-involve siya sa isang car accident at dalawang taon siyang nakaratay sa hospital, he was in coma for two years, at nang nagising siya wala na siyang naalala tungkol sa kaniyang sarili at pamilya.
His Lola Esmeralda took care of him pati na ang Ate Era niya at ang butihing Lolo Razino niya.
Lahat ng nakalimutang memories niya ay ikinukuwento ng mga ito sa kaniya at lahat ng lugar na napuntahan niya bago ang aksidente ay pinuntahan nilang pamilya.
Pagkarating ni Zero sa Maynila ay hindi muna siya dumeretso sa bahay ng kaniyang kapatid na si Era, dumaan muna siya sa bahay ni Victor, nag-text ito kanina sa kaniya na may mahalagang dokumento itong ipapakita sa kaniya.
Natawagan niya na rin ang kaniyang kapatid na ma-late siya ng dating. Habang binabaybay ang daan patungo sa isang exclusive subdivion napansin ni Zero ang kulay puting SUV na kanina pa sumusunod sa kaniya, akala niya noong una ay iisang lugar lang ang pupuntahan nila.
Binilisan ni Zero ang takbo ng kaniyang sasakyan, kabisado niya ang pasikot-sikot at shortcuts’ patungo sa bahay ni Victor... Nang nakalipas ang bente minutong pagmamaneho ay nailigaw niya rin ang nakasunod sa kaniyang puting SUV.
Mahigpit ang seguridad sa naturang subdivision at mukhang natimbrehan na rin ni Victor ang guwardiya na darating siya.
"Magandang umaga, Mr. Martin," magalang na bati sa kaniya ng guwardiya.
"Good morning," sagot ni Zero.
Nang nakalagpas na siya sa security ay kaagad na tinawagan niya si Victor.
"Can you check the CCTV's footage? May puting SUV, na kanina pa sumusunod sa akin, nailigaw ko lang bago nakarating dito," aniya kay Victor, na hindi pa nga nakapag-hello.
"Copy," mabilis na sagot ni Victor, sa kaniya.
IPINARADA ni Zero ang kaniyang sasakyan sa harap ng mataas na bakod. Ang bahay ni Victor ang may pinakamataas na bakod sa buong subdivision, na pagmamay-ari din ng kaniyang kaibigan.
Hindi rin basta-basta na makakuha ng lote sa naturang subdivison, masyadong mahigpit ang screening at kailangan pa ng membership fees bago maka-avail o makabili ng lupa.
Otomatik naman na bumukas ang mataas na bakod, nang itinapat ni Zero ang kaniyang mata sa eye scanner.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay tuwing pumupunta siya rito sa bahay ni Victor, masyadong safety conscious ang kaniyang kaibigan. Hindi rin naman niya masisi ito. Victor past was not that good, masyadong masalimuot at masakit.
"PINA-CHECK ko na sa mga tauhan ko ang background at iba pang impormasyon ni Miss Villaflor," panimula ni Victor.
"What about the documents?" tanong niya kay Victor.
Tumayo ito at may kinuha sa drawer. Bitbit ang puting folder ay inilapag nito sa center table ang naturang folder.
"Ito na ba lahat?" Dinampot niya ang puting folder.
"Yes. You can take that para basahin at pag-aralan," turan ni Victor, sa kaniya.
Tumango-tango siya habang binubuksan ang folder. Pinasadahan niya lamang iyon ng tingin at isinara muli.
"Can you check if may koneksiyon si Miss Villaflor kay Asixto Villaflor," utos ni Zero kay Victor.
"Asixto Villaflor?" pag-uulit ni Victor.
"Yes," mabilis na pagkumpirma ni Zero kay Victor.
"And if there's a connection between them?" curious na tanong ni Victor.
"Asixto Villaflor has an interest to invest in my business in Laguna," aniya kay Victor.
"At isa rin siya sa may malaking shares sa STK TV Station, nakapagtataka lang na kung mayroon mang koneksiyon si Miss Villaflor kay Asixto, duda ako sa biglaang pagkakaroon ng interest ng matanda sa business ko," mahabang paliwanag ni Zero.
"Kaduda-duda nga at imposibleng nagkataon lang ang lahat," segunda naman ni Victor.
"I'll update you about these documents, for now... investigate Miss Villaflor kung ano ang motibo niya sa pag-imbestiga sa buhay ni Lolo and check the background of the CEO of STK TV Station as well," utos niya kay Victor.
"Noted. I'll update you kapag may impormasyon na ako sa kanila. I'll contact Vince and the gang to protect you," si Victor.
"Thanks," pasasalamat ni Zero, sa kaibigan.
"Don't mention it." Tinapik ni Victor ang kaniyang balikat.
"I'll go ahead... masyado na akong late at baka masermunan pa ako ni Ate Era," paalam niya.
Ngumiti lang si Victor. Pasimpleng umiling siya sa naging reaksiton ni Victor.
"Ikumusta mo na lang ako sa kapatid mo," pahabol ni Victor.
"If you are not busy... you can come with me and ask my sister if she's okay or not," nakangising sagot niya kay Victor, na ikinatawa lang ng kaibigan.