Chapter 3

2132 Words
ZERO'S POV DALAWANG araw siyang nanatili sa bahay ng kaniyang kapatid, wala namang problema iyon dahil may sariling kuwarto at may mga gamit naman siya roon. Kahit papaano ay naka-bonding niya ang dalawang pamangkin at ang kapatid niya. Minsan ang mga ito ang dumadalaw sa kaniya sa Rancho Esmeralda. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na sana magbago ang desisyon ng kapatid niyang si Era. Kahit ilang beses na niya itong pilitin na magpagamot sa ibang bansa ay wala itong balak. Naiintindihan naman niya ang kaniyang kapatid kung bakit ayaw nitong magpagamot, but he still wanted to try and convince his sister. Nirerespeto niya kung ano man ang desisyon ng kapatid niyang Era. Psychologically speaking, his sister is not okay, kaya nandito siya para suportahan at samahan ang kaniyang kapatid. Silang dalawa na lang ang magkasama at magdadamayan. PAPASOK na siya ng bungad ng San Pedro, Laguna nang may namataan siyang nakatigil na sasakyan at sa hula niya ay mukhang nasiraan ito o naaberya. Binagalan niya ang pagtakbo, malapit na ring lumubog ang Araw. Nakita niyang babae ang may-ari ng sasakyan, nakabukas ang hood ng kotse at abala sa pag-check ang babae kung ano ang sira ng sasakyan nito. Nang napansin nito ang papalapit niyang sasakyan ay bigla siya nitong hinarangan. Balak naman niya itong tulungan lalo na at babae, nag-iisa pa ito. "Can you help me? Pasensiya na kung hinaharangan kita, sir, but I need your help," pagsusumamong turan ng babae. She has a long wavy hair, matangos ang ilong at may mapupulang manipis na labi. Tumango siya rito, ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa unahan ng sasakyan ng babae. Hinubad muna niya ang suot na demin jacket at inayos ang pagkasuot ng itim niyang sombrero. He can fix a car, kung minor problem lang dahil may background din naman siya pero if major problem na ang aayusin he will not gonna fix the car, mabuti na lang at may dala-dala rin siyang toolbox na kahit papaano ay makatulong sa pag-aayos. "Ano'ng nangyari sa sasakyan mo, miss?" tanong niya sa babae. "Ahmm... biglang namatay ang makina," nahihiyang sagot nito sa kaniya. "Tagarito ka ba sa Laguna?" dagdag tanong niya sa babae. Maski siya ay nagulat sa kaniyang tanong. Hindi niya ugaling magtanong ng kung ano-ano lalo na sa isang estranhera. "Nope, taga-Maynila ako," sagot naman ng babae. She's wearing a off-shoulder floral top at denim pants na may butas-butas na desinsyo na pinaresan ng sneaker shoes. Kinuha niya ang toolbox at sinimulang i-check kung ano ang deperensiya ng sasakyan ng babae. "Puwede mo bang paandarin ang sasakyan mo?" aniya sa babae. Mabilis naman na tumalima ito sa sinabi niya. After a couple of trying to start the engine ay hindi talaga umandar ang sasakyan ng babae. Sumenyas siya sa babae na lumabas ito ng sasakyan. "Mukhang kailangan talagang dalhin sa vulcanizing shop ang sasakyan mo, miss," aniya sa babae. May kalayuan pa naman ang pinakamalapit na vulcanizing shop sa kinaroroonan nila. Marunong naman siyang mag-ayos ng sasakyan kapag minor lang naman ang kailangang ayusin, hindi katulad ng sasakyan ng babae. Bukod sa secondhand lang ito ay ang ibang piyesa ay hindi ganoon katibay. "Paano 'yan ngayon? Mukhang walang malapit na shop dito," namomoblemang turan ng babae. "If you want, puwede kang sumakay muna sa akin hanggang may makita tayong shop at ipakuha na lang dito ang sasakyan mo, malapit na ring lumubog ang Araw at delikado na mag-isa ka rito," suhestiyon niya sa babae. Hindi naman naitago ng babae sa mukha nito ang pag-alinlangan so, before she can utter a single word ay inunahan na niya ang babae. "You can call your brother or parents even your friends, inform them about what happened to you and your car, then give them my plate number and name... if nag-aalala o nag-alinlangan ka." Nararamdaman niyang walang tiwala ang babae sa kaniya. Mahaba ang pasensiya but knowing na walang tiwala ang babae sa kaniya, medyo nakaramdam siya ng kaunting inis, na hindi naman niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman. "Hindi sa gusto kitang ma-offend but I don't really trust anybody, lalo na sa ganitong situwasyon," pag-aalangang sabi ng babae. "Naiintidihan ko, miss, but if you stay here alone, mas delikado. I can't stay here with you also, I have an important things to do at hindi ko rin maatim na iwanan ka rito," mahabang pahayag niya sa dalaga. Nakikita pa rin niya ang pag-alinlangan sa mga mata ng babae. "I'm not a bad person, miss, my grandparents taught me and my sister to be kind and good person," dagdag pa niya. "What's your name?" biglang tanong ng babae, sa kaniya. Hindi siya ang tipo ng tao na basta na lang magpakilala sa isang estranghero but to prove that he has no intention to harm her, magpapakilala siya sa babae. "Zero Martin." Inilahad niya ang kaniyang kanang palad sa babae. "Z-Zero Martin?" Tinanggap nito ang pakipagkamay niya rito. "You have a unique name, Mr. Martin," papuri ng dalaga. Pero ramdam niyang parang biglang nababalisa ito sa presensiya niya. "Ikaw ano'ng pangalan mo?" balik-tanong niya sa dalaga. "Nickai Villaflor," sagot ng babae. "Villaflor," pag-uulit ni Zero sa kaniyang isipan. Nang bitiwan ng babae ang kamay niya ay nakaramdam ng kakaiba si Zero, parang may pumitik sa kaniyang sentido na hindi niya naiintidahan. And when he looks at Nickai Villaflor, nakatulala ito sa kaniya at nanlalaki ang mga mata. Bumitiw siya sa pagkahawak sa kamay nito. "Miss, okay ka lang?" Nilapitan niya ang babae. When he touched her ay nagulat pa siya nang nakaramdam na para siyang kinukuryente. Otomatik na dumapo ang kamay niya sa kaniyang leeg nang nakaramdam ng sakit na tila pinapaso ang kaniyang leeg. "M-malapit na silang maghasik, malapit na malapit na," nauutal na usal ni Nickai Villaflor. Buti na lang at naging mabilis ang pagkilos niya dahil kung hindi bumagsak sana ang babae sa matigas at malamig na kalsada. "Miss!" Niyugyog niya ang walang malay na babae. Kahit sumasakit pa ang kaniyang leeg ay binuhat niya ang babae at isinakay sa kaniyang kotse, inilagay niya ito sa backseat. Nang naayos niya ito ay kaagad na isinara niya ang pinto at pinuntahan ang sasakyan ng babae. Kinuha niya ang bag nito at ang susi ng sasakyan matapos na nai-lock ang pinto ay mabilis na bumalik siya sa kaniyang sasakyan. Wala siyang pagpipilian kundi dahil sa pinakamalapit na hospital o clinic man lang ang babae. Iba ang pakiramdam niya kanina nang nagsalita ito nang wala sa sarili, pakiramdam niya ay narinig na niya ang boses na iyon. Hindi boses ng babae ang narinig niya kanina. MABUTI na lang at may nadaanan siyang isang private hospital. "Don't worry, Mr. Martin, her vital signs is okay wala namang malalang nangyari sa pasyente, she passed out because of stress and fatigue," paliwanag ni Dr. Mariaño, sa kaniya. "Thanks, Dr. Mariaño, I'll go ahead," paalam niya sa doktor. Binalikan niya ang babae sa kinuha niyang kuwarto, para lang itong mahimbing na natutulog, nai-settle na rin niya ang bill. Kanina nanghingi siya ng papel sa isang nurse kanina at nanghiram ng ballpen. Matapos na naisulat ang gusto niyang sabihin sa babae ay balak niyang ipakuha ang kotse nito. Nakausap na rin niya kanina ang may-ari ng talyer. Inilagay na rin niya sa kaniyang sulat na iniwan sa babae ang contact number ng talyer at address, may ilang metro lang din naman ang layo mula sa hospital. PASADO alas-nuwebe na ng gabi siya nakauwi sa Rancho Esmeralda. Tulog na ang mga kasama niya sa bahay nang dumating siya na siyang nakapagtataka. Masyado pang maaga, wala namang problema sa kaniya kung maaagang magpapahinga ang kasama niya sa bahay dahil buong maghapon naman ang mga ito sa pagtatrabaho. Dumeretso na siya sa ikalawang palapag. Kumain na rin siya kanina nang may nadaanan siyang restaurant. Habang papasok ng kaniyang kuwarto ay bigla na lang tumunog ang kaniyang cell phone. Unregistered number ang naka-flash sa screen ng kaniyang cell phone. Walang siyangb balak na sagutin ang tawag, ibabalik na sana niya sa kaniyang bulsa ang cell phone nang namatay ang tawag at may kasunod na message na dumating. "Hi, this is Nickai Villaflor, I just want to say thank you for helping me earlier." Basa niya sa natanggap na mensahe sa parehong number na tumawag sa kaniya ngayon-ngayon lang. Itinuloy niya ang naudlot na paghakbang papasok sa kaniyang silid. Tumawag ulit ang babae, after their short conversation ay nagpaalam na siya rito. Itinuloy niya ang naudlot na pagpaspk niya sa loob ng kaniyang silid, habang naglalakad ay tumipa siya ng reply sa babae. "Walang anuman, take a rest." Hindi na niya hinintay ang reply ng babae, dumeretso siya sa banyo at binuksan ang shower. Maalinsangan ang kaniyang pakiramdam at kanina napansin niya. Nang dumating siya ang kakaibang itim na ulap na nakapalibot sa mansyon, mukha namang hindi uulan. He ignored what he saw earlier. His instinct was telling him to ignore what he saw. Pagkatapos niyang naligo ay tanging itim na boxer at ang kulay pulang roba niya ang tanging suot. Kumuha siya ng alak at baso. Binuksan niya ang sliding door na nakakonekta sa terasa sa kaniyang kuwarto. Pagkalabas niya, sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin. Inilapag niyaang hawak na alak at baso sa glass table na naroon. Habang nasa ilalim siya kanina ng shower ay paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan ang pangalan ng babae na nakilala niya kanina. "Nickai Villaflor," sambit niya sa pangalan ng babae. He remembered the name of the journalist. Halos magkapareho ang pangalan ng babae sa naturang journalist na si Nickie Villaflor. Kanina iniisip niya na baka iisa lang ang dalawa pero baka magkaibang tao rin, sa rami ng tao sa Pilipinas, hindi na rin nakagugulat na marami ang magkaapelyido at magkapangalan ang magkaibang persona. Iniwan niya ang kaniyang cell phone sa bedside table niya kanina. Gusto niyang walang estorbo kapag may gusto siyang pag-isipan. Nakatatlong salin na ng alak si Zero nang bigla niyang naalala ang kulay itim na ulap na nakita niya kanina. Muntik pa niyang naibagsak ang hawak na baso nang nakarinig ng paghalinghing ng kabayo sa hindi kalayuan. Nitong nakaraang linggo napansin niya rin na mayroong nag-iba sa kaniya. Minsan kahit sobrang hina ng boses ay malinaw niyang naririnig pati ang paggalaw o pagkilos niya ay malaki ang nagbago. He can't walk or run faster due to his injury nang naaksidente siya fifteen years ago. May injury ang kaliwang binti niya. But lately napansin niyang nakalalakad siya nang maayos at nakatatakbo pa. Nang hindi pa rin tumigil ang paghalinghing ng kabayo na para bang nasasaktan ay pumasok siya sa kaniyang kuwarto at nagbihis ng damit. Isang itim na jogging pants at itim na cotton shirt ang kaniyang isinuot. Mabilis na lumabas siya ng kuwarto. Ang hinala niya baka nakawala sa kuwadra ang paborito niyang Arabian horse na si Dark, na iniregalo mg kaniyang Lolo Razino. Medyo malapit sa mansyon ang kuwadra ni Dark, pinasadya niya ito. Palaging nakawawala ito sa kuwadra at nakipag-away sa ibang mga kabayo. Masyadong agresibo si Dark at siya mismo ang nag-aalaga sa naturang kabayo. INABOT din ng humigit-kumulang sampung minuto sa tantiya niya nang nakarating siya sa kuwadra ni Dark. To his surprise prenteng nakatayo si Dark habang ngumunguya ito. Nang nagtagpo ang paningin niya at ni Dark ay pakiramdam niya ay may kakaiba sa kaniyang kabayo. Nilapitan niya ito at hinimas-himas ang ulo ni Dark. Luminga-linga siya sa paligid nang nakaramdam na may mga matang pasekretong nakatingin sa kaniya ngayon. Sa isang iglap lang ay biglang dumilim ang buong paligid at halos wala siyang makita. Ibinaling niyanang kaniyang paningin sa direksyon kung nasaan ang mansyon, hindi niya rin nakikita ang mansyon dahil sa sobrang dilim. "Ano'ng nangyayari?" malakas na tanong niya sa kaniyang sarili. Sinadya niyang lakasan ang pagsalita dahil alam niyang hindi siya nag-iisa ngayon may iba pa siyang kasama. "Ano ang kailangan ninyo? Wala akong panahon sa larong ito! Magpakita kayo!" maotoridad na utos niya. "Hindi ako nakikipaglaro sa inyo, kung ang akala ninyo ay hindi ko napapansin ang inyong mga presensiya ay nagkakamali kayo," dagdag pa niya sa malamig na boses. Nararamdaman niyana nasa malapit lang ang mga ito, sa hula niya ay nasa apat sila base sa kaniyang nararamdaman na presensiya. "Kamahalan." Biglang may nagsalita sa kaniyang gilid. "Sino ka? Magpakilala ka?" utos niya. He's confused of what's happening right now, lalo na at unti-unting nawawala ang kadiliman na bumabalot sa paligid. And when someone speaks again ay muntik na siyang napasigaw sa sobrang pagkabigla. "Kamahalan, huwag kang matakot sa amin." Otomatik na binaling ni Zero ang kaniyang paningin sa kaniyang gilid kung nasaaan nakapuwesto ang kabayo niyang si Dark. "N-nagsasalita k-ka?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong niya sa kaniyang kabayong si Dark. "Ikinagagalak kitang makausap at sa wakas ako ay iyong naririnig," sagot ng kabayo niyang si Dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD