Bihis na si Alejandra, isang eleganteng black dress na pinili mismo ni Doña Leticia ang kanyang suot, simple pero classy, at sapat para itago ang ilang marka sa katawan niya. Maingat niyang inayos ang buhok, pinilit gawing natural ang bawat galaw kahit ramdam niya ang pagod at kaba.
Pagharap niya, nakita niya si Hugo na nakasandal sa pader, naka-fold ang mga braso, at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi admiration ang nasa mga mata nito kundi pamimintas, parang hinahanap ang anumang bahid ng kahinaan niya. Nakakapaso ang tingin nito.
Lumapit si Hugo sa kanya. Tumigil ito sa harap niya, bahagyang iniangat ang baba niya gamit ang dalawang daliri.
“Ayusin mo ang make-up,” malamig niyang sabi. “Halata ang pasa mo. Kapalan mo.. You need to look flawless tonight. Importante ang bisita ni Mama, Alejandra.”
Tumango si Alejandra. “Sige, Hugo,” mahina pero malinaw ang sagot niya. Sobrang kapal na nga ng make up niya, ang dami ng foundation na nilagay niya pero ang kulay ube na pasa niya ay hindi niya maikuble.
Mabilis siyang lumapit sa salamin at sinimulang ayusin ang make-up. Habang pinapatungan niya ang pasa, napansin niyang nakatingin pa rin si Hugo sa kanyang likod walang sinasabi at nakamasid lamang.
“Hindi pwedeng makita ‘yan mamaya,” dagdag pa nito. “I can’t have you embarrass me in front of everyone.”
Napakagat-labi siya, pinipigil ang pag-angat ng dibdib sa lungkot at galit.
“I’ll fix it,” tugon niya ng mahina pero malinaw.
Lumapit si Hugo mula sa likuran niya, tumingin sa reflection nilang dalawa sa salamin.
“Tandaan mo, Alejandra…” sabi niya, halos nakadikit ang bibig nito sa tainga niya. “You represent me. Don’t screw this up.”
Nanginginig ang kamay niyang may hawak na brush, pero nagpatuloy siya sa pag-aayos.
Pagkatapos ng ilang segundo, tumayo si Hugo ng diretso at lumayo.
“Don’t be late,” aniya bago lumakad palabas ng silid.
Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga si Alejandra, hinawakan ang dibdib at pilit na pinakalma ang sarili pero bago niya tuluyang matapos ang make-up, nag-vibrate muli ang telepono.
Pagdating ni Alejandra sa baba, agad niyang naramdaman ang bigat ng paligid. Eleganteng nakaayos ang mga mesa, kristal na baso, at mamahaling puting linen, klarong ipinapakita ng mga bisita ang kanilang impluwensya. Ang mga bisita ay business partners ng mga Gallarzo mula sa Maynila, matataas at respetadong tao sa bansa.
Naupo si Alejandra sa tabi ni Hugo, ramdam niya ang pressure. Habang nag-uusap ang iba pang bisita tungkol sa negosyo, napansin niya ang isang babaeng may maikling red dress na tila palihim na nagfiflirt kay Hugo, si Violet. Hindi naman siya tanga. Sa tuwing na tatawa ito ay titingin sa kanyang asawa. Paminsan-minsan ay humahawak pa ito sa binti ng asawa.
Hindi nag-react si Alejandra. Pilit niyang pinikit ang mata at huminga nang malalim, pinipilit itago ang emosyon. Alam niya na kung magpapakita siya ng kahit kaunting reaksyon, mapapansin ng iba ang tensyon, at pwede itong magdulot ng hindi kanais-nais na impresyon sa mga bisita. Tiyak na malalagot lamang siya sa ina ni Hugo. Baka sabihin pa nito ay napakaarte niya.
“Hugo, do you really think the Gallarzo deal is doable?” tanong ng isa sa mga business partners, halatang gustong makuha ang opinyon ni Rocky Gallarzo.
“Absolutely,” sagot ni Hugo, confident na pinipigil ang mga personal na distraction. “We just need proper documentation and the right approvals. Everything else is manageable.”
Maya-maya ay ngumiti si Doña Leticia, pilit na natural ang ekspresyon. “I think you’re right,” wika niya.
Habang nagpapatuloy ang dinner, napansin ni Alejandra na bahagyang nakatingin pa rin si Hugo kay Violet, pero pinilit niyang huwag pansinin. Sa halip, nakatingin siya sa kanyang baso, pinapakinggan ang usapan ng mga bisita.
“One day, I hope I can work with the Gallarzos directly,” sabi ng isa sa mga bisita, halatang nagbibiro sa isang business opportunity.
“Sure, we can arrange that,” tugon ni Hugo, at ngumiti sa bisita. “We’re very serious about partnerships.”
Si Alejandra, kahit nakatitig sa table setting, alam niyang napansin ni Hugo ang kanyang presence pero wala siyang pinakita. Pigil niya ang galit at disappointed niya.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap, nakaramdam si Alejandra ng kaunting ginhawa. Hindi niya kinokompronta si Hugo, pero alam niya ang kanyang limitasyon at kung paano itatago ang emosyon. “Just focus on tonight,” bulong niya sa sarili, “and don’t give them a reason to notice anything,” paalala niya pa sa sarili.
Pagkatapos ng dinner, tila may dahilan si Hugo para maalis sa harap ng mga bisita. Maya-maya ay lumapit siya kay Violet, at sumenyas.
“Come with me, I’ll show you the study,” wika ni Hugo.
Ngunit pinilit ni Alejandra na huwag pansinin ang dalawa. Pinikit niya ang mga mata, huminga ng malalim, at nanatiling nakaupo habang papalayo ang dalawa. Sa loob ng kanyang puso, ramdam niya ang kirot at galit, pero alam niyang ang anumang reaksyon ay pwedeng mapansin ng iba.
“You’re imagining things,” bulong niya sa sarili, pilit binabalewala ang eksena. Pero kahit sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili, alam niyang iba ang nangyayari.. Ang senyas ay malinaw na iyon. Hindi lang naman siya ang nakapansin dahil alam niyang nakita rin ng biyenan niyang si Doña Leticia.
Lumapit ang isa sa mga Gallarzo business partners sa kanya. “You’re quiet tonight, Alejandra. Is everything okay?”
“Just listening,” sagot niya, ngumiti ng bahagya, pinipilit maging composed. “It’s a very interesting discussion, isn’t it?”
“Indeed,” sagot ng bisita, hindi alam ang tumitinding tensyon sa mga mata ni Alejandra. Panay ang linga niya.
Habang nag-uusap sila, pilit niyang itinago ang ang galit. Ngunit sa bawat hakbang ng dalawa papalayo sa dining hall, ramdam niya ang pagbabago sa hangin, may nangyaring hindi dapat, at hindi niya makakalimutan.
Napansin ni Alejandra na dinala ni Hugo sa kwarto ang kasamang babae.. Palihim siyang tumayo at sinundan ang mga ito..Pilit niyang pinanatiling mahinahon ang sarili, ngunit ramdam niya ang kaba habang unti-unting binuksan ang pinto.
Sa loob ng kwarto, nakita niya ang hindi niya inaasahan, si Hugo at ang babae, nagtatalik sa mismong kama nila.
Pinikit ni Alejandra ang mga mata, huminga ng malalim, at pilit pinigil ang panginginig ng kamay at katawan.
“Breathe, Alejandra,” bulong niya sa sarili. “Hindi mo kailangan makita ito.”
“You have to stay calm, Alejandra ” bulong niya muli, pilit kinokontrol ang damdamin. “This is not the time to act. Think… plan.”
Sa kabilang banda, narinig niya si Hugo na parang nagbiro sa babae habang panay ang taas baba nito sa ibabaw ng babae.
“Relax, it’s just us here.”
Hindi niya alam kung joke lang iyon o hindi. Nandidiri siya.. Hindi niya pinapakita ang kahit anong reaksyon, nanatili siyang nakatayo sa gilid, nakatingin sa sahig, habang pinipilit kontrolin ang emosyon.
Hindi na siya nakatiis. Pumasok siya ng kwarto at umupo sa sofa na naroon sa kanilang kwarto. Pinapanood niya ang asawa ang ang bisita nilang si Violet. Habol ang hininga sa pagmamadali. Naningkit ang mga mata ni Alejandra habang tumutulo ang luha, pinipilit niyang manatiling invisible. Live na live ang panonood niya sa kababuyan ng mga ito sa mismong kama nilang mag-asawa. Si Hugo at ang babae ay patuloy sa kanilang ginagawa, walang pakialam sa presensya niya. Halata sa kanilang galaw at tawa na wala silang pakialam kung may nakamasid.
Biglang napansin ng dalawa ang presensya niya..Nagulat si Hugo, ngunit sa halip na huminto, bahagyang ngumisi lang, parang sinasabi, “I don’t care.” Ang babae naman, kumunot ng noo at mabilis na tumayo, halatang galit sa pagkakita ni Alejandra..
“What are you doing here?!”
Napahawak si Alejandra sa kanyang dibdib, ramdam ang panginginig sa galit at pagkadismaya.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo niyan?” pauyam niyang tanong. “The audacity… I can’t believe this. Nakakadiri kayo.”
“Hugo… this is—” nais niyang sabihin, ngunit pinigilan niya ang sarili. Alam niyang kahit isang salita ay pwedeng mag-trigger ng mas malaking eksena. Bakit niya ba iniiyakan ang tulad nitong hayop? Wala itong galang sa kanya. Sobra na.
“Don’t act all innocent now,” sambit ng babae.. “You saw everything, didn’t you?”
“Don't mind her, Violet,” sagot ni Hugo.
Pinikit ni Alejandra ang mata, huminga ng malalim. Hinarap niya si Hugo.
“I won’t let you humiliate me. Kababuyan na ang ginagawa mo sa akin. Sa pagkatao ko,” ani Alejandra.
“Pathetic,” sagot ni Violet na napapailing bago lumabas ng kwarto.
“Baliw ka na!” duro sa kanya ni Hugo na akmang susundan si Violet pero isang malakas na sampal ang ginawa niya sa lalaki.
Nabigla si Hugo sa ginawa niya. Gaganti sana ito pero agad siyang nagsalita.
“Subukan mo akong saktan at sisigaw ako ngayon. Sino ang mapapahiya? Wala kang alam gawin kundi ang saktan ako! Sige, Hugo! Kill me! Ipakita mo sa mga bisita ninyo kung gaano ka kademonyo sa asawa mo!” sigaw niya kaya natigilan si Hugo.
Alam niyang galit na galit ito sa kanya pero hindi nito magawang saktan siya.
“Hintayin mong makaalis ang mga bisita,” gigil nitong sagot sa kanya na dinuro siya sa noo. Bahagya pa siyang napaatras sa pagduro nito sa kanya. Paglabas ng kwarto ni Hugo ay kinabahan siya. Tiyak na bugbog sarado na naman siya. Napatingin siya sa kama. Agad niyang inalis ang comforter na naroon. Galit na galit niyang inalis ang kababuyan ng mga ito..