ATASHA POV Ang tamis ng labi ni Jake ngunit inabot ng ilang mga sandali bago ako nahimasmasan sa ginawa niyang biglaang pag halik sa mga labi ko. Lumayo ako sa kanya, dinistansya ko ang sarili ko at tiningnan ko siya ng may pagkagulat. Ngiti lamang ang isinukli niya sa akin. Napahawak ako sa labi ko at napatanong sa kanya. Hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin ang tamis ng kanyang labi. "Hala bakit mo iyon ginawa ha?" "I just want you to know that I like you at yung halik ko kanina sa iyo sa bahay n'yo, ginawa ko iyon kase naguguluhan pa ako sa totoong nararamdaman ko para sa iyo, Atasha. Pero noong mahalikan kita, nasabi ko sa sarili ko na gusto talaga kita. Alam kong wala pa tayong isang linggo na magkakilala ngunit madali talaga akong mahulog kapag trip ko and babae." This is

