ATASHA POV "Anak, ang ganda n'yang ha?" sabi ni papa. "Opo pa, ang sabi ni tito Drake ay susuotin ko ito hanggang mamaya. Pinahiram n'ya sakin," sabi ko. Tumingin si Jake sa kwintas ko and just like yung expression ng papa ko, maging s'ya ay nagulat din at napataas pa ang dalawa nitong mga kilay. "Teka... sa mama ko yata ang kwintas na iyan ha?" Talagang gulat na gulat ang facial expression nito at pagsasalita. "Oo nga eh... pinasuot ng papa mo sakin. I am sorry ha? Sumunod lang ako sa pinag uutos n'ya ngunit wag kang mangamba sapagkat ibabalik ko rin ito mamaya pagkatapos natin kumain." Kinakabahan ako kay Jake na halatang di nasiyahan ng makita nito na suot suot ko ang kwintas ng mama nito. Siguro ay may sentimental value ito at nasusuya s'ya na may ibang babae ang nagsuot. B

