"Ela, ayaw na talaga namin pumasok e. Nakaka tamad na kaya, wala naman kaming magawa dito." Naka higa ang lahat sa carpet na dala ni Xander sa school. Nilagay nila ito sa rooftop at marami pang unan na ginagamit din nila. Sa pangalawang araw na hindi pumasok si Angela ay pinag handaan nila ng mabuti ang homeroom period. Nag sskype sila gamit ang laptop ni Jeremy habang si Angela naman ay nasa upo sa kuwarto niya na nilinis niya ng mabuti upang hindi makitaan ng ano mang bahid ng ka gangsteran. "Kailangan niyo pumasok Xander, kayong lahat." Naka ngiti pa ang dalaga habang kumakain ng cheese. "Cheese nanaman. Mag mumukha kana talagang daga." bulong ni Jeremy at bumalik na sa pag babasa habang naka sandal kay Xander. "HOOOOYY! ELA SABI NI JEREMY MAG MUMUKHA KA DAW DAGA." "Anong sabi n

