3rd Person's POV *tok tok tok* "Boss, buksan niyo naman po itong pinto please. Kailangan niyo po ba ng kausap? Pwede kami boss. Eto si Sheak madaldal" Naka dikit sa pintuan ng kwarto ni Angela ang tenga ni Felix habang nag aabang si Sheak sa sagot ng boss nila. Hindi nila alam na sa loob ng kwarto ay ibang iba sa Angela at boss na kilala nila. Umiiyak ng patago. "Kuya, siguro wag muna nating kausapin si boss." Tinanguan nalang ni Felix ang suhestyon ni Sheak. Maging sila ay hindi sanay sa ginagawa ni Angela. Ngayon lang siya nag kulong at kahit kaunti ay hindi nakipag usap. Dati naman pag masama ang loob niya, dinadaan lang niya sa pakikipag laban o di kaya ay pag sasanay. Si Jeremy naman ay tumuloy sa condo unit ni Angela. Nakita niya na walang tao sa loob kaya naman nag baka sakali

