Angela's Pov Buong gabi akong hindi makatulog dahil sa pag sabog ng kotse ko. Alam ko naman na hindi ko dapat pag isipan ng masama si Ryan pero hindi ko talaga mapigilan lalo na sa mga sinasabi ni Sheak. Kailangan ko munang palampasin ito. Alam ko na kanina pa ako napapansin ng mga estudyante ko na nag aalalang naka titig sa akin. Akalain mo nga naman, ang mga batang ito. Hindi ko akalain na magiging ganito sila kaimportante sa akin. Hindi ko alam na ng dahil sa kanila mabubuo ang pangarap ko. Matagal ko na itong pinangarap. Hindi ko nga din akalain na matutupad ko pa ito. Sa dinami dami ng kalokohan ko, hindi ko alam na mag sesryoso pa ako ng ganito. Hay, sino ba naman mag aakala na magiging parte na ng buhay ko tong mga batang to. Alam ko na hindi ako deserving sa respeto nila

