"Ela ano ba ang kupad kupad!" Sigaw ni Jeremy na naka higa sa kama ni Angela. "Leche! Ang aga aga Jeremy! Tsaka walang hiya ka ang lakas ng loob mong sugurin ako sa kwarto ko!" Five palang kasi ng umaga ay nag punta na sa bahay ni Angela si Jeremy. Pinapasok at hinayaan naman siya ng mga bantay ni Angela dahil alam nila na masasapak kung sino man ang gigising sa boss nila at alam din nila na hindi naman niya sasaktan si Jeremy. "Bilisan mo nalang, ang dami pang reklamo eh!" "Hoy! Baka nakakalimutan mo na gangster ako?!" Sigaw ni Angela sabay labas ng ulo niya sa pintuan ng cr. "PANDAK NA GANGSTER--ARAY! KADIRI KA PANDAK TOOTHBRUSH MO TUMAMA SA MUKHA KO!" "Haha! Wag ka nga! Toothbrush lang yan ang arte mo!" "Galing yan sa bibig mo eh!" "Sira, panlinis ko yan ng kuko sa paa."

