Nagising ako sa di pamilyar na kwarto. Ang huli kong naalala ay ang pag-uusap namin ni Dice sa opisina, pagkatapos non ay wala na. Tumingin ako sa paligid. At sa gilid ng upuan ay naroon si Bryan. "My gosh, Hannah. Are you okay?" "Nasaan ako, Bry?" "Nasa hospital tayo. Nung pumunta ako sa opisina mo nakita na kitang nakaandusay sa sahig. Halos magpanic ako nang makita kita. Ano bang nangyari?" "Sana hinayaan mo nalang akong mamatay." "Ano bang pinagsasabi mo, Hannah. Si Dice nanaman ba iyan?" Hindi na ako sumagot. Ano pa nga ba? Lagi naman siya ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa akin. "Umuwi na tayo, Bry. Ayoko dito." Sa totoo lang ayoko sa lahat ng lugar ang hospital. Naaalala ko kasi ang mga nangyari sa akin nung naopera ako sa Amerika. Naalala ko ang hirap ng pinagdaanan

