"Ang tagal mo ng ginagawa ang design na wedding dress na iyan ah, hanggang ngayon hindi pa din tapos?" Tanong sa akin ni Bry habang tinitingnan ang sketch ko na wedding gown. Napansin pala niya na matagal ko na itong ginagawa.
"Hindi pa e. Espesyal kasi ang gown na ito kaya gusto ko bongga ang design niya."
"Para sa kliyente mo?" tanong nito.
"Hindi."
"Ah? E para kanino iyan?"
"Para sa akin ito, Bry. Ginuguhit ko ang dream wedding gown ko."
"Naks. Edi ibig sabihin happy ang lovelife mo?" tanong niya sa akin na parang nang-aasar.
"Hindi. Ganun pa din. Chaka ano bang masama? Porket single ako, wala na akong karapatang magkaroon ng dream wedding gown?"
"Hindi naman. Pero malamang ikaw ang pinakamagandang bride kapag sinuot mo iyang gagawin mong gown. Swerte ng future husband mo."
"Pero walang may gusto sa swerte na sinasabi mo." biro ko sa kanya.
"Anong wala. Meron, ayaw mo lang."
Kahit kailan talaga ay mapang-asar itong si Bry. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto pa din sa akin si Bry. Pero ano nga bang magagawa ko? Bakit kaya napakaunfair ng buhay no? Kung sino yung mahal mo, hindi ka gusto. Samantalang yung may gusto sa iyo, ay ayaw mo naman sa kanya. Bihira lang siguro iyong mahal mo tapos mahal ka. Ang saya lang siguro kapag alam mo na yung mahal mo ay mahal ka din. Kaso hindi sa akin. Dahil ang taong mahal ko ay tinataboy na ako malayo.
Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon na muli kaming nagkausap ni Dice. Sobrang sakit yung sinabi niya na hindi na niya naaalala yung mga pinagsamahan namin. At mas lalo akong nasaktan nung sinumbat niya sa akin na bigla ko na lamang siyang iniwan ng hindi nagpapaalam. Dagdag pa ang inilihim ko sa kanya ang tungkol sa sakit ko.
Kung alam na niya kung gaano ko kagusto na manatili sa tabi niya. Kung alam lang niya na handa akong mamatay para huwag ko lang palitan ang puso ko. At kung alam lang niya kung gaano ko kayang magtiis ng sakiy makasama ko lang siya. Kaso wala. Wala siyang alam tungkol sa lahat ng pinagdaanan kong sakit. Hindi niya alam kung gaano kahirap sa akin ang mapahiwalay sa kanya. Hindi niya iyon alam dahil abala ang atensyon niya sa iba.
Pero masyado ng huli para sabihin ko pa sa kanya ang lahat ng iyon. Wala din naman siyang pakealam sa akin e. Kung noon palang ay alam na niya na pumunta ako sa Amerika, bakit hindi man lang niya ako dinalaw doon? Kung alam niya na malala pala ang sakit ko, bakit hindi man lang niya ako kinamusta kung okay lang ako? Malinaw na wala siyang pakealam sa akin. Wala siyang pakealam kung mamatay man ako doon o hindi. Kaya bakit ngayon siya pa itong may ganang magalit? Hindi niya alam kung gaano kahirap sa akinang lahat ng pinagdaanan ko.
Pero sa kabila ng pambabalewala niya sa akin. Mahal ko pa rin siya. Hindi iyon kailanman nabawasan. Tanga na kung tanga. Pero wala e. Wala akong magagawa kung siya ang ginusto ko. Kaya wala akong karapatang magreklamo na nasasaktan ako dahil ginusto ko naman talaga ito. Siguro nga ay kapalaran ko na talaga ang magmahal sa taong never akong mamahalin. Ako na ang dakilang tanga sa pag-ibig.
Halos isang taon ko ng ginagawa ang dream wedding gown ko. Lahat naman ng babae pangarap ang ikasal. Lalong lalo na ng makasal sa taong pinakamamahal natin. Pero ewan ko ba, masusuot ko kaya ang gown na ito? Ikakasal ba ako? E ang tanda ko na pero hanggang ngayon ay wala ako kahit boyfriend man lang.
I was dreaming na si Dice ang makakasama ko sa altar at mangangako sa harapan ng Diyos na mamahalin namin ang isa't isa sa hirap at ginhawa. Pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang hanggang pangarap na lamang ako.
"I pray na masusuot mo iyan, kasama ang lalaking pinakamamahal mo, Hannah. Because you deserve yo be happy."
Sa sinabinh iyon ni Bry ay naluha ako. Ang totoo ay naaawa ako sa kanya. Ang dami ng naitulong sa akin si Bry, pero ni minsan ay wala man lang akong naitulong sa kanya. Kung pwedi ko lang talagang utusan ang puso ko na si Bry nalang, wag na si Dice, matagal ko ng ginawa. Kaso hindi e. Mas pinili ko pa ang maging miserable ang buhay ko sa kakahintay na mahalin o pansinin man lang ako ni Dice.
"Thank you so much, Bry. Ikaw din. Dahil you deserve more."
"Wag ka ngang umiyak diyan. Tanggap ko na si Dice talaga ang gusto mo. I just pray na sana makakilala ako na katulad mo.You are more than gold, Hannah. Pero ewan ko ba bakit hindi iyon nakikita ni Dice."
"Hindi niya talaga makikita iyon, Bry dahil never niya akong tiningnan as a girl. Tanga lang talaga ako dahil patuloy kong pinapaasa ang sarili ko na mapapansin niya ako. Sa totoo lang ay gusto ko ng kumawala. Ayoko na ng ganito, Bry, laging malungkot, laging umiiyak. Magiging masaya lang siguro ako kapag natuto na akong maglet go. And I want to let go. Literally go to his life. Kasi siya noon pa man, umalis na siya sa mundo ko, ako lang itong habol ng habol."
"Hannah."
"Magiging masaya lang ako kapag wala na akong nararamdaman pa kay Dice."
Heto na naman ako lumuluha. It is all because of Dice, again and again. Wala na yata akong kapaguran sa kakaiyak. Minsan ay naaawa na ako sa sarili ko. Pero wala e. Sadyang tanga ako. Tanga ako dahil hinayaan ko na lumalim ang pagmamahal ko sa kanya.
Kung maibabalik ko lang ang dati noong una kaming magkita. Sana ay iniwasan ko na lamang siya. Kung mas pinili ko sana ang mag-isa at walang kaibigan noon, edi sana noong bata lang ako naging miserable at hindi na ngayon. Kung kaya ko lang balikan talaga ang araw na iyon, hinding-hindi ako lalapit sa kanya. Sobrang sakit na kasi e.
Kaya nakapagdesisyon na ako. Iiwasan ko na si Dice, tutal ganun din naman siya sa akin e.
Pinagdadasal ko na dumating na iyong araw na wala na akong nararamdaman pa ni katiting sa kanya. Yung handa ko siyang harapin na parang wala lang. Gusto ko dumating yung araw na, simpleng kakilala lang ang turing ko sa kanya. Iyon ang mangyayari!