Nasa Grade 5 na ako. Kakatransfer ko palang non sa bagong school dahil lumipat na kami sa bago naming tirahan. Mas malapit kasi dito ang company kung saan nagtatrabaho si papa.
As usual bagong environment na naman ang makikita ko. Bagong classroom, classmates at teachers. Ang hirap ng ganito lalo pa at mahiyahin ako. Sigurado wala akong magiging kaibigan hanggang sa katapusan ng school year.
"Okay class. Listen, may bago kayong kaklase. Magpakilala ka sa mga kaklase mo." sabi sa akin ni teacher.
"Hello, good morning. My name is Hannah Lasco. 10 years old. Nice to meet you all."
Yun lang ang nasabi ko. "Thank you. Maupo ka nalang sa bakanteng upuan dun sa likod, tabi kayo ni Dice."
Nilingon ko lang ang gawi ng tinuro ni teacher at nagsimulang maglakad papunta sa bakanteng upuan doon.
Halos tahimik lang ako sa buong klase. Tulad kasi ng inaasahan ko, wala kakausap sa akin. Ayoko din sila kausapin kung di din sila ang unang magsasalita.
Recess time namin. Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko dahil balak ko din dito mismi sa table ko ako kakain.
Nagsitayo na ang mga kaklase ko, pero hetong katabi kong lalaki ay nanatili ding nakaupo.
"Hindi ka ba kakain?" tanong niya sa akin. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ang cute pala niya, lalo na ngayon na nakangiti pa ito sa akin. Bigla ay naramdaman ko na parang naging crush ko siya.
"Dito nalang ako kakain, nahihiya kasi ako lumabas, chaka may baon naman ako."
"Ganun ba? Sayang naman. Ako nga pala si Dice Alejandro Alcantara. Ikaw anong pangalan mo?"
"Hannah Lasco."
"Bakit ang tahimik mo?"
"Nahihiya kasi ako, chaka wala akong kilala e."
"Edi ako kilala mo na. Friends na tayo ah?"
Nabuhayan naman ang loob ko sa sinabi niya. Wow. may kaibigan na ako sa first day of school ko, tapos ang.cute pa niya at mabait.
"Bibili ako ng pagkain tapos babalik ako, sabay tayong kumain ah. Wait lang."
Hinintay ko nga siya hanggang sa makabalik siya. Sabay kaming kumain at nagkwentuhan.
"Saan banda ang bahay niyo?"
"Sa kabilang kanto lang." sagot ko naman.
"Sinong magsusundo sa iyo?"
"Si mama, eh ikaw?" tanong ko naman.
"Si mama ko din." sagot niya. "May kapatid ka ba?"
"Wala nag-iisang anak lang ako nina tatay. E ikaw ba?"
"Oo, nasa grade two palang siya. Si Xander."
"Buti kapa may kapatid. Ako kasi malungkot sa bahay kasi mag-isa lang ako. Wala akong kalaro."
"Edi maglaro tayong dalawa. Kumakain ka ba ng duhat at bayabas?"
"Oo naman. Bakit mo naitanong?"
"Punta tayo sa likod ng school, kuya tayong ganun. Aakyat ako, ikaw ang sasalo."
"Marunong ka ba? Baka mahulog ka naman. Chaka baka bawal."
"Hindi, ako bahala. Basta kapag di kagad dumating sundo natin, punta tayo dun ah?"
"Okay." tugon ko naman sa kanya.
Ang akala ko ay mbabagot lang ako sa eskwelahan lalo na at bagong lipat lang ako. Ang totoo ay sinabi ko sa mama ko na sa dating school pa rin ako mag-aral pero ayaw nila dahil malayo daw. Pero mabuti na lamang at nariyo si Dice at naging mtalik kaming magkaibigan. Madalas kaming pumupunta sa likuran ng eskwelahan para kumuha ng duhat at bayabas. Madalas dun kami maglaro doon kaya sobrang saya ko.
Lumipas ang mga taon ang graduating students na kami. Mas lalo kaming naging close sa isa't isa. Lagi kaming magkasama. Minsan nga ay nagagawi pa sa amin si Dice tuwing sabado at linggo, malapit lang naman kasi ang mga bahay namin. Napag-alaman ko din na sa kanila pala ang conpany na pinagtatrabahuan ni Papa. Ang yaman pala nila.
"Saan ka mag-aaral ng high school?" tanong ko sa kanya.
"Edi kung saan ka mag-aaral, dun dun ako." sagot naman niya sa akin.
"Talaga? Sana nga kasi, baka malungkot na naman ako at walang kaibigan kapag nasa high school na tayo."
"Hindi kita iiwan no. Best friends forever tayo."
Nalungkot ako sa sinabi niya. Sa totoo lang sa murang edad ko ay naramdaman ko na na espesyal sa akin si Dice. Baka nga hindi ko na lang siya vasta crush kundi gusto ko na siya. Kaso lang ayaw kong sabihin sa kanya. Nahihiya ako e. Chaka baka tawanan niya lang ako kapag sinabi ko na crush ko siya dati pa.
Tuwing malungkot ako ay siya ang nagpapasaya sa akin. Lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya.
Hindi ko makalimutan nung 2nd year highschool kami nang bigla siyang nagpaalam na aalis daw sila.
"Saan ba kayo pupunta? Kailan ang balik niyo para masabi natin sa mga teachers."
"Hindi ko alam kung kailan kami uuwi e."
"Bakit? Saan ba kayo pupunta?" kuryosidad kong tanong.
" Sa states."
"Ano? Sa ibang bansa iyon di ba? Bakit? Anong gagawin niyo dun?" malungkot kong tugon sa kanya.
"Baka dun na kami mag-aral ni Xander."
"Hindi ka na babalik? Paano ako?"
"Babalik ako. Pangako."
Nang mga oras na iyon ay sobrang lungkot ko. Tuluyan na nga talagang aalis sina Dice at hindi alam kung kailan babalik. Umalis siya na hindi ko man lang nasabi sa kanya kung anong nararamdaman ko para sa kanya.
Wala akong ganang mag-aral non. Paano ba naman e wala naman akong kaibigan. Yung tipong kakapasok ko palang sa school ay uwing-uwi na ako. Malungkot ang buong school year ko noong second year high school ako. Miss ko na si Dice. Kada buwan ay nagpapadala siya ng nga sulat at nagkukwento ng mga nabgyayari sa kanya sa States. Tumutugon naman ako kaagad sa mga sulat niya.
Nang bakasyon na namin ay napakadami ko nag naipadala na sulat sa kanya pero hindi na siya tumugon pa. Bigla na naman akong nalungkot. Marahil ay nakalimutan na niya ako dahil may nakilala na siyang bagong mga kaibigan.
Malapit na ang pasukan pero hindi na talaga nagparamdam muli si Dice. Tamad na nga ako mag-enroll dahil pakiramdam ko katulad na naman nung second year ako ang mangyayari ngayong third year ba ako.
Maghapon lang ako sa bahay at nakahiga. Kinatok at tinawag ako ni mama sa kwarto pero hindi ako sumasagot. Hindi naman iyon nakalock kaya binuksan niya ang pinto.
"Bakit ang lungkot naman ng baby namin?" Sabi ni mama sabay higa din sa kama at niyakap ako.
"Bangon ka na dahil may bisita ka sa ibaba."
Nacurious pa ako dahil wala naman akong inaasahang bisita dahil wala nga akong mga kaibigan liban kay Dice.
"Sino po?" kuryosidad kong tanong
"See for yourself. At sigurado ako matutuwa ka oag nakita mo siya."
Hindi ko mahulaan kung sino ba ang bisita ko. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na lamang para malaman ko kung sino nga siya.
Nang nasa baba na ako ay nakita ko ang isang lalaki. Lumingon ito sa kinaroroonan ko at nagulat ako sa nakikita ko. Si Dice iyon. Hindi ako pweding magkamali. Mas tumangkad ito at mas lalong gumwapo.
"Hi, Hannah, nice to see you again."
Hindi na ako nakasagot dahil naramdaman ko na lamang na tumatakbo na ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Muling sumigla ang puso ko dahil muling bumalik ang taong nagpapasaya sa akin.