Nagising ako dahil may naririnig akong umiiyak. Pagdilat ko ng aking mga mata ay hindi pamilyar sa akin ang kwarto kung saan ako naroon. Ang huling naalala ko ay kasama ko si Mama at Papa sa bahay. Isa pa, naalala ko din na nagpropose sa akin si Dice. Tiningnan ko ang kamay ko at naroon ang singsing na bigay ni Dice, so hindi iyon panaginip. Flashback... Sobrang saya ngayong araw na ito dahil pakiramdam ko ay unti-unti ng natutupad ang mga pangarap ko dahil abot kamay ko na ang lalaking pangarap ko, Kung panaginip man ang pangyayaring ito ng buhay ko, mas maigi pang habangbuhay na lamang akong matutulog. Sabay kaming pumasok ni Dice sa kanilang bahay na magkaholding hands. Halos lahat nga silang nandoon ay gulat na gulat nang makita kami. "Wow. Ano ito?" pang-aasar pa ni Xander.

