ZAIRENE's POV Dalawang araw na ang nakalipas simula ng matapos namin ang mission. Nakapagpahinga naman na kami ng maayos. Ngayon naman ay pinatawag kami sa palasyo ng mga royal blood. 'Ikinagagalak ko na nagtagumpay kayo na kunin ang 8 magical stones. Kaya simula ngayong araw na ito ay nasa ay mapapasakamay na ng karapatdapat na nagmamayari ng bawat bato. Nawa'y gamitin nyo ito para sa kabutihan lamang at hindi para sa kasamaan. ' pahayag ni emperor George. Kusa naman tumaas ang mga bato at isa isang nagtapatan samin. Nakatayo lang kami sa isang circle of magic na ginawa ni emperor at empress. Biglang umilaw ang kinatatayuan namin walo then naramdaman ko nalang na may pumasok sa aking dibdib. After napahawak kaming walo sa aming mga dibdib. 'Feeling ko lumakas lalo ang aking enerhiya'

