Zairene's POV
'LOLA!!!'
'makasigaw ka naman apo,wagas!!'
'Ay sorry po hehehe ^__^Y, ano po ba kasi yung ipagtatapat nyo sa akin?'
Nagtext kasi sya sa akin na umuwi ako dahil may ipagtatapat daw sya. Tsk..na puspon tuloy yung laban ko, sayang pera na sana yun eh -__-.
'Makinig kang mabuti apo, alam ko magugulat ka dito sa sasabihin ko at sana ay matanggap at maintin....'
'O_O OMG!!LOLA BUNTIS KA?!! SINONG AMA NYAN? AKALA KO BA SI LOLO LANG ANG UNA AT HULI MONG MAMAHALIN?!! BA...*pok* ..aww lola naman bat ka nambabatok?!
'Anong buntis ang pinagsasabi mo dyan?! Loka loka ka talaga manang mana ka lola mo -_-'
'Mana sa lola ko? Edu loka loka ka din pala hahahaha!!
Hahahah loka loka din pala si lola lola.
'Hindi ka sa akin nag mana, dahil di naman ako ang tunay mong lola'
Napahinti ako sa kakatawa dahil sa sinabi ni Lola. Huh? Anong ibig sabihin ni lola?
'Ho?
Yan lang ang nasaabi ko dahil sa sinabi nya. Napabuntung hininga naman sya at nagsalita na ulit.
'Making ka kasing mabuti, Kung ano-ano kasi yang kalokohan ang sinasabi mo eh. -_-'
Minabuti kong makinig na dahil eto na siguro ang gusto nyang ipagtapat sa akin.
'Tulad nga ng sabi ko kanina, hindi ako ang tunay mong lola, ako lang ang nag alaga sayo dahil yun ang utos ng tunay mong lola, dinala kita dito sa mundo ng mga tao upang mailayo ka sa mga masasamang nilalang na gustong pumatay sayo,dahil ikaw ang nasa propesiya at ang magtutuloy ng tungkulin na hind natapos ng pamilya mo.'
'Huh? Anong propesiya,tungkulin, sinong gustong pumatay sakin at higit sa lahat sino ba ang pamilya ko? Asan po sila? '
Sunod sunod na tanong ko.
'Ang propesiya ang nakasaad sa maaring mangyari sa mundo natin, at ikaw ang nakatakda upang iligtas ang mundo natin. Nagkaroon kasi nuon ng digmaan ang dalawang kaharian,ang light magic at ang black magic. Ang light magic ang pinamumunuan ng iyong pamilya at ang black magic naman ang pinamumuan ng dark lord na si Lizardo. Sinugod ng mga black magic ang light magic, dahil nalaman ng dark lord na ipinanganak ang nasa propesiya na may lakas na katulad ng kanya at ang mag liligtas sa buong enkantadia. Ikaw yun Zairene kaya binalak ni lizardo na patayin ka pero hindi sya nag tagumpay dahil bago pa man magsimula ang digmaan ay naitakas na kita at dinala kita dito sa mundo ng mga tao.'
Eh??!!....magic?? Totoo pala talaga yun akala ko sa mga nababasa kong fantasy books at napapanood sa mga movies lang yung mga ganun??! tska sa mga nagbabalak pumatay sa akin di naman na bago sakin yun dahil dito palang eh marami ng gusto pumatay sakin para makuha ang title ko bilang pinakamalakas na ganGster.
Teka kung nagkaroon ng digmaan noon at masyadong malakas ang dark lord my possible na mamatay ang pamilya ko? ..
'Yung pamilya ko po ba nabuhay sa digmaan?'
Sana buhay pa sila...
'Maraming namatay sa naganap na digmaan noon, pero hindi kasama duon ang pamilya mo at ang dark lord.'
'*sigh* buti naman at buhay ang pamilya ko. Pero kung buhay pa ang dark lord asan na sya ngayon? Bakit wala naman ako naeencounter na mga kampon nya na gustong pumatay sa akin?'
Kasi kung meron man sa mga nakalaban ko na kampon nya dapat ginamitan na ko ng magic. Kaso wala naman?
'Dahil pinalabas namin na patay kana. Para di ka na nya tugisin.'
'Ahhh..ganun pala.. ehh lola.. ano po ba ang tunay kong pagktao? '
Alam ko nang di ako normal na tao dahil sa mga kwento palang ni lola eh obvious naman na. Gusto ko lang makilala ang tunay na ako.
'Ikaw ay isang royal blood anak ka ng hari at reyna ng enkantadia. Ikaw ang nawawalang prinsesa ng enkantandia.'
'OoO' yan ang naging reaksyon ko sa sinabi ni lola kung sino ako. Sa lahat ng sinabi ni lola dyan lang ako nagulat. Hahahaha!! Nakakaloka, isa pala akong prinsesa sa aming mundo. Bigla naman ako napangiti. ^___^…
'*tik*...aw. lola naman bat ka namimitik *himas sa noo*'
'Eh para kang baliw,tinatawag kita ayaw mong sumagot nakatulala ka lang tapos bigla ka nalang ngumingiti. -_-'
'Eh kasi naman po lola, nakakaloka ang mga pinagsasabi nyo kanina tsaka nakakatuwa lang kasi isa pala akong tunay na prinsesa hihihi *o*'
'Hindi ka ba galit saamin dahil inilihim namin ito sayo ng matagal na panahon? '
'Bakit naman po ako magagalit? Naiintindihan ko naman po kasi kayo kung bakit nyo ginawa yun eh. Dahil gusto nyo lang ako protektahan.^__^'
Totoo naman e,wala talaga akong galit sa kanila sa katunayan nga ang saya-saya ko dahil nalaman ko na my pamilya pa ako.
'Hay...salamat apo dahil naiintindihan mo. Manang mana ka sa iyong ina tulad mo ay maunawain din sya.'
'Talaga po? Ah....pwede ko po ba silang makita?'
Hmmmm..ano kaya itsura ng pamilya ko? Siguro magaganda at gwapo ang lahi namin kasi maganda ako eh hohohoho..
Oy true yan, di ako nagbibiro,lagi kaya ako nananalo sa mga beauty contest at lagi din ako nakukuhang Muse sa mga league pati na din sa school. Pero dati yun hindi na ngayon, simula ng nag high school ako nanawa na ko.
Pumunta kami ni lola sa loob ng kwarto nya. May kinuha syang isang librong malaki??
'Halika maupo ka dito'
Umupo na ako sa tabi nya tsaka binuklat na nya yung libro. Pero pag tingin ko sa libro.
'Niloloko mo ba ako lola? Eh wala naman po laman yang libro eh -_-'
'Wag kang atat, maghintay ka'
'Reveal'
Pag bigkas nya ng salitang yun habang nakatingin sa libro biglang umilaw yung libro then my lumanas na mga larawan dun.
Wow!! Ang galing hahaha.
Tinignan ko yung mga picture sa libro.
Wahhh..ang gwapo naman nung tatlong lalaki sa picture tas ang gaganda nung dalawang babae. Sila naba ang pamilya ko? Kung sila nga. Tama ako magaganda at gwapo ang lahi namin hahaha.
'ito ang lola mo si Empress Lizelle Levisque'
Turo nya dun sa isang may katandaan na babae pero makikita mo pa din dito ang kagandhan nya.
'Then ito naman ang lolo mo si Emperor George Levisque'
Turo nya naman dun sa may katandaan din na lalaki pero gawpo pa din.
'Ito naman ang ina mo si Queen Elizelle Levisque, at Ito naman ang tatay mo si King Raphael Levisque at eto naman ang kuya mo si Prince Zeus Greg Levique'
after nya ipakita sa akin ang mga litrato ng pamilya ko. Nag kwento rin sa akin si lola about my family. Talaga palang galing na kami sa royal blood dahil simula palang sa kanununuon namin eh royal blood na talaga kami. Wahhh!! Ang astig talaga hahaha!
Nabanggit din ni lola na simula baby palang pala si tatay eh nasa palasyo na sya dahil sya din daw ang nagalaga kay tatay.
'Lola excited na akong mameet sila sa personal.Kelan po ba tayo pupunta sa mundo nation.^_^'
Natahimik naman bigla si lola at biglang nalungkot yung mukha? Hala?! Bakit kaya? Siguro iniisip nya na iiwan ko na sya at kakalimutan?
'Uy,lola bakit po natahimik ka dyan at bakit bigla ka nalungkot? Iniisip mo ba na iiwan at kakalimutan na kita pag nakasama ko na yung family ko?'
Tahimik pa din si lola na nakatingin lang sa libro. Inakbayan ko sya at inisandal ang ulo ko sa balikat nya.
'Lola,wag ka malungkot di naman kita kakalimutan at iiwan nuh,ikaw na yung nakasama ko simula bata palang ako di ko kayang iwan ka ,tska diba sa palasyo ka pa rin naman pagbalik natin sa enkantadia eh kaya di pa rin tayo magkakahiwalay. Kaya wag kana ma emote dyan.'
napabuntong hininga naman sya tsaka humarap na sa akin. Tinabanan nya ako sa magkabilang balikat ko.
'Apo may hindi pa ako nasasabi sa iyo, sana ay maunawaan mo din ito at mapatawad mo ako '
'Ano po yun lola? '
'Pinalabas ko sa lahat na totoong namatay kana,'
'Po?pero bakit? '
'Para din sa kaligtasan mo iyon, dahil nalaman ng dark lord na buhay ka, sinabi ko sa pamilya mo na namatay ka dahil nilusob tayo ng kampon ng black magic at hindi kita nailigtas mula sa kanila. Patawad apo'
'Eh bakit pa po tayo babalik sa mundo natin kung wala naman po palang naghihintay sa akin? '
'Babalik tayo dahil ikaw ang nasa propesiya, malapit ng bumalik ang dark lord mula sa pagpapalakas nito. Dahil nangako ito na babalik syang muli at sasakupin na ang buong kaharian ng enkantadia. Wag kang mag alala pinalabas ko lang na patay kana para makapag sanay ka ng maigi ng walang sagabal na mga kalaban. Para lumakas ka upang matalo ang dark lord. At kapag natalo mo na ang dark lord makakabalik kana sa pamilya mo ^_^'
Nabuhayan akong muli sa sinabi ni lola. Yehey...makakasama ko pa pala ang pamilya ko. Akala ko Hindi na eh hahaha.
'Huh..pinkaba mo naman ako dun lola kala ko forever na kong deads sa paniniwala nila eh..hehehe.. wag ka mag alala lola di ako galit naiintindihan kita ^_^'
'Hay.. salamat naman apo '
'Eh..matanong ko lang la,saan naman po ako magsasanay at sino ang magsasanay sa akin? Kayo po ba? '
'Pag balik natin sa enkantadia malalaman mo. Sige na mag ayos kana ng gamit mo dahil bukas na bukas din ay uuwi na tayo sa totoo nating mundo. '
'Huh?eh...teka lang lola may ta..'
'Bukas nalang yan..gabi na oh.. After mong mag ayos kumain kana may pagkain pa akong natira dun,init mo nalang. Ge shoo..shoo..'
*BOOOGSH*
ABA'T!! tignan mo itong lola ko, ipagtabuyan ba naman ako at pagsarhan ng pinto?!! Naku!sya mahal ko sya..
Hayy. Kumain nalang muna ako at nagayos na ng gamit ko.
Ang pakiramdam ko ngayon ay halong kinakabahan na naeexcite. Simula bukas panigurado pagtungtong ko palang sa mundo namin ay magbabago na ang takbo ng buhay ko, ang buhay ko dito na magulo ay magugulo pa lalo pag punta ko sa mundo namin. Ako ang nasa propesiya ,malakas daw ako ano kaya ang mga kapangyarihan ko?at Sana magampanan ko ang tungkulin ko at sisiguraduhin ko na matatalo ko yang dark lord na yan dahil sya ang dahilan kung bakit nawalay ako sa aking pamilya. Humanda sya dahil buhay pa ang tatalo sa kanya.
bwahahahahahaha!!! *tawang demonyo*
Hahaha charot lang I'm not a devil .hindi ako devil dito, si dark lord lang pati mga kampon nya. Makatulog na nga Nakakapagod din pala sa utak lahat ng mga nalaman ko.