ZAIRENE's POV Dalawang araw na ang lumilipas simula ng hindi ko sila pansinin. Ngayon ay mag isa ako nag tetraining kuno pero ang totoo pagala gala lang ako. ? Hiniling ko kay mr. Cameron na ayoko nang makasama ang warriors sa pag tetraining ,naiintindihan naman nya kung bakit ganun ang aking gusto. Sinabi ko din naman sa kanya na hindi naman mawawala ang pakikipagtulungan ko sa warriors at ang tungkulin ko kapag nangyari na ang digmaan. Andito ako sa bago kong tambayan sa likod ng school malapit sa dark forest may puno ditong malaki na pwedeng higaan ang mga sanga. 'hayyy!!! Sa wakas nakahanap ng bagong tambayan' sabi ko nang makahiga ako sa sanga. Masarap palang tumabay dito mas tahimik. 'ingay ah' 'ayy jusko po!!! ' gulat kong sabi ng may biglang nagsalita. 'kuya zeus?

