---------- ***Zamera/ Amora's POV*** - "Bweset kang babae ka!" galit na galit na sambit ng impaktang si Carlota. Akmang susugurin ako nito pero mabilis na humarang si Kendrick. At hindi ako humahanga kay Kendrick sa ginawa nya. Noon, na hindi ko pa kayang lumaban, hindi nya ako nagawang protektahan laban sa nanay nya. Ngayon, na kaya ko nang lumaban kahit malapit nang maging senior citizen ang nanay nya, saka palang nya naisip na protektahan ako. "Kendrick! Talagang tuluyan ka nang nauto ng babaeng yan." "Please, nakikiusap ako sayo mom. Umalis ka na." galit na rin si Kendrick. Nanlilisik ang titig ni Carlota sa akin, hindi din naman ako nagpatalo. Ganun din ang titig ko sa kanya. "None of this is my fault. I am not to blame! Kasalanan ito lahat ng malandi mong ina. She is the ca

