---------- ***Zamera/ Amora's POV*** - Pagkatapos kong puntahan noon si Kendrick at tuluyan nya akong itakwil, pinuntahan ko si Shiny pero wala ito. Umuwi ito sa probinsya nito dahil summer vacation naman. Naisip ko din kalaunan na mas mabuti nang hindi ko ito naabutan, naalala ko kasi ang nangyari dito nung tinangay ito. Natatakot ako na manganganib muli ang buhay ni Shiny dahil sa akin. Si Denver ang sunod kong pinuntahan sa opisina nito. Kinapalan ko na ang mukha ko kasi kailangan ko talaga ng tulong ng mga panahon na yon dahil walang- wala ako. Plano ko din naman bumawi balang araw kay Denver pag kaya ko na. Pero hindi ko naabutan si Denver, sabi sa akin ng sekretarya nito, pinili daw muna nito na asikasuhin ang business nito sa ibang bansa dahil may pasanin daw na dinadala ang amo

