-------- ***Zamera's POV*** - Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar, puro puti ang nakikita ko. Kung pagbabasehan ko ang hitsura ko na naka- dextrose, alam kong nasa hospital ako. Kunot- noo ako habang inalala ang nangyari. Ang huli kong naalala ay may isang lalaki na tumakip sa bibig ko mula sa likuran ko. May pinaamoy ito sa akin kaya tuluyan akong nanghina at may parang tableta itong pilit na ipinasok sa bibig ko. Ang perfume ng lalaking gumawa nung sa akin ay katulad lang din sa amoy ni Kendrick. Pero alam kong hindi si Kendrick iyon dahil sa mas malaking tao si Kendrick kaysa dito. Naipikit ko muli ang mga mata ko nang may narinig akong nag- uusap. "I went to Kendrick's condo unit to check on Zamera's condition. I also wanted to convince her to agree to what I wanted,

