---------- ***Zamera/ Amora's POV*** - "This is some of the information that I discovered of Ernesto Rivera, Amora. Bawal itong ginagawa ko. Hindi bahagi ng trabaho mo ang makialam sa kung ano ang serpent gang, your mission is just to protect Atty. Montenegro." ani sa akin ni Darren. Nasa loob na naman kami ng kotse ko. Napag- alaman ko na ang pinaghihinalaan na big boss ng serpent gang ay walang iba kundi ang ama- amahan ni Tanya na si Ernesto Rivera. Kaya napaisip ako na sinadya kaya ang nangyari sa akin noon. Kailan ba masusugpo itong si Ernesto Rivera kung sya nga talaga ang lider ng serpent gang? "This isn't about my mission, Darren. This is about my personal life. I have questions that I want to be answered, and I feel that some of the answers are hidden within this gang. I can

