------- ***Zamera/ Amora's POV*** - "Tatay mo ba ang nakahimlay dyan Carlota? Or-- shall I say, Gemma?" nakangisi kong sabi sa kanya na nagpaawang ng labi nya. I wasn’t entirely certain about the accusation I'd made against her. It was more of a test. I wanted to catch her revealing her secret. And this was the method I had devised to do it. Sandali syang napanganga na para bang pilit iniintindi ng isip nya ang sinabi ko. Biglang tumalim ang titig nya sa akin. "God, baliw ka na ba, Zamera?" aniya. Sinalubong nya ang titig ko. Wala akong nakikitang pangamba sa mga mata nya. "Paano ako naging si Gemma? Si Gemma ay nasa ibang bansa. Dati ko syang assistant na mas pinili nang manirahan sa ibang bansa. Nakapag- asawa sya doon. Isang taon palang syang ikinasal, naging baldado na ang asawa

