Paikut-ikot ang ilaw sa buong lugar, at sa mga sandaling iyon ay hindi kami gumalaw ni Psalm. Ni hindi na rin kami humihinga dahil sa takot na baka pati singhal namin ay marining ng kung sino mang may hawak ng ilaw na iyon. Nag-uunahan na sa pagpatak ang mga pawis ko. Sobrang bilis na rin ng t***k ng puso ko. Habang papalapit nang papalapit sa amin ang ilaw ay mas lalo akong nahihirapang huminga. Sa tingin ko ay wala pang alas kuwatro kaya ganoon na lamang kadilim sa lugar namin. Halos hindi na maabot ng buwan at mga bituin ang dako kung nasaan kami. Ilang segundo pa ay rinig ko na ang mga dagundong ng paa n'on sa loob ng kuwarto. Tinakpan ko ang bibig ko upang maiwasan ko ang sumigaw at gumawa ng kahit anong simpleng ingay. "Hoy, anong ginagawa n'yo diyan? Bawal magmahalan dito." Big

