Astrill's Point of View Nang maramdaman kong naglapat ang mga labi namin ni Kiel ay bigla namang bumukas ang pinto. Dahil sa kabiglaan ay inabot pa ako ng ilang segundo bago naitulak si Kiel mula sa'kin. Kulang nalang ay lumuwa ang mga mata ko sa kabiglaan at nanginig ang buong katawan ko sa kilabot. What the f**k! Lumipad ang tingin ko sa may bungad ng pintuan. Kitang kita ko ang kabiglaan sa mukha ni bheshy na agad namang natakpan ng isang malamig na anyo. "Sorry to disturb you," tanging saad ni bheshy bago umalis at isinarado ang pinto. Hindi naman ako makasigaw ng 'Huwahhhh! Bheshy nagkakamali ka!' kasi baka mapaghalataan ni Kiel at masupalpal pa ang plano kong inilagaan ko ng mahigit dalawang taon. Para namang walang nakita si Kiel at hindi man lang nilingon si bheshy. The ne

