Death Stalker's Point of View Eksaheradong bumuntong hininga si Belial sa likuran ko at hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na ito. Kanina pa kami nagsimulang maglakbay papunta sa lugar kung saan kami nakadestino. Kung gaano kaseryoso ang mga mafiosong kasama nila ay gano'n naman ka walang pakialam sa paligid ang dalawang 'to. At nagsisimula na akong mainis. Para sa'kin ay napakakritikal ng misyon namin ngayon. Isang maling galaw ay papalpak ang lahat ng plano ni leader. Malaking role ang gagampanan namin ngayon pero ang dalawang Inferno members na kasama ko ay parang walang pakialam lang. Naka ear phones si Belial at may kausap sa cellphone si Lucifer na hinuha ko ay isang babae habang ako ay parang makukulta na ang utak sa kakaisip kung ano ang plano nam

