Astrill's Point of View Ito na ang simula ng katapusan. Nakatayo ako sa tuktok ng isang building dito sa Realm City. Saksi ang dalawa kong mga mata kung paano pwersahang kinuha ng mga Dark family reapers ang mga lalaki sa bawat kabahayan. Ang bawat lalaki na nasa gulang labing tatlo at pataas ay kinukuha nila. Gumagawa ng hukbo pangdepensa ang kalaban. Alam nilang ayaw ni leader dumamay ng inosente. "Playing dirty is their forte huh." Komento ni Grim na nakaupo sa railings ng rooftop. Kanina pa ako naiirita sa usok ng sigarilyo niya na naaamoy ko. "Hindi ka na dapat magtaka Grim," balewalang sagot ko sa kawalan. Ipinadala kami ni leader dito upang magmatiyag sa mga nangyayari sa syudad. At ito ang nadatnan namin. Mga nag-iiyakang bata, mga nagmamakaawang mga babae at mga walang m

