Zen's Point of View "Kuya, ba't kayo nagbabatuhan dyan?" May biglang nagsalita sa likod namin kaya mabilis akong lumayo kay Kiel. Pagkalingon ko ay isang dilag ang nabungaran ko. Nakatirintas ang buhok nito at kumakain ng saging. Biglang nagflashback sa isip ko ang mukha ni tabachoy habang kumakain ng prutas sa rank exam dati. Pinakatitigan ko ang nasa harap ko at napangiti ako kay Kiel nang makompirma ko ang hinala kong siya si Sahara matapos ang dalawang taon. Nabawasan ang taba niya at ang dating pandak na high school ay nadagdagan na ang tangkad. "Tabachoy, kumakain ka na naman?" Hindi ko mapigilan na maitanong sa kanya. Doon siya bumaling sa'kin at pinaningkitan ako ng mata. "Kahit ikaw pa si Thirteen ay hindi kita palalampasin pag tinawag mo akong tabachoy ulit. Si ate Lu

