Zen's Point of View "Retard," bulong ko. Nakita ko ang pagtayuan ng kaniyang mga balahibo. Akmang lilisanin ko na ang lugar na iyon nang bigla siyang humarap sa gawi ko. Tinawid ko ang ilang pulgadang nakapagitan sa min at mabilis na tinakpan ang kaniyang mga mata gamit ang kanan kong kamay. Ang hintuturo naman ng aking kaliwang kamay ay nakalapat sa kaniyang labi para patahimikin siya. Magkalapit ang mga katawan naming. Sa bawat pagdaan ng minute ay ang paglakas ng tunog ng mga yabag. Lumingon ako sa aking paligid gamit ang aking Crimson eyes, wala naman akong nakitang kakaiba. Binaling ko pabalik sa kaniya ang aking atensyon. Wala siyang kagalaw-galaw. Ang aking hintuturo ay naglakbay mula sa kaniyang labi papunta sa kaniyang pisngi. Nang hindi ko na matiis ay hinaplos ko na ang ka

