Kiel's Point of View "Nana," ang pangala niya lang ang tanging nasambit ko. Tila nawala ang mga taong nakapalibot sa amin at kami na lang dalawa ang natitira dito sa throne room. Dinig na dinig ko ang bawat paghinga ko pati ang bawat pintig ng aking puso. "How have you been, retard?" Sa pagsambit niya ng nakagawiang palayaw niya sa akin gamit ang boses na iyon ay bumaha ng mga ala-alang aking inalagaan ng dalawang taon. Ang malamyos niyang boses na tila hinehele ang aking puso at kaluluwa. "Still waiting for my ksp girl to come home." Nakangiting sagot ko habang nagbabadya ang aking luha ng kaligayahan sa pagpatak. Kung ito man ay isang panaginip, sana ay hindi na ako magising. Akmang hahakbang siya papunta sa akin ng biglang napabalik ako sa realidad at nakapalibot na sa aking ang mg

