CHAPTER 3 - AVOIDING

1296 Words
Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. Kulutan ang buhok ng kaniyang kuya at subrang lambot nito sa kamay. Mas malambot pa yata iyon kesa sa buhok niya. Kung may pagkakatulad man sila, iyon ay ang kanilang buhok. Pareho silang kulot. Dahan-dahan niyang dinama ito, nakalimutan na rin niyang may assignments siya. Basta lang siyang nakatitig kay Azael habang ang daliri ay nasa buhok ng binata. Her kuya is so gwapo and she knows it! Sana hindi rin nito alam na crush niya kundi aasarin siya nito hanggang sa mapikon siya at iiyak na parang bata. "Stop Amara or I can't stop myself anymore..." bigla itong nagdilat ng mata at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay para tumigil sa kaniyang ginagawa. "Why? Hindi ba pwedeng na-appreciate ko lang po ang kagwapuhan mo?" inosenteng tanong niya. Napatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nang mga titig na iyon. Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi... "Kuya..." ngumiti siya ng matamis. "f**k it!" malutong na mura nito na parang nagising bigla. Napabangon siya nang bumangon ito at deritsong lumabas ng silid. Tinawag niya ang lalaki pero hindi ito lumingon kaya naghintay siya nang ilang minuto na babalik ito pero hindi na ito bumalik kaya laglag ang balikat na bumalik siya sa sariling kwarto. Maliban sa subrang protective nito, nararamdaman din niyang nagiging maarte na rin ito at halos ayaw ng magpahawak sa kaniya na lagi naman niyang ginagawa nung bata pa siya. Wala siyang naging kalaro dahil dito siya laging kapit-tuko at ito lang sapat na sa kaniya. Paborito niyang laruin noon ay 'Bahay-bahayan', siya ang nanay at ito naman ay ang tatay at ang mga anak nila ay mga stuff toys niya. She clearly remembered na si Azael din ang kaniyang first kiss. She was 10 years old that time when she was watching a Frog Princess Disney Movie. Out of the blue, she asked him to kiss her. Titingnan niya ang sarili kung magiging palaka rin ba siya. Natatawa siya lagi kapag naaalala ang kaingutan noon. Hindi naman siya binigo ng kaniyang kapatid, hinalikan siya nito sa labi pero smack lang iyon. Nakapikit pa siya na parang tanga at pa-suspense na dinilat ang mata para lang ma-disappoint dahil hindi siya naging palaka. Nakatulog siya nang gabing iyon na nakayupyop sa study table niya pero nang magising siya kinabukasan, nasa kama na siya at nakakumot. May mga sagot na lahat ng kaniyang assignments at ang project na hindi niya natapos ay tapos na at naka-display sa side table. Napangiti siya. Sabi na nga ba, hindi siya kayang tiisin ng kapatid, eh. Lumipas ang mga buwan, mas lalo niyang nararamdaman na nilalayuan siya ni Azael at naiinis siya sa bagay na iyon. Iniiwasan ba siya ng kapatid? Hindi ito sumipot nung birthday niya nung nakaraang linggo at mas lalong nagpadagdag ng tampo at inis niya ang bagay na iyon. Pinapangako niyang hindi ito papansinin. Nasa America raw kasi ito at subrang busy at hindi makauwi. Napaingus siya. Sabihin nito, nasa babae kamo. Gusto niyang bumunghalit ng iyak tulad nung bata pa siya pero hindi niya ginawa. Bahala nga ito! "Oy Amara, wala ka bang bagong pictures ng kuya mo?" Napasimangot siya sa tanong na iyon ng kaklase. Nasa senior high na siya at maglilimang buwan niya nang hindi nakita ang lalaki. First time na nangyari iyon. Dati naman, halos hindi ito mapakali kung hindi uuwi ng mansyon pero ngayon, wala na yata itong planong umuwi pa. "Wala. Ewan ko do'n! Pasok na lang tayo sa ice cream house. Gusto ko kumain ng ice cream." Hinila niya na ito kahit hindi naman talaga sila matalik na kaibigan. Kaya lang naman ito lapit nang lapit sa kaniya dahil crush nito ang kaniyang kuya Azael at ito ang number one client niya pagdating sa bintahan. Nakatatlong subo pa lang siya ng ube icecream na inorder niya nang may matanaw ang kaniyang mata. No! Nanlaki ang kaniyang mata at bahagyang napatayo para siguraduhin ang kaniyang nakikita. "Sino ba tinitingnan mo?" "Si kuya! May kasamang babae. Sundan natin!" Hindi na natapos ang sinubo nito dahil bigla niya na itong hinila ulit. "Amara!" nagtitili na lang ito pero hindi niya pinansin ang kaklase. Ang mahalaga, makita niya ang babaeng kasama ng kaniyang kapatid kung sino man ito. Kaya pala wala ng oras ang bwesit na Azael sa kaniya, ha?! Mas inuna na nito ang sarili kesa sa kaniya na kapatid nito. Hindi siya maaaring magkakamali, kilalang kilala niya ang pustora ng binata. Mula sa malago at kulutan nitong buhok na kamay lang ang ginawa nitong suklay at mas lalong nagpadagdag ng kagwapuhan dito. Pumasok ito kasama nung babaeng nakahawak sa braso nito sa isang mamahalin restaurant. Hinila niya ulit ang kaklase para pumasok sila sa loob. Umupo sila sa kalayuan at hindi makikita nito kung sakaling lilingon man. Halos magsalubong ang kaniyang kilay at ilong sa subrang inis nang makitang malanding hinampas-hampas ng babae ang dibdib ng kaniyang kuya. Halatang manyak ito! Hindi siya sanay na may nagmamanyak kay Azael. Siya lang ang baby girl nito at... Wait, ito ba yung girlfriend ng kaniyang kuya? "Ma'm, here's the menu..." Inabot sa kaniya ng waiter ang menu at wala sa sariling inabot iyon. "Pwede na ba akong mag-order kuya?" parang sabog na tanong niya habang panay ang tingin sa dalawa. "Kating-kati na akong mag-order!" "Yes ma'm pwe-" Hindi niya na pinatapos ito dahil bigla na siyang nag-order na hindi tinitingnan ang menu. "Kuya isang big size bowl ng kumukulong mantika na maraming sili. Maraming sili, mga isandaang sili as in yung super hot! Kasing-hot ko. Dagdagan mo na rin ng maraming paminta at magdala ka ng chopstick na subrang tulis ng dulo dahil may tutusukin ako. Bilis!" Tinulak niya ang waiter. "Amara! Walang ganiyan dito." Hindi niya pinansin ang maarteng boses ng kaniyang kaklase. "Ma'm sure po-" Tumalim ang kaniyang mata at tumayo. "Oo sure na sure ako! Mukha ba akong nagbibiro sa hitsura kong ito? Maganda lang ako pero hindi ako nagbibiro. Bakit, joke ba itong mukha ko? Gusto mo mag-baby shark pa ako sa harap mo? Sige na!" nakapameywang na saad niya. Shit! Natuptop niya rin bigla ang bibig matapos sabihin lahat ng iyon nang ma-realize niyang mali siya at lahat ng atensyon ng taong nandoon ay sa kaniya nakatingin ngayon. Napatingin siya sa palibot at lahat ng mga iyon ay nakataas noo. I'm dead. "Amara?" boses iyon ng kaniyang kuya Azael. No! Walang lingun na hinila niya ang kaklase paalis aa lugar na iyon at tumakbo papalayo. MABILIS siyang tumayo nang pumasok sa dining room si Azael kung saan siya naghahapunan kasama ang magulang. Busog na siya. "Tapos ka na?" ang daddy nila. "Ah, upo. Tatawag pala si Theon ngayon. Sige po dad, mom!" pagsisinungaling niya at humalik siya sa bawat pisngi ng mga ito saka agad na tinakbo ang hagdanan. Habang napasunod lang ang tingin sa kaniya ni Azael. "Hey son, andito ka na pala. Care to join us." nakangiting sambit ng ginang. "I'm full mom. Pahinga lang ako." Tatlong mahinang katok ang pumukaw sa lumilipad na utak ni Amara habang kaharap ang cellphone. Napaismid siya. Alam niyang si Azael ito at wala siyang planong pagbuksan ito ng pinto. Never. Mamatay itong kakatok sa pintuan niya. Deritso siyang tumayo at tinungo ang banyo. Magbabad na lang muna siya sa bathtub niya para masarap ang kaniyang tulog mamaya. Ngayon pa ito balak umuwi samantalang wala ito nung kaarawan niya. Magdusa ito. Hindi sila bati dalawa. Napairap siya at deri-deritso ng pumasok sa banyo. Halos inabot rin siya ng dalawang oras sa pagbabad nang magpasya siyang lumabas. Nakatapis lang siya ng tuwalya habang kumakanta pa na halos wala na yata sa tono. Feel na feel niya ang kaniyang kinakanta kaya papikit-pikit siya ng mata na deritsong tinungo ang walk in closet. Bigla niyang tinanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya sa kaniyang katawan. "f**k!" Nanlaki ang kaniyang mata nang marinig ang murang iyon. Napalingon siya at isang malakas na tili ang kumawala sa bibig niya. "Azael get out!!!" mabilis niyang nayakap ang sariling kahubaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD