Pakiramdam ni Amara ay biglang nanghina ang buong katawan niya nang marinig ang kwento kung paano at bakit napadpad sa mga ito si Celestine. Magulo ang kwento pero iisa lang ang nasisiguro niya sa mga ito, may tinatago ang mga ito at ayaw sabihin sa kaniya kung ano man iyon. Agad siyang tumayo at walang sabing nagtungo sa may pintuan. Hindi siya tanga para tuparin ang sinabing halaga na ibibigay niya sa mga ito pero nagkunwari siyang pumirma ng cheke na may isang milyon halagang pera pero ibang pirma ang gamit niya. Umalis siya na parang walang nangyari habang iniwan ang mga ito na parang nanalo ng lotto. Isa sa isip niya ay ipakulong ang mag-asawang ito ng ilang buwan o taon para turuan ng leksyon at magbagong buhay bago siya babalik ng Manila. Nakahinga nang maluwang ang matandang drive

