CHAPTER 18 - I LOVE YOU

1323 Words

Sa subrang sakit ng ulo niya, hindi siya umabot sa kaniyang kama pagkarating niya ng mansiyon. Bumagsak siya sa carpet ng kaniyang silid at doon na nawalan ng malay. Nagising siya kinagabihan at nasa malambot niyang kama at nakakumot. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang kaniyang kuya, may bitbit na pagkain na umuusok pa at prutas. "Kuya?" Tumiim ang titig nito sa kaniya at hindi niya mabasa-basa kung ano ang nasa utak nito. "Glad you're awake." Lumapit ito sa kaniyang kinaroroonan at binaba ang tray. Tinulungan siya nitong makabangon. Napangiwi siya. Nahihilo siya at masakit pa rin ang kaniyang ulo, mukhang may lagnat yata siya. "Want me to feed you?" Umiling siya at sinimulan kainin ang dala nito pero habang ginagawa niya iyon, dahan dahang bumagsak ang kaniyang mga luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD