Tahimik na binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lang sa labas ang nagsisilbing ilaw sa loob. Magagaan ang aking yapak papunta sa pinto ng bahay. Saglit na sinulyapan ko ang paligid bago ko binuksan ang pinto saka mabilis na lumabas ng bahay. Agad na pumunta ako sa diresyon kung saan ang gazebo. Tahimik na nag-aabang ako sa labas ng gazebo at pasulyap-sulyap ng tingin sa taas ng bakod. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mahihinang kaluskos sa kabilang bahagi ng bakod na nasa harap ko. Agad akong tumingala at nag-abang. Ilang saglit pa ay may nakita akong isang bagay na tinapon mula sa kabilang bahagi ng bakod. Agad na sinalo ko iyon saka mabilis na bumalik sa loob ng bahay.
Kinabukasan ay agad kong hinanap si Samael sa buong bahay pero wala ito. Sa huli ay nag-abang na lamang ako sa gate ng bahay. Ilang minuto akong nakatambay doon at hindi ko na napigilang tanungin ang nagbabantay ng gate.
“Kuya kahit sila Xin ba, walang sinabi kung pupunta sila ngayon?”
Umiling ito. Napamura ako sa aking isip. Bumaling ako kay Gina saka inutusan siya.
“Contact Sam or anyone from his team tell them we need backup here. Those who can’t fight tell them to evacuate.”
Tinalikuran ko si Gina saka sinenyasan ang isang tauhan ni Sam sa gilid. Agad naman itong lumapit sa akin.
“Get ready. Someone will come here from Dark World. Tell your comrades we need to defend this place until Sam or any reinforcements come. The lesser we are, the better. The rest of the men will assist those who will evacuate from here.”
Tumango ito at mabilis na umalis. Hinawakan naman ako ni Gina sa braso. Nilingon ko siya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“Sasama ka po samin ma’am, diba?”
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso saka marahan na hinatak iyon dahilan para mabitawan niya ako. Umiling lamang ako sa kaniya habang tipid na nakangiti.
“I’ll stay here. Don’t worry the last thing these enemies will do is to hurt me. I can’t let anyone lose their life here because of me. Now go. We’ll send someone to take you back when it’s safe.”
Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin kaya sineyasan ko ang isang kasama niyang katulong. Dali-dali naman nitong hinatak si Gina papasok ng bahay. Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang inutusan kong tauhan kanina. Nakasunod sa kaniya ang sampu niyang kateam sa likod.
“Here’s what we’re gonna do.”
Tahimik lamang akong nakatayo at nakatitig sa nakabukas na gate. It’s been half an hour since I told them to leave the place. Hindi parin nakakabalik ang inutusan ko na I-contact sila Sam. Napamura ako sa aking isip.
Things aren’t going well. I’m afraid it will get b****y if he can’t come soon.
Hapong lumapit sa akin anginutusan ko kaninang tauhan ni Sam.
“M-miss Noir pabalik na po sila sir Sam.”
Napangiti ako tumango sa kaniya. Sakto namang narinig ko ang mga paparating na sasakyan. Ilang saglit pa ay bumungad sa aming harapan ang mga itim na van. Huminto ito sa labas ng gate at lumabas roon ang mga armadong lalaki. Lahat ay nakasuot ng itim at may tabing sa mukha. Tanging mga mata lamang nila ang aking nakikita. Akmang susugurin iyon ng tauhan ni Sam na katabi ko lang ay mabilis kong hinawakan ang kaniyang bras at umiling sa kaniya.
“Just stay behind.”
Halata sa kaniyang mukha na ayaw nito pero kalaunan ay tumango lamang ito. Muli kong hinarap ang mga bisita saka nagsalita.
“What can I do for you guys?”
Lumapit ang isa sa kanila sa tingin ko ay leader nila.
“We’re here to kill all of them. Except you.”
Napangisi ako sa kaniyang sinabi.
“I’d like to see you try.”
Gamit ang kaliwang kamay ay mabilis kong tinapon ang mga karayom na may lason papunta sa mga kalaban. Sabay-sabay na bumagsak ang apat niyang kasama sa kaniyang tabi. Kasabay naman non ay pinaulanan sila ng bala ng mga kasama kong nakatago sa paligid. Nagpapanic ng mga itong umiwas sa mga bala. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para kunin ang nakatagong dagger sa aking likod saka sinugod ang mga kalaban. Ngunit nang makita nila akong nasa kanilang harapan ay nagdadalawang isip ang mga ito kung susugurin ako o hindi. Mabilis na sinipa ko ang kamay ng pinakamalapit sa akin dahilan para mabitawan nito ang kaniyang hawak na b***l. Sinalo ko iyon sa ere saka mabilis na pinaputukan ang mga nasa harap ko. Dumapo ang aking tingin sa gawi ng kasama ko kanina. Napansin ko ang lider na kaharap namin kanina ay patakbong lumapit sa kaniya at nakatutok ang hawak nitong pamilyar na espada. Napamura ako sa aking isipan.
Tsurugi blade.
Agad na itinutok ko ang b***l sa kaniya at pinaputukan siya sa kaniyang braso na may hawak na espada. Dahil doon ay natigilan ito at mabitawan ang patalim saka napasigaw sa sakit. Mabilis na nilapitan ko ang kasama ko at sinenyasan itong pumasok sa loob ng bahay. Napansin kong sa kaniya nakatuon ang pansin ng mga kalaban kaya agad kong pinigilan ang mga ito. Gamit ang hawak kong dagger ay sinalag ko ang espadang paparating saka binaril ang may hawak non sa kaniyang kanang dibdib. Napansin kong nagsilabasan ang iba sa mga kasamahan ko na kanina ay nagtatago. Napamura ako sa aking isip.
They better not f*****g die.
Muli kong nilingon ang gawi ng lider ng mga kalaban pero laking gulat ko nang makitang nakalapit na ito at nakatutok ang hawak nitong patalim sa akin. Umilag ako pero nadaplisan parin ako nito sa kanang braso saka malakas na sinipa ako nito sa tiyan dahilan para mabitawan ko ang b***l at napahiga sa sahig. Napamura ako nang makita kong tumilapon ang b***l sa malayo. Mabilis akong tumayo ako at kinuha ang malapit na espada sa tabi ng walang malay na katawan sa tabi ko. Narinig ko ang mabibilis na hakbang papalapit sa akin mula sa aking gilid. Mabilis na tinapon ko sa gawing iyon ang hawak kong dagger. Walang emosyong nilingon ko ang gawing iyon at nakita ang walang buhay na bangkay. Nakatarak sa kaniyang leeg ang kaninang hawak ko na dagger kanina. Napapikit ako at pilit na kinakalma ang sarili. Bumuntong-hininga ako saka malamig na nagsalita.
“Who sent you all here?”
Narinig ko ang pagtawa nito sa aking likod. Mabilis na humarap ako sa kaniya at nagsimulang maglakad papalapit sa kaniya habang kinakaladkad sa sahig ang hawak kong espada. Matalim kong tinitigan ito.
“Haha. I won’t tell you.”
Napahigpit ang hawak ko sa espada. Itinutok ko ang hawak kong espada sa kaniya nang makalapit ako. Saka pasimipleng sinipat ang kaniyang hawak na espada.
“Tsurugi blade. There are only 3 known holders in the Dark World. Who are you?”
Nakangisi lamang ito sa akin.
“I’m sent here to end the your monstrous bloodline who go crazy at the sight of blood.”
Nagulat ako sa aking narinig. Ramdam kong napatingin sa akin ang mga tauhan ni Samael pero matalim na nakatingin ako sa tao sa aking harap. Muli siyang nagsalita.
“But before that, come with us first.”
May kinuha ito sa kaniyang bulsa at pinakita iyon sa akin. Napakunot ang aking noo nang makitang nakakonekta ang tawag sa isang numero. Muli siyang nagsalita.
“Come with us or I’ll order my men to kill them.”
Nawalan ako ng lakas sa aking narinig. Kasabay noon ay napansin kong unti-unting pagpula ng kaliwaang paningin ko. Gamit ang kaliwang kamay ay tinakpan ko ang aking kaliwang mata saka pilit na ikinakalma ang sarili. Nang idilat ko ang aking mata ay laking gulat ko nang makita ko si Samael na gulat na nakatingin sa akin. Agad kong ibinalik ang tingin sa tao sa aking harapan. Nakangisi ito sa akin.
“Give in to the call of blood, Noirelle.”
Binigyan ko lamang siya ng matalim na tingin. Muli siyang nagsalita na ikinatigil ko.
“Did it ever occur to you after that incident the reason why your parents wont let you and your twin be involved in the organization, and the reason why both of you can’t remember anything of your early childhood memories?”
Mas lalong sumakit ang aking ulo at unti-unting naging pula ang buong paligid. Napaluhod ako sa sakit ng ulo ko at itinukod ang hawak kong espada. Narinig ko pa ang pagtawa nito. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos dahil unti-unting naging tahimik ang paligid para sa akin. Kasabay non ay tuluyang pagpula ng buong paligid para sa akin.
He wants me to give in? Then I’ll give in and make sure to kill him first. I’ll kill whoever blocks my way.
Tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa kaliwa kong mata saka tumayo sa pagkakaluhod sa sahig. Nakatalikod ang pigurang iyon sa akin. Walang anu-anong tinaas ko ang hawak kong espada at pinadaan iyon mula sa kaniyang leeg papunta sa kaliwang tagiliran. Tumalsik ang ilang dugo nito sa aking mukha. Bumagsak ang walang buhay na nitong katawan sa sahig. Agad na itinutok ko ang talim ng espasa sa aking braso pero agad na may pumigil sa aking kamay.
“Noir. Listen to me.”
Napalingon ako sa kaniya nang marinig ko ang pamilyar na boses. Saka mahinang nagsalita.
“Sam?”
Tila naging hudyat iyon na unti-unting bumalik ang lahat sa normal. Nawala na ang pulang paligid at ang animo’y ilog na dugo sa sahig. Napakawala ko ang hangin na tila ba’y kanina ko pa pinipigilan.
“Yes, Noir its me.”
Mabilis na inilibot ko ang paningin sa paligid. Nakita ko ang kaniyang mga tauhan na ang iba ay nakatingin lamang sa akin habang ang iba ay kasama ang kaniyang mga partners na sinisipat ang katawan ng mga kalaban na nakahandusay sa sahig.
“Did I hurt your men?”
Mahinang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa paligid. Narinig kong may sinabi sa akin si Sam kaso hindi ko binigyang pansin dahil nanlabo ang paningin ko kasaby non ay ang pagsuka ko ng dugo. Nabitawan ko ang hawak kong patalim saka unti-unting nanghina ang aking mga tuhod. Agad akong nasalo ni Sam at marahang hinawakan ang aking pisngi. Narinig ko ang pagtawag nito sa akin pero malakas ang pagtawag ng antok sa akin kaya walang lakas akong sumagot sa kaniya. Kahit sa malabo kong paningin ay kita ko na nagkagulo ang mga kasamahan ni Sam sa nangyari.
“Noir. Noir! Noir don’t close your eyes!”
Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang dumilim ang aking paningin.
Nagising ako nang maramdaman ko ang malamig na dumadampi sa aking mukha. Nang idilat ko ang aking mga mata ay agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Ice. Saglit itong natigilan nang makita akong may malay saka ako tinulungang maka-upo sa higaan.
“The last time I saw you in this bed, you’re fighting with your life with blood loss. Now you almost died with the poison from your small wound. What’s next, Noirelle?”
Inirapan ko lamang siya saka umiwas ng tingin. Inabot niya sa akin ang baso ng tubig na agad ko namang inabot at ininom. Nang matapos ay malamig akong nagsalita sa kaniya na kaniyang ikinatigil.
“You’ve been following his orders around these days. I won’t ask about what it is or ask you to stop. Don’t even bother say a word. I understand.”
Tumango lamang ito sa akin. Tumayo ako mula sa higaan at pumunta sa closet ko. Kumuha ako ng pamalit ko ng damit saka binuksan ang maliit na drawer na nakatago roon. Kinuha ko ang dalawang maliit na papel na nakatago. Inabot ko ang isa kay Ice.
“If you have a chance, give this to the Vistas and inform our men. We’ll make a move at my call. Don’t let Sam know.”
“Vistas? What are you planning, Noir?”
Ngumiti ako sa kaniya. Itinuro ko ang ibinigay kong papel sa kaniya.
“Testing the waters on their side.”
Inangat ko ang hawak kong papel. Pero agad ring nawala ang aking ngiti.
“And forcing the other to make a decision.”
Even if in the end we’ll hate each other after this.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas ako ng kuwarto. Tumambad sa akin ang grupo nila Sam na nag-uusap. Kita ko rin ang folder na kinuha namin noon kay Uncle. Magagaan ang hakbang kong lumapit sa kanila. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay umangat ang tingin ni Sam mula sa papel, papunta sa akin. Umiwas ako ng tingin saka lumapit sa kaniya at inabot ang hawak kong maliit na papel sa kaniya. Ramdam kong tinitigan muna ako nito bago kinuha sa akin ang papel.
“Do you always hurt yourself when it happens?”
Natigilan ako sa narinig at sinulyapan ang kaniyang mga kasama. Umiwas ang mga ito ng tingin. Nang napunta kay Ice ang aking tingin ay umiwas ito ng tingin at bahagyang tumalikod sa akin. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
“It’s to keep me sane and stop myself from hurting others.”
Kinuha ko ang folder sa mesa at sinipat ang laman non.
“Does it always happened when you’re on a mission?”
Natigilan ako sa paglipat ng pahina. Nang inangat ko ang tingin ay lahat sila ay nakatingin sa akin nag-aabang ng aking sagot. Napalunok ako saka ibinaba ang tingin.
“She-”
“Why do you think I’m branded as the ruthless one in my team?”
Binigyan ko ng makahulugang tingin si Ice.
“I can kill anyone at anytime if I wanted to. Even my allies. It helps in my job so I let it happen.”
Muli kong ibinalik ang tingin sa hawak kong folder saka nagsimulang magbasa uli saka muling nagsalita. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha at pangalan. Ibinaba ko ang folder sa mesa.
“This man has answers about your agency. He was once a member of Dark World and a traitor at that and one of our men.”
Nabaling ang tingin ko sa mga kasama ni Samael. They should know what it means. They haven’t made a move and I am impatient. Muli akong nagsalita saka itinuro ang papel na inabot ko kay Sam.
“That’s the last place my men found him. I don’t know if he’s still in the island or hiding somewhere.”