One Month ago…
Malcolm’s POV
“What do you mean, Wolfe?” kunot ang noong tanong ko sa kapatid ko nang makatanggap ng tawag mula sa kaniya. Kababalik lang nito sa Pilipinas para asikasuhin ang negosyo namin na high-end bar.
Ito ang negosyo naming magkapatid na pinakapaborito ni Wolfe sa lahat. After what happened ten years ago, I decided to just live here in America. I am managing well my businesses here.
“Kuya, you heard it right. Raiden killed himself!” pagbabalitang muli ni Wolfe sa akin.
Parang biglang umikot ang paningin ko sa narinig. Nanghina ako at biglang napaupo sa sofa. My heart was hammering inside my chest in a very painful way. It can’t be!
“H-How? Why? Why would he do that?” may nginig na ang tinig na tanong ko. Sumungaw na rin ang luha sa mga mata ko.
“I don’t know the details yet. Pero kailangan mong umuwi ng Pilipinas. Utos ni Mommy, lalo na at ayaw nilang lumabas sa media ang nangyari!” mariing pahayag ni Wolfe.
Mariin akong napapikit. Tila huminto ang pag-inog ng mundo. Bakit ba lahat na lang ng malalapit sa puso ko ay kinukuha Niya? Wala ba talaga Siyang awa? Ano ang nagawa kong masama para bawiin Niya ang lahat ng mahal ko sa buhay?
“Fine! I will fly back there…” tanging naisagot ko at tinapos na ang tawag.
Mariing kumuyom ang kamao ko at umigting ang panga ko. Sunod-sunod na guhit ng kirot sa puso ang naramdaman ko dahil sa pighati ng pagkawala ng pamangkin ko.
Si Raiden ang pamangkin kong itinuring ko na ring parang anak simula ng mamatay ang mga magulang nito.
He is my cousin’s only son. He and his wife died in a site accident. Pareho kasing engineer ang mga magulang ni Raiden. Ngunit nang mamatay ang mga ito eight years ago, ako na ang sumuporta sa kaniya.
May mga naiwan namang pamana ang mga magulang ni Raiden sa kaniya, kaya lang kailangan pa rin niya ang gagabay sa kaniya. When he graduated two years ago, umuwi siya sa Pilipinas para sa isang babaeng nakilala niya sa online.
Raiden is a civil engineer and currently managing his own construction firm in the Philippines. Mas malaki ang kikitain niya rito sa Amerika, pero mas pinili niyang mamuhay sa Pilipinas, lalo na at mukhang mahal na mahal nga nito ang kasintahan niya.
“Seriously?” tanong ng matalik kong kaibigan na si Gavin Dagner. Business partner ko siya mula pa nang magsimula ako rito sa Amerika.
“Yeah… I have no choice. My Mom asked me to come back,” malungkot kong sagot.
Alam kong ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi na akong muling tatapak pa ng Pilipinas pagkatapos ng mga nangyari ten years ago. Pero darating pa rin pala ang araw na ito.
“But…” may pag-aalala sa boses ni Gavin. “Will you be alright? You will be… reminded of everything,” halos pabulong na lamang na sambit nito.
“Maybe it’s really time to face it, bro…” umiling-iling ako. Pagkatapos ay nilingon ang dalawang kulay green na urn na nakalagay sa salamin na estante. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Gavin nang sundan ng tingin kung saan nakatuon ang mga mata ko.
“Fine. Just call me if you need anything. Don’t worry about your companies here, we can always work online naman,” sabi nito. Tumango-tango ako at muling nagpakawala ng hangin.
I did not pack much. Wala rin naman akong balak magtagal sa pilipinas. Siguro pagkalibing ni Raiden at maisaayos na ang mga dapat isaayos ay babalik na rin agad ako rito.
Pagkababa ko sa private jet, sumalubong agad sa akin ang init ng Maynila… malagkit, mabigat, at puno ng masasakit na alaala.
The air smells like rain on concrete mixed with car exhaust… an odd but oddly familiar combo. Sampung taon na ang lumipas pero parang wala pa ring ipinagbago. Naririto pa rin ang sakit.
I put on my sunglasses to hide the cold, hard stare in my eyes, trying to keep my chest from tightening.
The airport’s more high-tech now, cleaner, more polished… looking all futuristic and progressive. But honestly, I couldn’t care less. Hindi magbabago na ang lugar na ito pa rin ang nagdulot ng hindi malilimutang pagdurusa sa akin.
Sa may gilid ng palikong daan ay nakaabang ang isang itim na SUV. Standing there is my younger half-brother, Wolfe.
“Looking as handsome as ever!” nakangising bati sa akin ng kapatid ko. Bigla tuloy nabaling sa kaniya ang isip ko at ngumiti rin.
“So as you… I heard some rumors that you met a very special lady in Nocturne?” pang-aasar ko sa kaniya. Ibinalita lang sa akin ng isa sa mga kaibigan namin ang tungkol doon pero wala pang detalye.
“Mind your own business, Kuya…” biglang masungit na sagot niya. Kapag ganito na ang asta ni Wolfe, ang ibig sabihin ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nabanggit ko.
“Well, it’s not bad to have a woman and–”
“Kuya… dapat mauna ka. It’s been ten years! Puwede ka na ulit–”
“Okay! Let’s stop talking about anything with women!” putol ko sa kaniya. I don’t want this conversation, and hell, I was the one who started it!
Tahimik akong sumakay sa SUV, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko. Pamilyar pa rin ang amoy ng leather seats at ang cologne ni Wolfie, pero parang mas nakakapanibago ang lahat.
Pagkatapos ng ilang segundo, sumunod siyang sumakay, isinarado ang pinto sa katamtamang lakas bago pinaandar ang sasakyan.
“Ikaw ang nag-drive? Bakit, nasaan ang driver? Wala ka ring kasamang bodyguards,” pansin ko sa kaniya.
Saglit lang siyang lumingon sa akin bago muling ibinalik ang mga mata sa daan. “I just need this to clear my head. Sagot niya.
Tumango lamang ako at tumingin sa labas. Napapalunok ako habang isa-isang nadaraanan ang mga pamilyar na lugar at buildings ng Maynila.
"Are you okay?" tanong ni Wolfe, dahil hindi na ako nagsalita.
Mahina akong tumawa, pero walang halong saya. "What do you think?"
Napabuntong-hininga siya, sabay tapik sa manibela. "Yeah… stupid question."
Walang nagsalita sa amin ng ilang saglit. Hindi namin kailangang magsalita para magkaintindihan. Sa aming dalawa, siya ang nandito, siya ang nagdala ng lahat ng responsibilidad nang magdesisyon si Raiden na tumira rito. At ngayon, siya ang dahilan kung bakit kailangan kong bumalik.
"Mom needs you," sabi niya, may diin pero bakas ang pang-unawa. "She’s barely holding up. She… she thinks you can fix this."
"Fix this?" ulit ko, punong-puno ng pait ang boses ko. "Raiden is dead, Wolf. How the hell am I supposed to fix that?"
Humigpit ang hawak niya sa manibela. "Then at least find out what the hell happened."
Hindi ko siya agad sinagot, pero ramdam ko ang bigat sa pagitan namin. Hindi lang namin basta pamangkin si Raiden – he is like a son to us. At ngayong wala na siya, hindi ako papayag na hindi managot ang may sala.
"Fine," pabuntong-hiningang sagot ko, sabay pang kumuyom ang mga kamao kong nakapatong sa ibabaw ng mga hita ko. "Then let’s start digging."
Ngayon ay nasa harapan na ako ng mansion namin. This is also known as the Ferragamo estate. Noong buhay pa ang Daddy ko ay dito kami nakatira, pero ngayon ay ako na ang nagmamay-ari ng bahay na ito dahil may iba ng pamilya ang Mommy ko.
Mas pinili nilang dito iburol ang pamangkin namin dahil dito naman talaga ito unang tumira nang magtungo siya rito sa Pilipinas.
Dahan-dahang pumasok ang SUV sa driveway. Tumigil si Wolfe at pinatay ang makina. "Brace yourself," aniya, may lungkot sa boses niya.
Pagkababa ko ng sasakyan, hindi ko pa man nasasanay ang sarili ko sa bigat ng hangin ng Maynila ay biglang bumukas ang malalaking pinto sa harap namin.
Si Mommy.
Our mom will be turning 65 soon, but she looks younger than her age. Still stunning and very elegant like before. Pero ngayon, hindi maitatago ang kirot sa mga mata niya. I know how she loves Raiden, too.
"Malcolm."
Isang salita lang, pero doon bumigay ang lahat. Niyakap ko siya nang mahigpit nang lumapit siya sa akin, nanginginig sa kaiiyak. Ilang taon kong itinayo ang pader sa paligid ko, pilit na pinaniwala ang sarili kong hindi na ako tinatablan ng sakit.
Pero ngayong narito na ako, kasama ang Mommy kong wasak ang puso sa pagkawala ng apo niya, naalala kong isang bagay… Walang oras o distansyang makapaghahanda sa’yo sa ganitong klaseng sakit.
Tahimik ang buong bahay, pero ang bigat ng lungkot ay parang mas matunog pa sa kahit na anong ingay.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa sala, parang may malamig na kamay na pumipiga sa dibdib ko. Ang Ferragamo mansion ay laging puno ng buhay noon… ngunit ngayon, para itong isang museo na pinananahanan ng matinding kalungkutan.
Ang bawat hakbang ko sa marmol na sahig ay parang pako na bumabaon sa kaluluwa ko.
Sa dulo ng hallway, nakita ko ang puting kabaong na nakapuwesto sa gitna ng sala, napapalibutan ng mga puting bulaklak at kandila.
Masyadong maliwanag ang ilaw sa silid, pero hindi nito kayang itago ang kadilimang nararamdaman ko. Huminto ako sa harap. Hindi ko alam kung kaya ko pang lumapit.
"Go," bulong ni Wolfie, nasa likod ko lang siya at lalo ko lang naramdaman ang bigat ng bawat segundo. "He’s waiting."
Nanghina ang mga tuhod ko. Tumayo akong matikas, pero sa loob ko, parang gumuho na ang lahat.
Humakbang ako papalapit. Isa. Dalawa. Hanggang sa hindi ko na maiiwasan ang nakalatag sa harapan ko.
Si Raiden.
Hindi siya mukhang natutulog. Hindi ito tulad ng mga pelikula na parang mahimbing lang ang tulog ng patay. Wala na talaga siya. Ang dating masayahing bata, ang dating nag-a-update sa akin sa mga kaganapan sa buhay niya nang halos araw-araw, ngayon ay isa na lang malamig na bangkay sa loob ng mamahaling kabaong.
Hinintay ko ang sarili kong maramdaman ang galit, ang pagkamuhi, ang pangangailangan ng paghihiganti. Pero ang unang bumagsak sa akin ay isang mas simpleng katotohanan…
"You were just a kid." Napasinghap ako, pilit na pinipigil ang panginginig ng dibdib ko.
"You were just a f*****g kid, Raiden…"
Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa gilid ng kabaong. Ramdam ko ang init ng balat ko laban sa lamig ng kahoy.
Hindi ko namalayan na nakayuko na ako, pumikit nang mariin, hinayaang lamunin ng sakit ang buong pagkatao ko.
Bakit? Bakit mo ito ginawa?
Hindi ko namalayang nanginginig na ang mga kamay ko. Hanggang sa isang boses ang nagpagising sa akin mula sa pagkalunod ko.
"Malcolm…"
Si Mommy.
Nang lingunin ko siya, nakita kong nakatayo siya sa gilid, yakap ang sarili niya na parang kung hindi niya gagawin iyon, mahuhulog siya sa kawalan. Hindi siya umiiyak, ubos na marahil ang luha niya.
"You should have been here," hindi ito isang sigaw, hindi rin isang paninisi, pero sa apat na salitang iyon, naramdaman ko ang buong bigat ng sampung taong pagkakawala ko.
"Mom–"
"He looked up to you, Malcolm." Hindi niya ako hinayaang matapos. "Raiden… he only believed in you. He always kept you updated, so how did you not know about that b***h?!"
Napatigil ako.
"He was like you." Mas mahina na ang boses niya, halos pabulong. "Brave. Cold, sometimes. But underneath it all… he just wanted to be loved."
Ang bawat salita niya ay parang latay sa puso ko. Diyos ko.
"What happened to him?" tanong ko sa basag na boses. "What the hell pushed him to do this?"
Suminghap si Mommy, tumingin saglit kay Wolfe bago bumalik ang tingin sa akin. At sa tingin niyang iyon, doon ko na nalaman, may isang sagot silang hindi sinasabi sa akin.
"It’s not just depression, is it?"
Nanginginig ang labi ni Mommy.
"He left a letter," mahina niyang sabi. "And a name."
Nagtama ang mga mata namin. Sa loob ng isang segundo, isang pangalan lang ang umiikot sa utak ko.
“Where is the letter?” I demanded. Bumuntong-hininga si Mommy at tumingin kay Wolfe saka tumango.
Saglit na umalis si Wolfe at pagbalik niya ay may dala na siyang sulat.
Tahimik akong nakaupo sa sofa, ang buong katawan ko ay parang binagsakan ng langit at lupa.
Ngayon ay nakabalik na si Wolfie, hawak ang isang pulang sobre na halatang ilang beses nang pinag-isipan kung bubuksan o hindi. May bahagyang lukot ang gilid, na parang paulit-ulit na piniga sa mga kamay ng isang desperadong tao.
"This was in his room," bulong ni Wolfie. "Hidden inside his drawer. Mom couldn’t bear to read it, so…"
Hindi ko agad kinuha ang sobre. Nakatingin lang ako rito, parang isang bagay na may dalang sumpa. Isang bagay na lalong dudurog sa mga puso namin.
"Kuya Malcolm." Ramdam ko ang pag-aalinlangan sa boses ni Wolfe. "You need to read this."
Dahan-dahan kong kinuha ang liham. Binuksan ko ang sobre, at mula roon, lumabas ang ilang piraso ng papel na sulat-kamay ni Raiden. Maayos ang handwriting niya, pero may ilang bahaging mukhang minadali, tila ba sumabog ang emosyon niya habang isinusulat ito.
Pilit kong pinanatili ang matigas kong mukha. Pero nang simulan kong basahin ang nilalaman ng liham, hindi ko na napigilan pa ang paninikip ng dibdib ko.
Dear Uncle Malcolm,
Alam kong hindi ko na ito masasabi sa’yo nang harapan, kaya isusulat ko na lang. Gusto kong malaman mo na kahit kailan, hindi ko ikinahiya na ikaw ang iniidolo ko. Kahit hindi tayo laging magkasama, palagi kong iniisip kung ano ang gagawin mo sa bawat desisyong ginagawa ko.
Pero ngayon, hindi ko na alam ang dapat gawin. Mahal na mahal ko siya, Uncle. Alam kong sasabihin mong bata pa ako, na marami pang puwedeng mangyari, o marami pang ibang babae riyan, pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang mabuhay sa mundong ito kung wala siya.
Dalawang taon kaming masaya, dalawang taon kong inisip na siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Si Helena ang lahat sa akin, Uncle. Pero nagbago siya. Hindi ko alam kung kailan, hindi ko alam kung bakit. Basta isang araw, hindi na siya gaya ng dati.
Sinubukan kong ayusin. Paulit-ulit kong tinanong kung may nagawa ba akong mali, kung may hindi ako naibigay. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit? Wala akong nagawang mali. Wala akong pagkukulang.
Nagbago lang siya. Hanggang sa isang araw, sinabi niya sa akin na may iba na siyang gusto. Paano mo tatanggapin na ang taong pinagkatiwalaan mo ng puso mo ay bigla ka na lang iiwan para sa iba? Paano mo patuloy na haharapin ang bawat araw, lalo na at alam mong hindi ka na niya kailangang balikan?
Uncle Malcolm, hindi ko kayang mabuhay sa mundong wala siya. Mahal ko kayo ni Uncle Wolfie. Mahal ko si Grandpa at si Grandma. Pero pagod na ako. At wala na akong dahilan para ipaglaban pa ang sarili ko.
Paalam.
Raiden
Humigpit ang hawak ko sa papel, halos magusot ito sa mga palad ko. Parang nabingi ako sa bigat at sakit na bumalot sa buong katawan ko.
Parang gusto kong isigaw ang lahat ng nararamdaman ko, pero kahit anong gawin ko, walang lumalabas na tunog mula sa bibig ko.
"Kuya Malcolm…" mahinang tawag ni Wolfe sa akin, pero hindi ko siya nilingon.
Ipinikit ko ang mga mata ko, pilit pinipigilan ang galit, ang poot, ang paninisi sa sarili ko.
"He killed himself… over a girl," mahina kong bulong, pero ramdam ang lason sa tinig ko.
"It wasn't just about a girl," sagot ni Wolfe, malalim ang buntong-hininga. "It was over love. Over heartbreak. He gave everything, and in the end, he was left with nothing."
"Bullshit." Ikinuyom ko ang mga kamao ko. "He had us."
"Pero hindi sapat. We are not enough for him, Kuya. He still chose to end everything this way!" katuwiran ni Wolfe.
Tumayo ako at humakbang palayo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko matanggap na ito lang ang dahilan. Hindi ko matanggap na dahil lang sa isang babae, kinitil ni Raiden ang sarili niyang buhay.
Pero alam ko rin ang totoo. Hindi lang ito "isang babae." Si Helena ang mundo niya. At noong nawala ito, wala na rin siyang ibang dahilan para mabuhay.
"So what now?" tanong ni Wolfe, na sumunod pala sa akin.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, pero hindi nawala ang pait sa lalamunan ko.
"Now," sagot ko, malamig at puno ng determinasyon, "I will find Helena De Vera."
Ang huling gabi ng burol ni Raiden ay puno ng mga taong nagdadalamhati, nakaitim, at pawang nagpapahayag ng kanilang pakikiramay.
Malamig ang ambiance sa loob ng mansion, hindi lang dahil sa air-conditioning bagkus dahil sa bigat ng pagkawala ni Raiden.
Lahat ng tao rito ay tila may kani-kaniyang paraan ng pagdadalamhati. Ngunit ako? Hindi pa ako tapos magalit.
“You’re house is still very elegant,” papuri ng isa sa mga auntie nila na umuwi pa galing state para makiramay. “Pero sana ay sa funeral homes ni’yo na lang siya inilagak para naman hindi na kayo gaanong mahirapan.”
“It’s okay, Auntie. I’m sure Raiden will be happier here,” magalang na sagot ko. Ngunit ang totoo, mas gusto lang naming maging pribado ang lahat. Cardiac arrest and sinabi naming dahilan ng pagkamatay ni Raiden.
Makalipas ang isang oras, tahimik lang akong nakatayo sa tabi ng kabaong, ramdam ko ang panginginig ng kamao ko habang pinipilit kong itago ang nagbabagang mas matinding poot sa dibdib ko.
Si Wolfe ay nasa tabi ko na ang mga panga ay umiigting din sa matinding sama ng loob. Kita ang tensyon sa buong katawan niya. Pareho kaming nagpipigil, dahil hindi ito ang lugar para sa gulo.
At doon, sa gitna ng pagdadalamhati ay dumating siya. Ang isang taong hindi namin inakalang magpapakita pa rito.
Si Helena Mae De Vera.
Parang bumagal ang oras nang lumakad siya papasok sa sala. Diyos ko. Kahit sa oras na ito, hindi ko maikakaila… Maganda at lubhang kaakit-akit nga siya.
She has a face capable of playing with any man who is weak against a perfect face and dreamy eyes. She’s dressed in black, simple yet elegant, holding a white rose that seems too cliché for a woman like her.
Naglakad siya patungo sa kabaong, hindi alintana ang bumibigat na tingin na nakatutok sa kaniya. Sa isip ko, paano niya nagagawang humarap dito? Alam ba niya kung anong klase ng sakit ang iniwan niya kay Raiden? Alam ba niya na siya ang dahilan ng lahat?
"The audacity of this woman," malamig na bulong ni Wolfe sa tabi ko.
"She should not be here," sagot ko, punong-puno ng galit ang tono ko.
Pero wala kaming magawa. Hindi ito ang lugar para sa eskandalo. Hindi ito ang tamang oras para ipakita ang galit namin.
“Kung ako lang ang masusunod, gustong-gusto kong baliin ang leeg ng babaeng iyan!” nagtatagis ang mga ngiping sambit ni Wolfe.
Lumuhod si Helena sa harapan ng kabaong at dahan-dahang inilapag ang rosas sa ibabaw nito. "I'm sorry, Rai," bulong niya, halos hindi ko marinig.
Napahigpit ang kamao ko, dahil wala na siyang karapatang tawagin ang pangalan ni Raiden nang ganoon.
Pinanood ko siya. Lahat ng kilos niya. Ang bawat pagkilos ng manipis niyang labi, ang paraan ng pagkakapikit ng magagandang mga mata niya, parang siya ang pinakamalungkot na tao sa silid na ito. Pero hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala sa mga luha niya.
Nagtagal siya roon ng ilang minuto bago siya tumayo, tila nakikiramdam kung dapat na ba siyang umalis. Pero sa halip na umalis, lumingon siya, at nagtama ang mga mata namin.
Fucking b***h!
Nagtagal ang tingin niya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakita ko sa mga mata niya ang takot. Siguro dahil hindi niya kailanman inasahan na makikita niya ako rito.
Lumapit siya sa akin, dahan-dahan, parang may gustong sabihin.
"Uncle Malcolm… ikaw si Uncle Malcolm, hindi po ba?" Mahina ang boses niya, pero hindi ako natitinag.
Hindi ako sumagot. Bakit ko siya kakausapin? Bakit ko siya bibigyan ng kahit isang segundo ng atensyon ko?
Pero naramdaman ko ang init ng kamay ni Wolfe sa balikat ko, isang babala. Not here, not now.
Kaya imbes na sagutin siya, tinitigan ko lang siya nang matagal, malamig, puno ng galit na hindi ko mailabas dito.
At bago pa siya makapagsalita ulit, lumapit si Wolfie at tumayo sa pagitan namin.
"I think you should go." Diretso, walang emosyon. Pero sapat para ipaalam sa kaniya na hindi siya welcome dito.
Nakita kong bumuntong-hininga siya, pero hindi siya umalis agad. Nagdalawang-isip pa siya. Para bang may gusto pa siyang sabihin.
Pero wala na akong pasensya para hintayin kung ano man iyon.
"Leave," malamig kong utos. "Sige na, umalis ka na. Hindi mo naman siguro gugustuhing mapahiya sa maraming bisita rito, hindi ba?"
At doon ko lang siya nakitang umurong, tila napagtanto niyang wala siyang puwang dito. Tumango siya, bago tuluyang lumabas ng bahay.
Pero habang nakatingin ako sa kaniya na papalayo ngayon, isang bagay ang sumagi sa isip ko.
Hindi pa tayo tapos, Helena Mae De Vera. Hindi pa tayo tapos.
Tahimik ang buong mansion nang dumating ako. Wala na si Mommy, si Wolfe, at maging ang stepfather ko. Ang mga bisita ay umalis na rin, naiwan na lang ang ilang kasambahay na tahimik na nag-aayos ng natitirang kalat. Pero hindi ko sila pinansin.
Pagod ako. Pero hindi dahil sa katawan ko, pagod ako sa bigat ng galit na dinadala ng dibdib ko.
Hinubad ko ang coat ko at inihagis sa gilid, saka dumiretso sa bar sa loob ng bahay. Kinuha ko ang pinakamahal na whiskey at kinargahan ang baso ko. Isang lagok, pero hindi sapat para palamigin ang dugo ko.
She was there. Si Helena. She dared to show her face.
Nanginginig ang kamay ko sa tindi ng inis. Pumikit ako saglit, pero kahit anong gawin ko, nasa isip ko pa rin ang imahe niya, ang mukha niyang walang bahid ng pagsisisi, ang paraan ng pagtayo niya doon sa libing na parang inosente siyang nagdadalamhati.
Bullshit!
Bumuntong-hininga ako at dinampot ang phone ko. Mabilis kong tinawagan ang isang matagal ko nang kaibigan, si Ramvince Contreras.
Si Ram ang isa sa pinaka-maimpluwensiyang tao pagdating sa impormasyong hindi dapat nalalaman ng publiko. He owned a private intelligence company, hindi basta-bastang detective agency, kung ‘di isang elite network ng mga taong kayang maghukay ng kahit anong impormasyon sa kahit na sinong target.
Ilang ring lang at sinagot niya ako. "Malcolm. It’s been a while. What’s up? I heard you’re here in the country? By the way, my deepest symphaty for your loss."
"Thanks, bro… but I need something, Ram. I need everything about a woman named Helena Mae De Vera."
Sandaling natahimik si Ram sa kabilang linya.
"Helena Mae De Vera? Sounds familiar. Who is she?"
"She’s the reason my nephew is dead."
Nagbago ang tono ni Ram. Mula sa pagiging casual, naging seryoso ito.
"Understood. Do you want full surveillance? Background check? Financial records? Everything?"
"Everything." Ang malamig kong sagot. "I want to know who she is, where she goes, who she talks to. I want to know what makes her happy and what breaks her. Find her weakness, Ram. Because I’m going to use it against her."
"Got it. Give me 48 hours."
"Make it 24."
"Damn, you’re not playing around." Tumawa siya nang bahagya, pero agad ding naging seryoso. "Alright. You’ll have what you need by tomorrow."
Ibinaba ko ang tawag at muling tumagay ng alak.
This is it. Simula na ng laro. At sa larong ito, walang ibang mananalo kung ‘di ako lang.
Nagising ako kinaumagahan na may matinding kirot sa sentido. Masyado akong naparami ng inom kagabi, pero hindi iyon ang dahilan ng bigat na nararamdaman ko. Hindi ito hangover, ito ay galit na hindi ko alam kung paano ilalabas.
Kumuha ako ng yelo mula sa mini bar ng kwarto ko at idinikit iyon sa sentido ko habang binubuksan ang cellphone. At doon, nakita ko ang inaasahan ko, isang mensahe mula kay Ramvince.
Ramvince:
Check your email. Everything you need is there.
Dali-dali kong binuksan ang laptop at nag-log in sa email ko. Isang encrypted file ang nasa inbox ko, may title na ‘Helena Mae De Vera – Full Report.’
Isang click lang at bumungad sa akin ang lahat ng impormasyong hiningi ko. And damn it, hindi ako nabigo sa nakita ko.
Personal Background
Name: Helena Mae Ilustre De Vera
Age: 23
Birthday: May 18
Occupation: Online Seller (Luxury Preloved
Items)
Address: [Redacted]
Family Background:
Father: Rogelio De Vera (Deceased) – isang dating pulis na namatay sa isang buy-bust operation.
Mother: Almira Ilustre-De Vera – isang simpleng maybahay.
Kapatid: Wala, only child.
Business Ventures:
Nagbebenta siya online ng mga luxury preloved bags, shoes, accessories, at branded clothes. May sarili siyang FanAir at InstaBrand shop na may libu-libong followers. Malakas ang kita niya rito, lalo na at mukhang legit ang karamihan ng mga items niya.
Pero mas lalong naging interesting ang sunod kong nakita.
"Some of the items in her shop are suspected to be counterfeit. Several customers have reported her, but cases never pushed through."
Napalalim ang hinga ko. Scammer? I knew it.
Financial Records & Transactions:
May sarili siyang maliit na apartment sa isang condominium sa Quezon City.
Wala siyang sasakyan – madalas ay nag-aangkas lang o sumasakay ng taxi.
Hindi kapansin-pansin ang galaw ng pera niya, pero may isang bagay na nagpaangat ng kilay ko, may isang anonymous account na regular na nagpapadala sa kaniya ng malaking halaga ng pera.
50,000. 80,000. 120,000.
Hindi ito kita mula sa online selling niya. May nagbibigay sa kaniya ng pera, at gusto kong malaman kung sino at bakit.
Raiden & Helena: The Full Story
Nang makita ko ang section na ito, napalunok ako.
"Raiden Olivares and Helena Mae De Vera were in a relationship for two years. He was madly in love with her, to the point that he planned to propose."
“However, two months before his suicide, Helena broke up with him without clear reasons. She ignored his calls and messages. Raiden tried everything to get her back, but she refused. Until one day, she told him that she likes someone else.”
“Raiden became severely depressed after this. Based on retrieved text messages, he begged her to reconsider, but she completely cut him off.”
Pumikit ako nang mariin. Mas lalo akong napuno ng galit. So it was true. She dumped him for another man.
Napailing ako, pinipigilan ang sarili kong wasakin ang screen ng laptop sa sobrang galit. Walang puso ang babaeng ito. Pero hindi pa iyon ang pinakamalupit.
Helena's Darkest Secret:
Habang ini-scroll ko ang report, may isang section na nagpa-freeze sa akin.
"Helena has a connection with a certain Aljon Garcia."
Napatigil ako. What the hell?
Aljon.
So maybe this was the man she chose over my nephew, huh?
Hindi ko pa lubusang napoproseso ang impormasyong ito, pero isang bagay ang sigurado, may mas malalim na dahilan kung bakit niya iniwan si Raiden.
At gusto kong malaman ang lahat. Kinuha ko ang cellphone at agad tinawagan si Ram. Sinagot niya ito agad, halatang alam niyang tatawagan ko siya.
"You saw it?" tanong niya agad.
"I did. I need to know more about her connection with Aljon."
"That one is tricky. That man was a simple guy, Malcolm. He’s working as an accountant in a bank."
"I am not yet interested in that one. I will focus on that b***h," mariin kong sagot. "And Ram… I need a way to get close to her. I want to make her life a living hell."
Tumawa siya nang mahina. "I figured. Don’t worry, I have an idea."
"What?"
"Let’s just say… I can arrange a situation where she’ll have no choice but to come to you."
Napaangat ang labi ko sa isang mapait na ngiti. "Good. Do it."
“I really hate scheming women…” dismayadong pahayag ni Ram.
“Yeah… I remember that a woman was also the reason why you almost lost Leahbel before,” komento ko.
“Yeah. So, don’t worry, I will help you out,” pangako naman ng kaibigan ko.
“Sayang talaga… ipinagkasundo ko na lang sana si Raiden sa anak mong si Vielle,” naiiling na saad ko.
“Siraulo ka talaga, Malcolm!” tugon nito.
Natawa na lang din ako at ibinaba ko ang tawag at lumingon sa bintana.
Sa labas ay tirik ang araw, parang normal lang ang lahat. Pero sa loob ko, isang madilim na plano ang unti-unting nabubuo.
This is just the beginning, Helena. You destroyed my family. Now, I will destroy you.