Pagkaupo namin sa isang private cafe, huminga nang malalim si Wolfe. “Pasensiya ka na kanina. Hindi ko agad nasabi. May camera sa loob ng apartment mo.” Napapitlag ako. “What?!” Tumango siya. “Lamang sa malamang, may naglagay. Sinusubaybayan ka. At hindi ko puwedeng isugal na marinig nila ito.” Nanlamig ang buong katawan ko. Para akong nalaglag sa kainauupuan. “Wolfe, anong ibig sabihin nito? Sino naman ang gagawa sa akin ng ganito?” “Makinig ka muna, okay?” medyo lumapit siya sa akin habang magkaharap kami, seryoso ang mukha niya. “Iyong lalaking kasama mo nitong nakaraang araw... iyong nagpakilalang si Kuya Malcolm? Hindi siya ang Kuya ko.” Napalunok ako. “Hindi siya ang Kuya Malcolm mo? Wolfe, paano mo nasabi ‘yan? Kilala niya ako… lahat. Pati iyong mga bagay na–” “Because he stud

