Nang gabing iyon, sobrang tahimik ng buong villa. Walang ibang maririnig kung ‘di ang huni ng mga kuliglig at ang mahinang ihip ng hangin sa labas. Pero sa dibdib ko, may kung anong bigat na hindi ko maipaliwanag. Pagod ako. Emotionally drained. So, after that very hot and intense moment, nakatulog ako agad. Pero hindi naging payapa ang tulog ko. Sa panaginip ko, ay nasa isang madilim na kuwarto ako. Walang bintana. Walang pintuan. Just darkness pressing from all sides. I was sitting on the cold floor, trying to move, pero parang may humahawak sa mga paa ko. Biglang may malamig na kamay na pumatong sa balikat ko. Tapos, biglang may isang bagay, may kung sino ang biglang sumasakal sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at nag-umpisang maubusan ng hangin ang baga ko. At first, I thought it w

