Ilang minuto akong nakatitig lang sa pader matapos lumabas si Malcolm. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatunganga roon, yakap pa rin ang sarili kong wasak.
Tahimik ang buong paligid pero sa loob ko, kumukulo ang dugo ko sa matinding sama ng loob. Takot, galit, hiya, pagkamuhi. Sa kanya. Sa sarili ko. Sa lahat.
Ngunit napasinghap ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napabalikwas ako sa kama, akmang tatayo, para sana pagsisigawan at sumbatan siya pero iba pala ang dumating.
Akala ko siya na naman. Pero hindi.
Dalawang babae ang pumasok, naka-uniform silang pareho ng kulay beige na may logo ng Nocturne sa dibdib. Parehong mukhang mga professional household staff.
Tahimik. Maayos ang kilos. Hawak nila ang sandamakmak na paper bags, Louis Vuitton, Dior, Chanel, Zara, Uniqlo… kahit anong maisip mong brand, naroroon.
Natigilan ako at labis na nagtataka. Napakunot-noo rin.
“Uhm… Miss Helena?” tanong ng isa, mahina ang boses, parang natatakot din siya. “Sabi ni Sir ay dalhin daw po sa inyo ang lahat ng ito. Sa inyo raw lahat ito, aayusin na po ba namin sa closet?”
“Wha… what?” paos kong sagot. Naluluha pa rin ang mga mata ko. “Sino'ng nagsabi niyan ulit?”
“Si Sir Malcolm po. Lahat ay size small at para sa inyo. May sapatos din po, and undergarments, may toiletries, make-up… lahat po, kompleto.”
Nagtama ang mga mata naming tatlo. Pareho silang may dalang kaba. Pero ako, mas nalito. Mas nabalot ng halo-halong emosyon.
Nakalapag na ang mga bag sa sahig. Isa-isa nilang inayos sa dresser, sa mga drawer, pati sa banyo. May mga pabango, lotion, shampoo… lahat branded. Wala ka nang hahanapin pa. Kung hindi lang dahil sa sitwasyon ko ngayon, baka kinilig pa ako.
Pero ngayon? Parang lalong dumilim ang kuwarto. Parang bawat mamahaling gamit ay isang masalimuot na panunuhol o mayroon siyang binabalak na masama?
Mag-uncle nga sila ni Raiden... pareho silang mahilig manuhol ng mamahaling mga gamit para masanay ako. Para mas madali niya akong kontrolin.
“Nasaan ang demonyong amo ni’yo?” malamig na tanong ko sa kanila nang matapos sila sa ginawang pag-aayos ng mga gamit.
Nabakas naman agad ang takot sa mga mukha nila.
“Naku, Ma’am, huwag po kayong magsalita ng ganiyan kay Sir, baka marinig po niya kayo…” nahihintakutang babala ng isa.
“So, kilala ni’yo ang hayop na iyon?” mapait kong saad. “Kung gayon, tulungan niyo ako. Tulungan ni’yo akong makatakas dito!” biglang pakiusap ko sa kanila.
Nagkatinginan ang dalawa at lalong napuno ng takot ang mga mata nila. Pagkatapos ay sabay silang umiling.
“Pasensiya na po, Ma’am. Aalis na po kami…” nagmamadaling paalam ng mga ito. Ni hindi ako binigyan ng pagkakataong makapagsalitang muli.
Hinabol ko sila sa may pintuan ngunit naka-lock na iyon. Pinaghahampas ko ang pintuan sa sobrang inis ko. Sa huli ay naiyak na lang din ako sa sama ng loob.
Paglingon ko sa kama ay napansin ko ang isang maliit na folder. Nilapitan ko iyon para tingnan.
May note doon sa loob kaya agad kong binasa.
May spa appointment po kayo bukas, 10 AM. Sa inyo rin daw iyong personal stylist na darating mamaya, para i-check kung may kulang. May instruction din po na kung may gusto kayong idagdag, sabihin niyo lang daw sa assistant niya.
Napanganga ako. “Ano bang trip ng Ferragamo na iyon? Mukhang baliw yata ang uncle ni Raiden. Mas Malala pa yata sa kaniya,” nasambit ko.
Pinuntahan ko iyong mga pinamili raw ni Malcolm para sa akin.O kung siya nga ba talaga ang bumili ng mga iyon o prank lang.
Pinagmasdan ko ang napakaraming gamit sa paligid ko. Designer. Branded. Mamahalin. Lahat na.
Pero wala ni isa roon ang makakapag-alis ng sakit na iniwan niya sa katawan ko. Ni isa sa mga sapatos na iyon, walang kayang dalhin ako paalis sa lugar na ito.
Napakapit ako sa kama habang unti-unting nilalamon ng luha ang mga mata ko. Kailangan kong makagawa ng paraan para makalaya rito.
Dalawang beses na silang kumatok sa pinto. Parehong pagkakataon, may dalang trays ng pagkain… masasarap, mamahalin, mukhang mas makakabusog ng kaluluwa kaysa tiyan. Pero ni minsan, hindi ko tinikman.
Wala akong gana. Parang wala ring panlasa. Wala akong dahilan para kumain.
Parang kasabay ng pagkawasak ng katawan ko, nadurog din ang lahat ng normal na naramdaman ko bilang tao. Gutom? Hindi ko na ramdam. Uhaw? Parang wala na ring halaga. Ang gusto ko lang ay makalabas. Makauwi. Maibalik ang dati kong katahimikan.
Pero habang palalim ang hapon, at unti-unti nang dumidilim ang labas, muling nabasag ang katahimikan.
Wala pang ilang segundo ay bumukas na ang pinto. Hindi ko na nga nagawang lumapit para tingnan, wala rin naman akong laban, kahit anong gawin ko.
At pumasok ang tatlong babae. Naka-all black silang lahat, parang mga stylist sa backstage ng isang runway show. May bitbit silang malalaking makeup cases, steamers, hair tools, at isang clothing rack na may mga gown at dresses.
“Miss Helena, good afternoon po.”
“We’re here to get you ready po.”
Napakunot ang noo ko. “Ready… for what?”
Nagkatinginan sila, bahagyang napatigil. Halatang hindi nila alam kung paano sasabihin. Hindi rin sila makatingin nang diretso sa akin.
“Ah… we were just told po by Mr. Ferragamo to prepare you. You’ll be having dinner with him daw po tonight.”
Dinner?
Pumitik nang kakaiba ang dibdib ko. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Parang biglang naging maliliit ang mga espasyo sa paligid. Natatakot ako sa kung ano na namang balak ng demonyo sa akin.
“Ayoko. Hindi ako lalabas. Hindi ako kakain kasama niya.”
“We understand po, but we’re really just following instructions. Hindi rin daw po kami puwedeng umalis hangga’t hindi po kayo bihis at naayusan.”
Nakabibinging katahimikan ang sumunod. Pinanood ko silang isa-isang inayos ang gamit nila, parang automatic na lang ang kilos, sanay na. Professional. Pero kahit gano’n, ramdam ko ang tensyon sa mga balikat nila.
Ako man, hindi ko na alam kung alin pa ang dapat kong ipaglaban.
Kanina pa ako walang kain. Wala ring lakas. Pero para sa akin, ang simpleng pagtanggi ay maliit na hakbang ng pagtutol.
“He raped me.”
Nabitiwan ng isang stylist ang hawak niyang curler. Kumalabog ito sa sahig. Nagkatinginan silang tatlo, takot ang bumalot sa mga mata nila.
“I’m sorry…” bulong ng isa. “Pero hindi po kami puwedeng makiaalam sa mga personal na bagay. Pasensya na po.”
Pagkatapos no’n, wala na akong sinabi. Tahimik akong naupo habang nagsisimula silang magtrabaho. Sa bawat haplos ng brush sa pisngi ko, parang may tinatapyas sa dignidad kong unti-unting nauupos.
Ayusan? Pabanguhin? Bihisan? Para saan? Para kanino? Para babuyin lang ulit?
At sa likod ng salamin, habang inaayos nila ang buhok ko at nilalagyan ako ng kolorete, tiningnan ko ang sarili ko.
Hindi ko na siya halos kilala. Hindi na ako ito.
Pagkatapos ng halos isang oras nang pag-aayos, para akong manika sa harap ng salamin. Nakasuot ako ng black silk slip dress na dumadampi sa bawat galaw ng balat ko –
manipis, malambot, pero walang kasamang ginhawa.
Naka-straight ang buhok ko, may bahagyang volume sa dulo. Smoky eyes, nude lips, glowing cheeks. Parang artista. Parang high-class escort.
At sa isang iglap, bumukas ang pinto. Bumuntong-hininga ang tatlong stylist saka sabay, sabay umatras sa gilid.
Pumasok siya.
Si Malcolm Ferragamo… the monster in a perfect suit. All-black ang suot niya, terno ng bigat ng presensiya niya. Isang tingin pa lang, para akong nanigas. Nanlamig. Napalunok ako nang wala sa oras.
He looked so handsome, so enchanting that any woman would kneel just to get his attention. Dito mo talaga mapapatunayan na wala sa hitsura ang ugali ng tao.
Malcolm is so perfect, from the hair down to his toes. Lahat ng panlabas na anyo niya walang tapon, lahat maganda. Pero ang ugali niya, masahol pa sa mabahong imburnal.
And he didn’t even say a word at first. Just stared. With raging lust in his eyes. Like I was his prey. Like I was an object bought, delivered, and now ready for his use.
“You can go now.” malamig niyang utos sa mga stylist. Inabot niya ang black card mula sa wallet niya. “Payment was already arranged. Add the tip.”
“Y-yes, Mr. Ferragamo. Thank you so much.” Tinapunan nila ako ng tingin, may nakita akong awa sa mga mata nila. Ngunit pagkatapos niyon ay agad silang lumabas, iniwang bukas ang pinto at isinara lang ng isa nang dahan-dahan.
Now, it was just us. The room shrank. My breath caught in my throat.
“Ano’ng ibig sabihin nito?” asik ko sa nanginginig na boses. Tumayo ako at pinilit itaas ang ulo kahit ramdam ko ang takot na gumagapang sa batok ko.
“You think dressing me up like this, buying me bags, shoes, clothes, makeup, can erase what you did to me?”
He tilted his head. Slowly. That signature smirk curled on his lips like a weapon. “No. Of course not.”
“Then why?” halos pabulong kong tanong kahit ang dibdib ko ay parang sasabog sa sakit.
Lumapit siya. Mabagal. Maingat. Para siyang leon na tinitimpla kung kailan dadambahin ang biktima niya. At nang halos kalahating dipa na lang ang pagitan namin, nagtagpo ang mga mata namin.
“Because I own you now, Helena.”
Tumalim ang mga mata ko. Napaatras. Pero wala na akong mapuntahan pa.
“Every bite you eat, every breath you take… comes from me. And if you think those designer bags are kindness?” Tumawa siya nang malamig at sarkastiko. “They’re just shackles you’ll learn to love. Eventually.”
“Sick bastard.” I spat.
He leaned in, just inches from my ear, the warmth of his breath making me shiver.
“And yet… you’re glowing in that dress.” Hinapit niya ang baywang ko at walang awang siniil ng halik ang mga labi ko.
Tumulo na lang ang mga luha ko, hindi ko na alam kung dahil sa takot, galit, o pagkasuklam. Pero isa lang ang malinaw… hindi pa agad tapos ang impyernong ito.
Hindi pa siya tapos. At kung ito ang simula ng larong gusto niyang laruin… hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin.
Tahimik lang akong nasa passenger seat ng sleek black Maybach habang tinatahak namin ang kalsadang hindi ko alam kung saan papunta. Naka-seatbelt ako pero parang wala ring silbi… hindi rin naman ako ligtas. Hindi sa lugar na ito. Hindi sa piling ng lalaking ito.
Ang akala ko’y dinner lang. Normal na dinner kahit alam kong wala na akong aasahang normal sa kaniya.
Pero habang pabilis nang pabilis ang takbo ng sasakyan at mas lalo kaming lumalayo sa lungsod, unti-unting sumisiksik sa dibdib ko ang hindi maipaliwanag na kaba. Parang may kulang. Parang may mali.
Pagdating namin sa isang malaking building, halatang high-end. It wasn’t a restaurant.
May malaking logo sa taas, elegante ang pagkakasulat ng mga letra. N-O-C-T-U-R-N-E.
Nocturne.
Walang regular entrance. Dumaan kami sa gilid, kung saan may private security at isang steel door na may facial scan at code. Sa pagpasok pa lang, ramdam ko na. Malamig. Madilim. Mamahalin.
Pero… hindi ito restaurant.
“This isn’t a dinner.” bulong ko, pinilit ko ang boses ko na huwag manginig.
Malcolm smirked without even glancing at me. “Did I say we were having dinner?”
Napalunok ako. “Then… what is this? Sabi ng mga stylist–”
“Why? Nangangarap ka bang ide-date kita? You really are something, Helena!” pang-iinsulto niya sa akin kaya kumulo na naman ang dugo ko.
“At sinong may sabing gusto kitang maka-date? Ang kapal mo naman sa part na iyan!” ganting angil ko sa kaniya.
Kumibot ang kilay niya pero halatang sumama ang timpla. “Why? Kasi sanay ka na pinaglalaruan ang mga lalaki gamit ang ganda mo? Ang katawan mo?”
“Hindi ako masamang babae!” sigaw ko na sa kaniya. Napansin kong naningkit ang mga mata niya at tila nagpipigil lang na saktan na naman ako.
Huminga siya nang malalim saka lalong lumamig ang tingin. “A gathering. With some friends.” He looked at me with that same devil’s glint in his eyes. “They’re very eager to meet you.”
Napasinghap ako. Para akong sinakal. Napaurong ang mga paa ko nang lumapit pa kami sa hallway na may tinted glass at gold accent. High-end. Para sa elite. Pero hindi ko maipaliwanag ang matinidng takot na umaalipin sa dibdib ko.
Halatang yayamanin talaga ang lugar na ito pero, mukhang may mas malalang kaganapan sa likod ng kagandahan.
Pagkapasok sa lounge area, may malalaking sofa na velvet ang tela, champagne glasses everywhere, at mga lalaking nakaupo… all in suits, all looking like they owned half the city. The moment they saw me, their eyes drank me in like a rare, expensive wine. Na para bang hindi ako tao. Para akong produkto.
Para akong… bagay na puwedeng bilhin o angkinin. Ano ba Talaga ang balak ng hayop na ito sa akin?
“This is her?” sabi ng isang lalaking mukhang may lahi din, maputi, medyo may mga uban na sa gilid ng ulo niya.
“She’s younger than I thought,” dagdag ng isa, may French accent, nakasandig habang may hawak na Cuban cigar.
“Fresh. Untouched? You sure she’s not a tease, Malc?”
“I’m sure, but untouched? Of course, I already had a taste,” sagot niya. Buong yabang. Parang nagbebenta ng alagang hayop. “You’ll see for yourselves. But only one of you will win tonight.”
"Win?" Napalingon ako kay Malcolm. Napaatras. Mabilis ang t***k ng puso ko. Napalakas na ang paghinga ko.
“Anong ibig mong sabihin?”
Ngumiti siya. Mapanlinlang. Nakakatakot.
“You are tonight’s prize, Helena. A little fun between friends. Highest bidder gets a night with you.”
“What?!”
Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko. Tumingin ako sa lahat ng mga lalaking nandoon… lahat sila ay nakatingin sa akin na parang hayop na hinihintay katayin.
“You’re sick! You’re f*cking sick!” sigaw ko, tumutulo na ang luha sa mga mata ko. “I’m not some toy you can pass around!”
Lumapit siya. Dahan-dahan. Mabilis ang higit ko ng hininga, ramdam ko na ang kaba sa dulo ng lalamunan ko. Kung natakot ako sa kaniya noon, walang katumbas na takot ang nararamdaman ko ngayon.
“You think you have a choice now?” bulong niya, halos dumikit na ang bibig niya sa tainga ko. “Your body is mine. You’ll do as I say. Or I’ll make your life even worse than it already is.”
Pilit kong itinatago ang panginginig. Pero sa loob-loob ko, basag na basag na ako.
At habang tinitingnan nila ako… ng mga lalaking mayayaman, makapangyarihan, at walang pakialam sa dignidad ng babae, alam kong hindi ako ligtas.
Nang marinig ko ang salitang ‘bidding’, mula sa kanila, tila sumabog ang utak ko. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Para akong natanggalan ng kaluluwa.
Tumayo si Malcolm sa gitna ng lounge, taas-noo, tila ba isang hari sa gitna ng mga loyal subjects niya.
“Alright, gentlemen,” anunsyo niya, habang ang mga mata nila’y nasa akin pa rin. “Let’s make this interesting.”
“You’re really serious about auctioning her off?” tanong ng isang nasa tabi niya, habang sumisimsim ng mamahaling alak.
“She’s priceless. But I’m generous tonight.” He smirked. “Let’s start the bidding at one million pesos.”
What the hell is this?!
“Malcolm!” napasigaw ako, nanginginig na at naglalakad palapit, pinipilit ang sarili kong lumapit sa kanya kahit parang mababali ang tuhod ko. “Stop this! This isn’t a game! I’m a person!”
Hinawakan niya ang pulso ko, mariin, at idinikit ang bibig niya sa tainga ko.
“You’re mine, Helena. You lost the right to speak for yourself the moment Raiden took his life.”
“I didn’t do anything!”
“Exactly. You did nothing.” His voice was a dagger, slow and slicing. Then he turned back to his guests. “Anyone? One million? Going once?”
At doon ko nakita na nagtaas ng kamay ang isang negosyante. Mataba, kalbo, mukhang sanay sa mga ganitong kawalanghiyaan.
“I’ll raise it to two.”
Sunod-sunod ang sigawan. Parang auction talaga. Ang masakit, ako ang produkto. Ang sarili kong katawan ang tinatawaran nila.
“Three million.”
“Four.”
“Five.”
Doon na ako tuluyang napaatras, hindi ko na napigilang mapasigaw muli.
“Stop this! You’re all monsters! Napakademonyo ninyo!”
Pero walang nakinig. Hanggang sa isa sa mga lalaki ay nagsalita, akala ko patitigilin na niya ang nagaganap pero mas masahol pa pala ang sasabihin niya na talagang nakapagpatayo ng lahat ng balahibo ko sa katawan.
“We’re all friends here, Malcolm. Why not share?”
Natahimik ang lahat. Habang ako ay naghahanap na ng paraan para makatakas doon. Kahit mamatay ako, wala na akong pakialam, huwag lang mangyari ang nais sa akin ng mga demonyong ito.
“No losers. Just one unforgettable night… for all of us.”
Tumawa ang isa. Sumang-ayon ang iba. Parang wala akong boses. Parang wala akong silbi. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa gusto nilang mangyari.
Malcolm turned to me, and for a moment, I saw something flicker in his eyes… doubt? hesitation? But it was gone as quickly as it came.
“Interesting suggestion…” bulong niya, nakatitig sa akin. “What do you think, Helena?”
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas. Pero bigla akong sumigaw.
“I’d rather die than let any of you touch me.”
Tumahimik ang buong lounge. Hanggang sa biglang tumawa si Malcolm, mababa pero mapanganib.
“Oh, darling… you’ll learn. You have no idea what dying feels like yet.”
Hindi ko na alam kung paano ko napigilan ang sarili ko na hindi himatayin sa sobrang takot.
Hindi na ako makaiyak, ubos na yata ang luha ko. Nanginginig ang katawan ko, nanginginig pati kaluluwa ko.
Ang mga lalaking nakapaligid sa akin ay tila mga buwitre na handang lapain ang bangkay ko kahit buhay pa ako.
At sa gitna nila, si Malcolm. Kalmado lang, elegante pa rin, pero mas nakakatakot pa sa kanila.
Nilapitan ko siya. Lumuhod na ako sa harapan niya. Hindi na dahil sa kahinaan, kung hindi dahil desperado na ako.
“Malcolm, please…” basag ang boses ko, ramdam ko ang panginginig ng mga labi ko. “Please don’t do this to me. Please… kahit anong gusto mo… gagawin ko. Kahit ano. Just don’t let them touch me.”
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Parang sinusukat kung totoo bang seryoso ako. Nakakabaliw ang katahimikang iyon. Nakakatulig. Parang may kutsilyong nakaumang sa leeg ko at hinihintay lang ang senyas niya.
Lumapit pa ako lalo, halos magkadikit na ang tuhod ko sa sapatos niya.
“I’ll be yours,” bulong ko, halos hindi na marinig. “Gawin mo akong alipin, gawin mo akong laruan mo, just… don’t give me to them.”
Tumalikod siya saglit, saka humarap muli, ang tingin niya ay matigas, malamig, parang wala talagang puso. Nilapitan niya ako, pababa ang tingin, tila nag-iisip kung karapat-dapat ba akong iligtas… o itapon.
“You said anything?”
Tumango ako. “Yes…” bulong ko, nanginginig. “Anything you want. I swear. I’ll obey you. Kahit gaano kasakit… kahit gaano kababa. Basta ikaw lang. Please…”
Bumulong siya sa tainga ko, mababa ang boses. “Even if I break you?”
“Yes…” pumikit ako, tiniklop ang pride ko na para bang papel lang. “Even if you destroy me.”
Mahabang katahimikan. Tapos ay humarap siya sa mga bisita, pinagsisipat ang mga ito ng malamig na titig.
“Gentlemen, change of plans.” Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang mabanaag ang finality sa boses niya. “I think she became not available for the night.”
“Come on, Malc–”
“I said…” tumalim ang boses niya, halos umalingawngaw sa buong lounge, “she’s mine. Exclusively. You want a woman? Buy your own.”
Tumahimik ang lahat. Walang nangahas na kumibo.
At saka niya ako nilingon muli. Lumuhod siya sa harap ko, pero hindi para damayan ako. Para hawakan ang baba ko at itaas ang mukha ko para itingin sa kaniya.
“You just sold your soul to me, Helena. You better remember that.”
Tumango ako, pilit pinipigilan ang paghinga ko na parang hinihigop ang hangin sa isang vacuum machine.
Tumingin siya sa bodyguard niya.
“Get her out of here. Take her to my private suite. I’ll be there later.”
Habang binibitbit ako palayo ng inutusan niya, wala akong ibang naramdaman kung ‘di ang matinding takot… at ang simula ng isang mas malalang pagdurusa.
Pero kahit papaano… Hindi ako ibinenta. Hindi ako nababoy ng iba. At para sa gabing iyon, ito lang ang natira kong panalo.
Hindi ko akalaing malapit lang pala rito ang sinasabing private suite. Nasa top floor iyon nitong residential building at talagang napakaluwang. Sakop kasi nito ang buong top floor.
Kumpleto rin dahil lahat ng bahagi ng isang bahay ay naririto. Mayroon ding sariling parking space na napakaluwang. Mukhang nakakalula talaga ang yaman ng Uncle ni Raiden.
Pagkaalis ng mga bodyguard ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Ibinagsak ko ang katawan ko sa maluwang na sofang naroroon.
“Napakasama ng Uncle mo, Raiden… nasa dugo ni’yo talaga siguro ang pagiging demonyo! Pareho lang kayo na puro pagdurusa ang hatid sa akin!” bulong ko sa hangin.
Kasunod niyon ay ang pagdaloy ng mga luha ko. Sa tindi ng kirot ng dibdib ko ay yumugyog na naman ang mga balikat ko sa paghagulgol.
Kanina lang ay ipinakita na sa akin ni Malcolm kung gaano siya kamakapangyarihan. Napakawalang puso niya dahil kayang-kaya niya akong ipamigay sa iba at paglaruan.
Makalipas ang halos tatlumpung minutong pag-iyak ay tumunog ang main door… indikasyon na may bagong dating. Nang tingnan ko ay siya ang pumasok.
Ang bawat hakbang ni Malcolm papalapit sa akin ay parang isang dambuhalang puwersa na gustong magpataw ng parusa. Para bang bawat galaw niya ay may layunin na masaktan ako, pisikal man o emosyonal.
Ang malalakas na tunog ng sapatos niya na tumatama sa marble floor ay nagsisilbing hudyat sa akin… ang gabing ito ay simula na talaga ng impyernong buhay ko sa lupa.
Hindi ko na alam kung paano ko pinilit mapanatili ang katahimikan ko, pero hindi ko na kayang labanan ang panginginig ng katawan ko.
Hindi ko alam kung ano ang darating, at ang pinakamalupit, hindi ko na alam kung anong klaseng sakit ang dadanasin ko ngayong gabi.
“I gave you a chance, Helena,” sabi niya, malakas, ngunit may malamig na tono sa kanyang boses. “A chance to save yourself.”
Hindi ako makatingin sa kaniya. Hindi ko kayang tignan ang mga mata niyang puno ng galit at panunuya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung paano ko tatanggapin ang katotohanang ako na lang ang natirang target sa kaniyang galit.
“And now, you’re going to learn just how much it hurts when you betray someone.” Pahayag niya, nalalambungan ng malalim na poot ang mga mata niya. “I’ll make you regret everything. Every moment, every step, every breath you took that led you to this.”
“Napakawalang puso mo… paano mo akong nagawang ipamigay nang gano’n-gano’n lang? Wala kang karapatang gawin sa akin iyon!” sumbat ko sa kaniya.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong sakalin. “You don’t get to make demands anymore,” sabi niya habang dahan-dahang humihigpit ang kamay niya, nauubusan na ako ng hangin. “You will do as I say... and nothing more.”
“Gaano katagal mo ba ako gustong parusahan? Maibabalik ba nito ang buhay ni Riden? Bakit ako ang pinapahirapan mo?” hirap na hirap kong tanong.
Pinakawalan niya ako kaya umubo akong nang umubo. Habol-habol ko ang hininga saka sumagap ng hangin.
Isang malamig na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Malcolm. He leaned in close, like a predator circling its prey, knowing that I had no more fight in me.
Ang pagdampi ng hininga niya sa tainga ko ay parang isang bagay na hindi ko kayang iwaksi. It was too late to escape.
“You wanted to be submissive? Fine. But you will earn your place here. I will make you suffer just enough to know your place, but not enough to break you completely.”
“Please…” I whimpered. “Please, just let me go.”
Hindi siya sumagot agad. Tumahimik siya at tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa. Walang awa. Walang pagsu-sorry.
Bagkus ay walang awa niyang hinawakan ang dress na suot ko sa may bandang leeg, saka walang kahirap-hirap na sinira ang damit. Agad lumitaw ang mga dibdib ko dahil wala akong suot na bra. May padding kasi ang damit kaya hindi na kailangan ng bra.
“Now, begin to serve me, Helena. It’s what you promised, right?” ngumisi siya at naupo sa tabi ko. “Hubarin mo na lahat ng suot mo at tumayo ka sa harap ko!” malamig na utos niya.
Niyakap ko ang sarili para takpan ang mga dibdib ko. Umiling ako nang may pakikiusap sa mga mata niya. Ngunit tila uminit na naman ang ulo niya kaya kinabahan ako.
“Susunod ka ba o gusto mong ang mga kaibigan ko ang magpakasasa sa katawan mo?” pananakot niya sa akin. Dahil doon ay nanlamig ang buong katawan ko.
Mabilis kong hinubad ang nasirang damit. Tiningnan ko siya, isinenyas niyang tanggalin ko na rin pati ang underwear ko. Dahil sa takot ay pikit-mata kong hinubad iyon.
Binasa niya sa pamamagitan ng dila niya ang pang-ibabang labi niya habang punong-puno ng pagnanasang tumitig sa akin.
“Do you know how to dance, Helena?” nakangising tanong niya sa akin. “Dance for me…”
“No!” matigas kong tanggi.
“No?” tumaas ang kilay niya. “Bakit? Mas gusot mo bang sumayaw sa harapan ng mas maraming lalaki?” hamon niya sa akin.
“Oops, don’t cry… mas malalang parusa ang sasapitin mo!” tila naiinis na banta niya sa akin dahil paiyak na naman ako.
“Ano bang klaseng sayaw ang gusto mo?” asik ko sa kaniya.
“A seductive dance… akitin mo ako, Helena… if you perform well tonight, baka payagan kitang dalawin ang Mama mo… pero isang oras lang!” saad niya.
Napalunok ako dahil aaminin kong nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.
“T-Talaga? Papayagan mo akong makauwi sa amin?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango naman siya. “Y-Yes… as long as you make me happy tonight, Helena…”
“Pero bakit isang oras lang? Hindi ba puwedeng isang araw o isang linggo dahil–”
“Well, that depends…” biglang putol niya sa akin. Kinakabahan na naman ako kasi may kakaibang ngiti na naman sa mga labi niya.
“Depends on what?” may pagtatakang saad ko naman.
“Depends on how many hours you can make me happy… kung gaano katagal ang kaya ng katawan mong paligayahin ako, ganoon din katagal na puwede mong madalaw ang Mama mo!”
Hindi ko alam kung nanunukso o nambubuwisit itong si Malcolm. Pero parang may sira talaga sa tuktok ang lalaking ito. Ano’ng klaseng deal iyon?
“May sapak ka ba talaga sa utak? Ano’ng palagay mo sa akin, s*x machine?” galit na tugis ko sa kaniya. Pero nagkibit-balikat lang ito.
“You decide. That’s my decision… and it’s final! Now, start!” pasigaw na utos niya kaya napapitlag pa ako. “Dance well… and f**k me well, Helena…”
Napatitig ako sa kaniya. Bigla akong nawalan ng sasabihin… hindi ko alam kung ano ang gagawin, o kung paano susundin ang kahayupang ipinapagawa niya sa akin.
Pero gusto ko nang makita si Mama. At kukunin ko ang pagkakataong iyon na makatakas. Basta masiguro kong okay si Mama, kahit saang impyerno pa ay magtatago ako, huwag lang akong magtagal sa piling ng demonyong lalaking ito.
Kahit labag sa kalooban ko, tinanggal ko ang pagkakatakip ng mga braso ko sa katawan ko. Ngumisi siya. Mukhang excited ang gago. Buwisit lang talaga!
Inumpisahan kong gumiling sa harap niya. hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero ganito kasi iyong mga napapanood ko sa TV kapag may mga sumasayaw sa bar. Mabuti na lang at marunong akong sumayaw. Kaya lang, mahirap sumayaw nang walang music, lintek!
“Good… more, Helena…” udyok niya sa akin na tila sinasagad ang pasensiya ko. Natutuwa siyang panoorin akong nahihirapan at nagdurusa.
Habang sumasayaw ako ay unti-unti na rin siyang naghuhubad. Napapalunok ako. Hindi pa nakaka-recover ang katawan ko pero mukhang kailangan ko na namang pagdaanan ang sakit.
Pigil na pigil ko ang sarili nang tuluyan na rin siyang maging hubad sa harapan ko. Pinanatili ko ang tingin sa mukha niya pero alam kong buhay na naman ang alaga niya.
“Come here…” mahinang utos niya. sumunod naman ako.
“Ahh!” napatili ako nang bigla niya akong hilahin. Bumagsak ako sa hubad niyang katawan. It was hot and I felt his hardness beneath me. Damn it!
Napunta sa batok ko ang isang kamay niya. Saka inatake ng halik ang mga labi ko. Ang isang braso niya ay humapit sa baywang ko.
Ngayon ay paluhod akong nakaupo sa ibabaw niya. Napaka-awkward kasi pareho kaming nakahubad.
“Ouch!” reklamo ko nang kagatin niya ang labi ko bago ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Bakit ba ang hilig mangagat ng lalaking ito? Nakakainis!