Third Person POV Continuation of 10 Years Ago… Sa second trimester ng pagbubuntis ni Maui ay naging maayos naman ang lahat. Bumalik na ang lakas at sigla ng katawan niya. Her skin glowed. Laging may ngiti sa labi niya kahit pa mabilis siyang mapagod. And Malcolm? Parang personal assistant, nurse, bodyguard, chef, at asawa, all rolled into one. “Sweetie, bawal na raw akong magluto sabi ng OB,” minsan ay malungkot na sambit ni Maui. Minsan nakokonsensya siya kasi gustong-gusto niya talagang pinagsisilbihan ang asawa niya. “Good. Kasi matagal na akong may gustong sabihin, iyong adobo mo, maalat,” biro ni Malcolm habang banayad na naglalagay ng unan sa paanan ni Maui. “Baka iyan ang dahilan kung bakit sumisipa si baby,” dagdag pa niya habang nakangiti. “Hoy!” she threw a throw pillow

