Hindi namin maintidihan ang nangyayari. Pagtataka ang agad na rumehistro sa aming mga mukha dahil sa hindi namin inaasahang pangyayari gayong tila may humawak sa aming likuran at nang magmulat kami ng aming mga mata upang tingnan namin kung sino iyon ay wala naman kaming nakitang ibang tao pa. Wala na rin kami sa makapal na usok na kanina’y halos tatapos na sa aming mga buhay. Pansin namin na kakaiba na rin ang paligid at hindi ko lubos alam kung maniniwala ba ako na pawang hindi totoo ang lahat ng nangyari kanina. Marahang napabagsak ang aking mga kasama sa damuhan habang makikita pa rin sa kanilang parte ng katawan ang burn skin bubble na napuruhan sa kanila. Marahan din akong lumuhod upang makapantay sila at tingnan ang kanilang mga kalagayan. Madilim na ang paligid kung ikukumpara

