Sa inaasahan ay mabilis naman kaming nakalabas sa Gratiorhia. Akala ko pa naman ay sincere si Cerise na nag-aalala siya para sa amin na mapanganib sa labas dahil malalim na ang gabi at hindi niya ‘raw’ masisiguro ang aming kaligtasan. Wala naman kasi kaming nakasalamuhang mga bandido o hindi kaya’y lasing na mga warrior upang harangin kami sa daan. But if that’s the case, I could tell that Cerise is half sincere. Binigyan ko naman ng malawak na ngiti ang kawal na nakabantay sa tarangkahan. If I am not mistaken, one of the soldiers here is the one I asked for the library. Dito pala siya ngayon nagbabantay dahil buong akala ko ay sa akademya siya naglilingkod. Ganoon pa rin ang kaniyang bihis dahil balot na balot pa rin ang kaniyang katawan ng baluting yari sa matibay na metal at kung pagn

