Hindi ako makatulog. Tila binabagabag pa rin ako ng aking sarili. Wala ako sa posisyon para magdesisyon para sa maaaring mangyari sa hinaharap kay Zeniya. It wasn’t my life. I am just fulfilling it because I am her in this world and nothing can change that. I am still Phoenix Belmont and not Zeniya Frozenscribe.
What if the real Zeniya will go back to her home then? Will she steal this life I borrowed from her? But the question is where is she?
Third Person’s Point of View
Hindi pamilyar sa isang dalaga ang nakikita niya. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at kaagad na bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame na halos bumulag sa kaniya nang marahang tiningnan niya iyon. Bahagya siyang napakunot ng noo kung anong mahika nababalot ang kwarto sa kung saan siya naroroon.
“N-nasaan ako?” marahang tanong niya sa kaniyang sarili habang tila hindi pa gaano siyang makapagsalita nang maaayos dahil sa kaniyang kalagayan.
Nasa loob siya ng ospital, nakahiga sa isa sa mga kamang naroroon. Isang venturi mask naman ang makikita na nakatakip sa kaniyang bibig habang nagbigay musika ang tunog ng isang monitor na gumuguhit ng taas-babang kurba upang malaman ng mga doktor kung my pulso pa ba siya. Tila matatagalan ang pag-recover niya sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang kalagayan ngayon.
Pinilit niyang itunghay ang kaniyang sarili pero kaagad na napadaing ang babae sa kaniyang ginawang iyon. Halos hindi makakilos ang dalaga. Tila hirap na hirap pa rin ito kahit magsalita siya nang mahina. Ni wala ring makapagsasabi kung anong sinapit ng dalaga sa kaniyang kalagayan ngayon gayong wala ring kaalam-alam ang dalaga sa kaniyang kondisyon.
Wala ring kaalam-kaalam ang dalaga sa kung nasaang lugar siya ngayon. Tanging mga aparato lang ang kaniyang makikita ngunit hindi niya alam ang tungkol o ang mga tawag sa mga kasangkapang iyon.
Wala pang limang segundo ay muling napapikit ang dalaga. Tila hindi niya pa kayang makapagsalita o makipagsalamuha kasama ang ibang tao kahit pa walang katao-tao sa loob ng kaniyang kwarto. Ni hindi niya rin maipaliwanag kung bakit siya nakahiga sa isang kama. Ang ramdam niya lang ay masakit ang kaniyang ulo at naninibago siya sa kung anong mga kasangkapan o aparato ang ginagamit at nakakabit sa kaniya.
“Anong nangyari?” tanong nito sa kaniyang sarili habang nagugulimahanang napapailing sa kaniyang kinahihigaan.
Hindi siya makagalaw nang maayos at kung makagalaw man ay tanging ang pag-ibo lang ng kaniyang mga daliri pati ng kaniyang mga mata ang kaya niyang gawin. Tila naninibago rin ang kaniyang katawan sa kakaibang temperatura ng kwarto at tila hindi siya sanay na nakahiga lang at walang ginagawa.
Pilit niyang iginagalaw ang kaniyang katawan pero walang saysay iyon dahil sobrang hina pa ng kaniyang katawan.
Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng antok. Tila napagtanto nito sa kaniyang sarili na muli siyang matutulog at iniisip nito na maaaring hindi na muli siya magising.
Phoenix’s Point of View
Tila nakatulog na ako habang malalim na nag-iisip kagabi. Ngunit ang aking ipinagtataka ay tila ang aking mga nasa panaginip ay pawang katotohanan. At hindi ko rin masabi kung pawang panaginip nga ba iyon.
It felt surreal and everything was like I’m in her shoe. Marahan kong itinunghay ang aking ulo mula sa aking pagkakahiga. Akala ko ay muli akong bumalik sa aking mundo ngunit ito na yata ang buhay na kailangan kong pagatawanan at hindi ang totoo kong sarili.
Was it okay to live as someone else rather than being myself?
And why the hell am I still here in this dimension although I already woke up? Am I here for a reason? Am I here for some important reason? But what is that? What should I fulfill in this different world where I don’t know anything about everything, especially to the person I am living, as Zeniya.
Marahang akong bumangon sa aking kama habang hindi pinansin ang aking magulong buhok na bahagyang tinatakipan ang aking mga mata. Papikit-pikit din ako sa kadahilanang inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero walang saysay ang paghigang muli sa kama dahil sa oras na magising ako ay hindi na ako muli pang makakatulog.
“Oh! Anong problema?” Agad na binalot ko ang aking katawan gamit ang aking malambot na kumot habang nanlalaking matang tiningnan kung sino ang nagsalita. “Oh! Bakit parang nakakita ka ng gwapong multo?” nakangiting tanong nito kaya’t kaagad naman akong nakahinga nang maluwag nang mapagtanto kung sino ang nagsalita.
Halos atakihin ako sa puso nang bigla-bigla na lang may nagsalita sa apat na sulok ng kwarto ko.
“Bwisit ka! Anong ginagawa mo rito?!” tanong ko habang napapahilamos na lang ng aking mukha. Agang-aga, narito siya sa kwarto ko at malamang sa malamang ay dumaan na naman siya sa bintana ng kwarto. Mag-aalas kwatro pa lang siguro ng umaga ngunit narito na siya sa kwarto ko.
Hindi naman kasi siya maaaring dumaan sa pinto gayong hindi siya papasukin ng tagabantay gayong hindi siya rito nagdo-dorm at may curfew hours din kamivsa dorm.
“Relax! Ikaw naman, parang others e,” saad niya habang nakasimangot. Agad na pinagkunutan ko siya ng noo.
“S-saan mo naman iyan natutunan?” takang tanong ko sa kaniya. Ni hindi naman ako ganoon magsalita pero naririnig ko ang ganoon sa aking mga kaklase sa reyalidad. At wala rin naman akong natatandaang sinabi ko iyon sa kaniya. Hindi rin naman ganoon ang ayos ng aking pagsasalita. Medyo nagagawa ko na nga ring magsalita nang malalalim na salita kahit hindi lingid sa kaalaman ko ang mga kahulugan niyon.
“Wala. Narinig ko lang sa’yo habang mahimbing kang natutulog kanina,” tugon nito habang inayos ang kaniyang upo sa couch.
Medyo nasasanay na siya magparito at masyadong paborito niya ang couch ko.
I rolled my eyes by what he said. “You mean binabantayan mo ako habang ako ay natutulog?” Bumuntong hininga ako. Ibig sabihin narito na siya kagabi pa? Ano siya? Body guard ko sa pagtulog?
He is unbelievable!
“Parang ganoon pero hindi ganoon. Kaunti lang.” Ngumisi siya nang nakakaloko habang ipinakita niya pa gamit ang kaniyang daliri kung gaano kaunti ang sinasabi niya.
“Move on to that, bakit ka pala naparito?” tanong ko para basagin ang kung ano man ang maaaring patunguhan ng kaniyang sasabihin. Baka mapunta pa sa kung gaano ako kalakas humilik o hindi kaya’y kung gaano ako kalikot habang natutulog. And that is what I want to avoid. Sigurado na hahagalpak lang siya sa tawa kapag napunta roon ang usapan. Knowing him, maybe he listed all of my weirdest sleeping habits and documented it for personal gain.
“Wala. Wala kasi akong makausap sa dormitoryo kaya’t nagtungo ako rito para may makausap ngunit tulog ka na pala nang magtungo ako rito kaya’t hinintay na lang kita na magising.” Tumango-tango na lang ako sa kaniyang sinabi saka tumayo mula sa aking higaan.
“Ngayon na nagising na ako, pwede ka na umalis.” Taboy ko sa kaniya habang nakatingin sa may bintana. “Maaari ka nang magtungo sa pinto mo,” dagdag ko pa.
“Ouch!” atungal niya na tila nasasaktan habang nakahawak sa kaniyang dibdib. Nakangibit pa siya at tila nagmamakaawa na huwag ko siyang palabasin.
“Hoy! Huwag mo akong inaartehan diyan, Cobalt.” Lumapit ako sa kaniya saka tinulak siya patungo sa bintana.
Nang malapit na kami sa bintana ay natigilan siya kaya’t napaumpog ako sa kaniyang likuran.
Kaagad na napahawak ako sa aking noo habang siya naman ay bahagyang humarap sa akin. Ang puting sinag mula sa buwan ay nagbigay ng liwanag nang makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha at lalo kong nakita ang kaniyang kulay asul na mga mata.
“A-ang totoo niyan ay may mahalaga akong sasabihin sa iyo,” saad niya at ramdam ko na may kakaiba sa boses niya na hindi ko maipaliwanag.
“A-ano iyon?” naguguluhan kong wika. Ang kaniyang mga mata ay tila may gustong sabihin ngunit pinipigilan ng kaniyang bibig ang maaaring lumabas doon. Tila matagal na niyang kinikimkim iyon mag-isa ngunit hindi pa rin ako sigurado kung totoo ba itong ipinapakita niya gayong maaaring pina-prank niya lang ako.
Hinintay ko ang kaniyang sasabihin ngunit nagtungo muna siya sa couch saka naupo roon. He even look so worried and I don’t know what he is going to say this time. Is he sad? Is something bothering him or... was it sincere?
“Ikaw lang talaga ang malalapitan ko sa mga oras na ito at ikaw lang din ang kaya kong pagsabihan ng ganitong mga bagay.”
Nanatili akong nakatayo malapit sa bintana habang hinihintay ang kaniyang nais sabihin.
“S-si ina,” pauna niya.
Kaagad na kinabahan ako sa sinabi niya kaya’t lumapit ako sa kaniya saka naupo rin sa couch.
“A-anong nangyari sa iyong ina?” tanong ko habang kinakabahang nakikinig sa kung ano man ang maaaring kadugtong ng kaniyang sasabihin.
“W-wala na si ina.” Sa maikling katagang iyon ay kaagad na bumuhos ang luha nito pababa sa kaniyang pisngi at ramdam na ramdam ko ang sakit na tila dinulot na sakit niyon para sa kaniya.
“Hindi ko siya nailigtas. Nahuli ako nang dating nang sumugod muli ang mga Dark Assassin sa bayan. Wala akong nagawa!” Umiiyak na wika niya habang tila kinurot niyon ang aking dibdib upang maluha ako nang bahagya.
Ramdam ko sa boses niya ang panlulumo habang paulit-ulit na sinusuntok ang kaniyang dibdib. At hindi ko kayang makita siya nang ganoon. Hindi kaya ng aking mga mata na nakikita ang kaniyang malungkot na mukha. Masayahin siyang tao at ayaw ko na makita siyang nasasaktan at sinisisi ang sarili sa mga nangyari.
Niyakap ko siya nang marahan upang tumigil siya sa p*******t sa kaniyang sarili. I placed his head against my shoulder and let him cry upon it. I remained silent as he silently cries. It was unexpected of him to open up with me.
And it also means that he trusts me more than someone else.