CHAPTER 33 HAZEL POV Tahimik ang buong bahay. Tila lahat ng ingay sa mundo ay natulog na rin kasama ng mga bata. Matapos kong siguraduhing mahimbing na sina Llianne at Lucas sa kani-kanilang kama, bumaba ako para uminom ng tubig. Suot ko pa rin ang maluwag na daster, at nakalugay ang buhok kong medyo magulo dahil sa maghapong paglalakad. Pagbukas ko ng ilaw sa kusina, laking gulat ko nang makita si Mr. Belfort na nakaupo sa may counter, may hawak na baso ng alak, at nakatitig sa kawalan. “Pasensya na... hindi ko alam na gising ka pa,” sabi ko, agad na tatakbo pabalik sana pero pinigilan niya ako. “Hazel, sandali lang.” Napako ako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan siyang lumapit, hawak pa rin ang baso, pero hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bum

