CHAPTER 27 HAZEL POV Habang abala ako sa pagtuturo kay Llianne kung paano maayos na gumupit ng mga hugis at kasabay na binabantayan si Lucas na masigasig na nagkukulay ng kanyang drawing, biglang bumukas ang pintuan ng mansion. Napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Mr. Belfort. Agad na napasigaw sa tuwa ang dalawang bata. “Daddy!” Parang ilaw na bumukas ang saya sa kanilang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero napangiti rin ako habang pinapanood silang magkasabay na tumakbo at yumakap sa binti ng kanilang ama. Napalapit ako ng bahagya, hindi ko rin maiwasang mapansin ang panandaliang ngiti ni Mr. Belfort habang yakap-yakap ng mga bata. “Bakit? Maaga ka ata ngayon?” tanong ko habang pinipilit panatilihin ang normal na tono ng boses. Tumingin siya sa akin, saglit lang, pero ma

