CHAPTER 69 HAZEL POV Kinabukasan, paggising ko, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Mas magaan na ang ulo ko kumpara kahapon, at kahit medyo paika-ika pa rin akong maglakad, hindi ko na ininda. May benda pa rin sa noo ko, ngunit pakiramdam ko ay sapat na ang lakas ko para maglibot sa loob ng mansion. Para bang may kumikiliti sa puso ko na makita ulit ang mga lugar na dati ay hindi ko maalala. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, agad na sumalubong sa paningin ko ang dalawang malaking painting na nakita ko rin kagabi. Para silang dalawang matang nakamasid sa akin, tahimik ngunit puno ng kwento. Hindi ko mapigilang dahan-dahang lumapit, tila hinihila ako ng isang puwersa para mas matitigan pa ang mga babaeng nasa larawan—mga babaeng may espesyal na lugar sa puso ko. Unang nahaplos ng kamay ko

