CHAPTER 55 HAZEL POV Ramdam ko pa rin ang init ng yakap ni Xander sa likod ko kahit ilang minuto na ang lumipas. Umalis na siya para pumasok sa opisina, pero para bang naiwan sa katawan ko ang kanyang presensya—ang banayad na haplos ng mga palad niya sa baywang ko, ang tahimik na bigkas ng “salamat” sa mismong tainga ko. Napangiti ako habang inaayos ang niluto ko. Nalagyan ko na ng mantika ang kawali, at sinimulan ko nang ibuhos ang scrambled egg na kanina pa niya binantayan, parang bata. Pero kahit wala na siya, hindi ko maiwasang bumalik-balik ang eksena sa utak ko. “Hazel, gusto na talaga kitang ligawan.” Ang bilis ng t***k ng puso ko noong sabihin niya ‘yon. Para akong natunaw sa harap ng kalan. Hindi ko alam kung alin ang mas mainit—ang mantika sa kawali, o ang titig niya. Bigla

