CHAPTER 53 HAZEL POV Kinabukasan, mas maliwanag ang araw. Hindi dahil sa sikat ng araw na pilit sumisiksik sa puting kurtina ng kwarto, kundi dahil sa pakiramdam na parang may bahagyang gumaan sa dibdib ko matapos ang usapan namin kagabi ni Mr. Belfort. Para bang, kahit hindi ko pa rin alam kung sino talaga ako, ayos lang… dahil sa paunti-unting pagmamalasakit na ipinapakita ng mga tao sa paligid ko—lalo na siya. Lumabas ako ng kwarto para magtimpla sana ng gatas para sa kambal, pero hindi ko inaasahang bababa rin si Xander, bagong ligo, at suot ang simpleng gray shirt at jogging pants. Bahagyang gulo pa ang buhok niya at may hawak na tasa ng kape. Nagtagpo ang mga mata namin. Dati, ilap siya. Puro iwas at lamig. Pero ngayon… iba. “Magandang umaga,” bati niya, at sa halip na dumaan la

